Nagyakap kami ni Pat pagkatapos naming pag-usapan ang pag-amin ko sa kanya at sa sarili ko na may gusto na nga ako kay Sumairu. Ngumiti siya nang matamis sa 'kin bago nagpaalam. Bumuntong-hininga ako. Tama ang desisyon ko na sabihin sa kanya agad ang nararamdaman ko para kay Sumairu. Ayaw kong paasahin ang isang taong wala namang pag-asa sa 'kin.
Una pa lang, alam ko nang walang bagay na hindi ko magugustuhan kay Sumairu, sa mukha pa lang niya lalo na ang ugali niya. Siya 'yong tipo ng babae na ang sarap alagaan at protektahan. Do'n pa lang alam ko na, siya 'yong babaeng posibleng magustuhan ko.
Tumalikod na ako at lumabas sa building. Hindi ko na natagpuan pa si Sumairu. Mukhang sumama na nga siya sa ka-partner niya. Congrats, Grant...sigurado akong maba-basted ka ng babaeng 'yon kapag nalaman niyang gusto mo siya. Ang galing.
Nakatanggap ako ng tawag mula sa unknown number. Itinapat ko sa tainga ko ang cellphone ko.
"Paki-handa na po ang pambayad sa in-order mo," pagsisimula ng kabilang linya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Wala akong ino-order. Scam 'to."
"Hindi po scam 'to, Sir. Um-order po ba kayo ng isang one-piece long-term relationship?"
Mga mokong. Gusto kong tumawa pero seryoso ako ngayon.
"E, kung itigil ko kaya ang long-term na pagkakaibigan nating lima? Ano, game? Hinahamon n'yo yata ako, e."
Pakinig ko ang pagsinghot ng kabilang linya.
"Sir, napag-utusan lang ako, Sir," may halong birong tugon ni Ced.
"Nasa'n kayo? Lumabas kayo sa mga lungga n'yo at nang masuntok ko kayo. Wala kayong magawang matino, ha."
"Ito na nga, Sir. Guess what?" sagot ulit ni Ced.
Nagpamaywang ako. "O?"
"Nandito kami sa resto, nagmamatyag. May nakita kaming Tinkerbell sa himpapawid at may kasamang tsokoy."
Nang mapakinggan ko 'yon, pinatay ko agad ang tawag. Napamura ako. Nagmamadali ako sa pagtawid sa pedestrian. Nakita ko nga ro'n si Sumairu kasama 'yong tsokoy. Ikinuyom ko ang kamao ko. O, tukso, layuan mo 'ko. Ang sarap suntukin ng mukha ng taong 'yon. Badtrip.
Bumuntong-hininga ako saka pumasok sa resto. Saktong nagtagpo ang mata namin ni Sumairu dahil malapit lang ang lamesa nila sa pinto. Umiwas ako ng tingin at pinilit ang sariling hindi siya lapitan.
Pumunta ako sa lamesa ni Ced at Jeth. Wala si Leon at Lion. Binatukan ko muna si Ced, tinawanan niya lang ako. Naupo ako sa tabi ni Jeth na agad na inakbayan ako.
"'Yan 'yong mukha na nagseselos, tama ba ako?"
Inaruhan ko siya ng matalim na tingin. Suminghal ako.
"O, hindi makasagot! Tinamaan ka na, gago!" malakas ang boses na sambit ni Ced.
Tinaasan ko siya ng gitnang daliri ko.
"Io-order kita ng one-piece long-term relationship kay Sumairu, g?"
Napailing na lang ako sa pang-aasar ni Ced. Hindi ko na napagilan ang muling pagtingin sa lamesa ni Sumairu. Gusto kong magmura sa nakikitang paghawak ng ka-partner niya sa kamay niya. Aba, gago 'yon, a. Napapikit ako sa inis. Gusto kong magwala at bugbugin ang tsokoy na 'yon.
"Ano? Hintayin ba natin sa gate mamaya?" bulong ni Jeth.
Tiningnan ko siya. Umiling na lang ako. "Magagalit sa 'kin si Sumairu kapag nalaman niya. Behave lang ako," naiinis kong tugon.
Tumawa siya sa 'kin. "Kung ako 'yan, bugbog-sarado sa 'kin 'yon."
Bumuga ako ng hangin at uminom ng tubig.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...