"Hello, Sumairu!" bati ni Ced pagpasok namin sa kotse ni Jeth.
Inilahad niya ang kamay kay Sumairu pero mabilis kong kinuha 'yon.
"Sumairu," pagpapakilala ko.
Natawa si Jeth sa harap, siya ang magmamaneho nitong kotse ng tatay niya. Tinaasan ko ng kilay si Ced nang ismidan niya ako.
"You're Ced, right?" tugon ni Sumairu.
Lumiwanag ang mukha ng mokong. Mas tumabi pa siya sa 'min para makapausap ang kasama ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Basta talaga mga pangguwapong pangalan, hirap kalimutan, e, 'no?"
Napailing ako. Natatawang sumagot si Sumairu, "I learned y'all from Grant."
Tinuro niya si Jeth. "You're Jeth, and they're the twins, Leon and Lion."
Napangisi ako. Mukhang interesado nga siya sa mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa naman ang mga mokong na kilala na sila ni Sumairu.
"Nice to meet you, Sumairu. Sana ikaw na ang forever nitong masungit na si Grant," si Ced.
Inaruhan ko siya ng kamao ko. Tumahimik din pagkatapos. Ngumiti lang ako kay Sumairu.
"Thank you for letting me have fun with you guys. Though, I was forced."
Nanlaki ang mata ko. "Forced? Pinilit ba kita?"
Nanliit ang mata ni Sumairu. Bumaling siya kay Ced.
"Did you know that he begged me to be his date today?" pagsisinungaling niya.
Sabay-sabay na tumawa ang mga mokong. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko na nagawang itama dahil nasisiyahan naman si Sumairu. Tumigil ang sasakyan sa bahay ng girlfriend ni Leon pati na rin ang kay Jeth ay sinundo rin. Tatlo na ang babaeng kasama namin sa kotse at lahat sila ay nasa likod kasama si Sumairu.
Kada ilang segundo ay tsine-check ko siya sa likod. Nakakasundo naman niya ang dalawang babae, naggu-group selfie na nga, e.
"Possessive mo sa Misis mo, a," pangungulit ni Ced na nasa tabi ko.
Malakas ang pagkakasiko ko sa kanya na napasigaw siya sa sakit. Umismid ako.
"Tumigil ka sa kaka-Misis mo kung ayaw mong buksan ko 'tong sasakyan at itapon ka na lang," pagbabanta ko.
Umungot si Ced. "Sumairu, he's threatening me!" bulyaw niya kay Sumairu.
Napahawak ako sa noo ko. "Humahaba ang byahe dahil sa 'yong gago ka. Tumigil ka nga d'yan-"
"Grant, don't bully your friend," babala ni Sumairu.
Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsalita kaso hindi ko na nagawa dahil sa tagumpay na mukha ni Ced. Ang sarap talagang itapon, badtrip. Kinampihan pa. Nagkrus ang bisig ko at tahimik na bumaling na lang sa bintana. Nakakatampo, mas pinagtutuunan pa ng pansin ang iba. Tsk.
"Wala ka pala, e. Tumba kay Misis," hirit pa ni Ced.
Nagtiim-bagang ko. Patay ka sa 'king gago ka mamaya. Binalingan ko si Sumairu na ngayon ay mukhang inaantok na. Bumuntong-hininga ako at bumaling kay Gwyneth.
"Pst," tawag ko kay Gwyneth. Hinarap naman niya ako kaagad.
"Palit tayo ng pwesto," bulong ko habang nakaturo sa pwesto niya, at saka itinuro ko si Sumairu.
Ngumiti siya, at nagpunta sa tabi ni Ced. Maingat ang galaw ko nang umupo sa tabi ni Sumairu. Lumunok ako. Dahan-dahan kong inilagay ang ulo ni Sumairu sa balikat ko. Nauuntog na kasi siya sa bintana dahil wala siyang unan.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...