Chapter 27

19 2 0
                                    

Kinabukasan, nauna nang tumawag sa 'kin ang direktor ng pelikulang isinulat ko. Humingi sila ng tulong sa script na idinagdag nila para sa cameo raw.

Pumayag na akong puntahan sila sa studio kung saan nando'n ang set nila. Alas-kwatro ng hapon ang hiniling nilang oras kaya dumating ako ng sakto.

Lumabas ako sa sasakyan. Isinuot ko ang salamin na dala ko at sinuklay ang buhok ko. Ngayon na lang ulit ako haharap sa maraming tao dahil isang buwan din yata akong walang event. Ayaw ko ring malaman pa ng mga taga-suporta ko na nandito ako. Sugurin pa nila ang set kahit hindi naman ako artista.

Pumasok ako sa studio pagkatapos i-check ng mga guwardiya. Ipinakita ko sa kanila ang pass na ibinigay sa 'kin. Pagpasok ko sa loob ay napalingon muna ako sa kausap ng guwardiya, sa taong naghintay sa likod ko kanina.

Napamura ako nang makita ng dalawang mata ko ang babaeng naging laman ng utak ko sa lahat ng mga librong isinulat ko, sa loob ng limang taon. Dinaanan ko ng tingin ang buong katawan niya. Simple lang ang suot niyang puting hoodie at pambaba na hindi ko alam ang tawag, parang pantalon.

Namangha naman ako sa mukha niya. Lalo na sa mga mata niya. Nakalimutan ko na kung ga'no kaitim ang itim niyang mata. Damn. I missed those eyes. Mas lalo pa akong namangha nang ilibot ko ang mata ko sa maitim at katamtamang haba ng nakalugay niyang buhok. Sa limang taon na hindi ko siya nakita, nakalimutan ko nang hahaba nga pala ang buhok niya. Para akong nakakita ng bagong bersyon ng babaeng minahal ko noon. Maganda na siya noon pero mas gumanda siya ngayon.

Napalunok ako. Badtrip. Bago pa ako niya lingunin ay bumaling na ako sa harap. Anong trabaho niya? Bakit siya nandito? Bakit walang binabanggit sa 'kin ang mga gago na artista na pala si Sumairu?

Naguguluhan pa rin ako bago pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ko ang pangatlong palapag. Bago pa sumarado ang pinto ay nakapasok na rin sa loob si Sumairu.

Binigyan niya ako ng ngiti na ikinainit ng leeg ko. Badtrip, ang ganda niya.

"Hi, Grant," bati niya.

Pati boses niya, na-miss ko. Ang malamyos at mahina niyang boses na kayang makasakit ng tao kahit kailan niya gustuhin. Katulad nang ginawa niya sa 'kin noon.

"Good morning," mababa ang boses na bati ko sa kanya.

Pinanood ko ang panlalaki ng mata ni Sumairu. Gulat ang ekspresyon niya na hindi ko inaasahan. Bakit siya babati sa 'kin tapos magugulat lang din na sumagot ako sa kanya? Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumisi siya sa 'kin.

"I'm sorry. I thought I was." Tumikhim siya. "Dreaming," bulong niya.

Pagkatapos noon ay nagmamadali na siya sa paglabas ng elevator. Nag-igting ang panga ko nang palibutan na siya ng mga staff sa labas.

Hindi na ako nakalapit pa kay Sumairu. Busy siya sa ginagawa. May nagma-make up sa kanya at nag-aayos ng buhok niya habang nagbabasa siya ng script. Siya ba ang cameo na tinutukoy ng direktor sa 'kin kagabi? Siya ang makakatrabaho ko ngayong araw? Badtrip, hindi pa ako handa.

"Good morning, Mr. Grant," bati sa 'kin ng direktor.

Nakipagkamay ako sa direktor. Malaki ang ngisi niya habang nakatingin sa 'kin. Tipid akong ngumiti.

"It's nice to see you again. It's been a while since the script reading. How are you? How's Canada?" pagbubukas nito ng usapan.

Naupo kami sa tapat ng lamesa na puno ng kung ano-anong bagay na hindi ako pamilyar. Itinuon ko ang mata ko kay Sumairu na hindi man lang lumilingon pagkatapos naming magkatabi at magbatian sa elevator kanina.

"Gano'n pa rin, Direk Rio. Wala palang scene ngayon si Ced?"

Tumawa ang direktor. "Yes. Cedrick isn't part of the scene. It's Sumairu Fabellar's scene today. She's over there." Itinuro niya si Sumairu.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon