Chapter 12

24 3 0
                                    

Bitbit ang isang plastik na may lamang alak ay pumasok ako ng bahay. Alas-syete na ng gabi bago pa ako nakauwi dahil hindi naman ako sumabay kay Sumairu sa pag-uwi. Bumati ako sa mga kasambahay.

"Sir, hindi n'yo ho kasama si Ma'am Sumairu?"

Naestatwa ako. Anong wala pa? Maaga ang uwi no'n, a.

"Wala pa po si Sumairu d'yan?"

Tumango sila. Nagpaalam ako at lumabas ng bahay. Nagpahatid ako ulit sa drayber patungo sa eskwelahan. Bakit hindi pa siya nagpapasundo? Masyado na ba siyang nasiyahan sa date nila ng mayabang na 'yon?

Umabot pa ng trenta minutos bago kami nakabalik dahil sa trapik. Nilibot ko na ang building nila para lang hanapin siya pero wala akong nakitang bulto ni Sumairu. Badtrip, h'wag kong malalaman na may ginawang masama ang ka-partner niyang 'yon sa kanya. Mapapatay ko 'yon.

Bagsak ang balikat ko nang hindi siya matagpuan. Wala naman akong mapagtanungan dahil hindi ko kilala ang mga estudyante sa BSA.

"'Di n'yo ho, Sir, nakita?" tanong sa 'kin ni Manong Teodoro nang pumasok ulit ako sa kotse sa pangatlong beses.

Bumuntong-hininga ako. "Susubukan ko ho ulit tawagan."

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Dinayal ko ang numero niya at tinawagan siya. Hindi na nagri-ring ang cellphone, pwedeng patay o wala siyang signal. Nagtiim-bagang ako.

"Hindi siya sumasagot. Tatawagan ko po ulit maya-maya."

Umuwi na kami. Patuloy lang ang pag-aalala ko. Bakit kasi hindi siya sumasagot? Kung busy man siya, dapat nagte-text siya sa drayber na magtatagal siya. Pinag-aaalala niya kaming lahat.

Alas-nuwebe na wala pa rin si Sumairu. Napagpasyahan ko kanina na maghintay sa balkonahe niya dahil nakikita ro'n ang gate. Lumagok ulit ako sa bote ng alak. Pangdalawa ko na ito na dapat ay kay Sumairu. Bumuntong-hininga ako.

Inaantok na ako pagdating ng nine-thirty. Nakaantabay ako sa orasan dahil kapag umabot na ng alas-dies, magre-report na ako sa pulis. Napakurap ako nang makita ang pagtigil ng itim na kotse sa gate. Lumabas do'n si Sumairu. Sa halip na gumaan ang dibdib ko, nangulo lang ang dugo ko. Ang tagal naman ng date nila ng manliligaw niya. Ayos, a.

Mapait akong nanood sa lalaking lumabas pa at kumaway kay Sumairu bago siya pumasok ng bahay. Inubos ko ang alak at tumayo na. Kinuha ko ang inubos kong bote bago pumasok sa kwarto. Saktong pumasok din si Sumairu. Tiningnan ko ang itsura niya. Nakangiti siya. Maganda ang mood samantalang kami kanina pang nag-aalala sa kanya.

"The maids said that you were looking all over for me. I'm sorry my cellphone died and I haven't memorized your number yet. I couldn't call you," pagsisimula niya.

Umiling lang ako. Naglakad ako palapit sa kanya. Tinitigan ko lang siya bago siya nilampasan. Pinihit ko ang doorknob.

"Wala bang masamang nangyari sa 'yo?" tanong ko.

Masigla ang pag-iling niya. Masaya siya dahil nagkaro'n siya ng date ngayong araw. Dahil sa wakas may nagpapasaya na sa kanya? Napasinghal ako.

"Kumusta ang date mo?" hindi ko na napigilang itanong sa kanya.

Kumiling ang ulo niya. Naupo pa siya na parang hindi nababahala sa tanong ko.

"You mean friendly date?"

Natawa ako. May gano'n pa pala. Friendly date muna bago 'yong legit na date. Pwede na ba siyang mag-boyfriend? Hindi pa ako nasasabihan ng tatay niya patungkol dito. Parang gusto kong kausapin si Sir Fabellar ngayon kaysa kay Sumairu.

"Oo, friendly date. Kung ano man 'yon."

Inalis niya jacket at ibinaba sa kama niya. Hinawakan ko ang noo ko. Nahihilo na ako, takte.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon