Chapter 29

22 2 0
                                    

Ibinaba ko ang hawak kong bulaklak sa tapat ng puntod ni Sir Fabellar.

"Kumusta ho kayo? Ayos lang ho ako." Binasa ko ang labi ko. "Si Sumairu nga pala, nakita ko na ho ulit pagkatapos ng limang taon. Pasensya na ho kung sasabihin ko 'to sa inyo. Mahal ko pa rin ang anak n'yo, Sir Fabellar. Ang hirap lang magpanggap sa harap niya na hindi na ako nasasaktan. Naalala ko pa rin lahat ng salitang ginamit niya para lang umalis ako noon at iwan siya." Umismid ako. "Tatawagin ko ho ba ulit kayong Tito Kevin? I think that would explain my next steps for her after what happened last night."

Nagtama ang mata namin ni Sumairu. Naglalakad na siya palapit sa kinatatayuan ko. Akala ko ay hindi siya sa seryoso sa sinabi niya na mag-uusap kami. Syempre, nagulat ako. Akala ko ay hindi siya magpapakita sa 'kin pagkatapos ng nangyari kahapon.

May dala rin siyang bulaklak katulad ng dala ko. Bumaling ako sa puntod at lumayo nang kaunti para kay Sumairu. Ibinaba ni Sumairu ang bulaklak sa puntod ng ama niya. Nanatili siyang nakaluhod, siguro ay kinakausap rin si Tito Kevin. Bumuntong-hininga ako.

"Sa kotse na lang ako maghihintay," paalam ko sa kanya.

Tumayo naman siya agad. Pinanood ko ang pagkuha niya ng isang papel sa bag niya. Nagsalubong ang kilay ko nang ibigay niya sa 'kin 'yon.

"Read that first. I'll be right behind you."

Tinitigan ko siya. Tumango na lang ako at hinayaan siyang mag-isa.

Pagdating ko sa kotse ay binuklat ko 'yon. Katulad ng inaasahan ko, ito ang last will ni Sir Fabellar. 'Yong dating ibinigay sa 'kin no'ng babae na Tita pala niya. Nagkita ulit kami noon para tanggapin ko ang bahay na pamana sa 'min ng ama ni Sumairu.

"I hereby ordain Sumairu Fabellar, my daughter, and Grant Asuncion to be the possessor of my house from the time I pass away. I will not permit the two to liquidate the property unless it is agreed upon by both parties," pagbabasa ko.

Bakit niya gustong ipabasa sa 'kin ito? May balak ba siyang tumira sa bahay? Imposible.

Kumatok si Sumairu sa bintana ng sasakyan ko. Nagmamadali ako na buksan 'yon. Sinuklay ko ang buhok ko at hinintay na pumasok sa loob si Sumairu.

"Have you read it?"

Tumango ako. Ibinalik ko sa kanya ang papel.

"Anong plano mo? Gusto mo bang tumira pa sa bahay n'yo noon?"

Umiling siya. Hindi na ako nagulat. Ano pang gusto niyang pag-usapan?

"I'm living with my Auntie. I think it's more reasonable if I live with her or I'll be alone in that big house. How about you?"

Nagkibit-balikat ako. "Nakatira na ako ro'n."

Nanlalaki ang mata niya nang tingnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Auntie didn't tell me that. Why are you living in that big house? Do you have someone with you?"

Umiling ako. Ano bang tingin niya? Makakapag-move on ako sa kanya?

"Gusto ko lang," simple kong sagot.

"You must have someone living in there. You just don't want to tell me," sambit niya pa.

"Paulit-ulitin ko ba, Sumairu?"

Bumuntong-hininga ako. Ba't ba kami nagtatalo tungkol do'n? Ano naman sa kanya?

Tumahimik si Sumairu bago nagsalita ulit. Para siyang ticking bomb. Katulad no'ng una ko siyang nakilala. Hindi ko alam kung anong susunod niyang sasabihin.

"I guess that's it. Message me if you don't want to live in there anymore or perhaps sell it in the market. Either way, it's okay for me."

Humigpit ang hawak ko sa manubela. Kaya niyang ibenta ang bahay na 'yon? Pa'no ang alaala niya ro'n kasama ang pamilya niya? Ang alaala naming dalawa? Hindi ko siya maintindihan.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon