"Why are you still here? You should join your group meeting," pagtataboy pa rin niya sa 'kin.
Umupo ako sa tapat niya. "Ah..." sambit ko nang ibuka ang sariling bibig, humihingi ng ice cream.
Umiling siya at sumunod din naman sa gusto ko. Sinubuan niya ako ng isang kutsarang ice cream. Ngumisi ako nang matikman 'yon.
"Sarap, a," komento ko.
Pinanood ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya na hindi ko nakita kanina no'ng lumabas ako rito. Sa wakas, okay na ulit siya.
"Kainin mo na 'yan," saad ko pa.
"How about you? If you'll only watch me here, it's better if you just leave. That group meeting is important for you," aniya.
Umiling ako. Hinila ko palapit ang plato niya. Hinalo ko ang spaghetti niya, at pagkatapos ay binuksan ko rin ang gravy para sa fried chicken. Iniharap ko sa kanya 'yon.
"Kumain ka na. Nakakain na ako kanina kasama ng barkada."
Sinagot niya lang ko ng ngiti. Ibinaba niya ang ice cream at itinulak palapit sa 'kin.
"Take this ice cream. It's dessert."
Natawa na lang ako. Kinuha ko rin 'yon. Bait ng Smile namin, a. Sabay kaming kumain, siya sa tanghalian niya, at ako naman sa dessert ko ika nga niya. Kinuha ko ang eco bag ng groceries. Itinabi ko 'yon sa 'kin.
"I'll pay you back once Dad lifted my punishment."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ano ulit tawag do'n? Grounded ba 'yon?"
Dahan-dahan siyang tumango. "You see I was grounded ever since you came into the house. Daddy caught me drinking alcohol."
"Pasaway ka, ghurl?" pang-aasar ko.
Malakas ang tawa niya pagkatapos nang sinabi ko. Natawa na rin ako kasama niya kaya may tumingin sa amin sa kabilang lamesa.
"You sounded girly, ghurl," pag-uulit niya.
Napailing na lang ako sa kalokohan naming dalawa.
"Kumusta ang pag-aaral mo? Parang hindi ka nahihirapan. Ako nga, ang dami kong mali do'n sa isa kong pinasang istorya. Takte, binigyan pa nga ako ng pasadong grade no'ng prof ko...naaawa sa 'kin."
Napailing na lang ako habang naaalala ang nangyari kahapon. Bwisit, sana mataas pa rin ang general weighted average ko kundi balik Mindoro ako. Baka ipakasal na talaga ako ni Papa do'n sa anak ni Don Graciano.
Tipid siyang ngumiti sa 'kin. "It doesn't mean that someone criticizes your work; it will be the end of the world. Nor, your grades will be base on how good of a writer you are. I think your story, especially that children's story that happened to make me cry is amazing! It has potential, Grant!" compliment niya.
Napangisi ako. Tumataas ang confidence ko dahil sa kanya.
"Speaking of mine, my studies are doing well. It's not hard studying business. It's boring for me. No thrill. If I could only study something about gaming, it'd be exciting. Like what you're taking now, it excites you 'cause it's your passion."
Bumuntong-hininga ako. "Isa pa 'yan. Ipaintindi mo sa ama mo na mas gusto mo ang paglalaro kaysa sa negosyo."
Ibinaba niya ang tinidor na gamit at kinamay ang chicken. Napangiti na lang ako sa kasimplehan niya. Minsan nagugulat na lang ako na parang hindi siya pinalaki sa mayamang pamilya. Nagkamali ako nang husga sa kanya.
"I'm the future of the Fabellar Corporation. It's my destiny."
Nangasim ang pakiramdam ko. Hindi ako fan ng destiny na 'yan.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romantizm'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...