Unlucky

504 17 0
                                    

CHAPTER
SIX

BAGSAK ANG balikat at mahaba ang nguso na bumaba ako ng sasakyan. Sa totoo lang, ayaw ko talaga pumasok ngayon, e. Alam ko kasing sa oras na pumasok ako ng campus gate, lahat ng atensyon mapupunta sa'kin pero not in a positive way but in a negative way. Paano ko nahulaan? Well...

"OMG, girls hayan na siya!" Rinig kong bulong -actually hindi siya bulong, narinig ko nga- ng isang babaeng nagmumukhang icing ng cake dahil sa kapal ng make-up.

"Sush! Baka marinig pa tayo niyan, hawaan pa tayo sa kapangitan at katangahan." Saway sa kaniya ng isang babaeng intsik ang mata, naka-snooky ang buhok at may nunal sa gilid ng labi -palatandaan na tsismosa siya.

"Manahimik nga kayo diyan, manood nalang tayo sa susunod na mangyari. I'm sure magiging worth it ang panonood natin!" Saway ng babaeng bleached -dahil sa pagpapa-bleach, nagmumukha na siyang engkanto- ang buhok sa dalawa.

"OMG! I totally forgot about that!" The girl who's face is caked up with make-up, gasped.

"Oh my gosh! Me too!" Suminghap din ang intsik.

"That's why I told you both to be quiet!" Pagpapatahimik naman nung babaeng bleached ang buhok na lihim kong ikinairap. Ano ba yang pinagsasabi nila?

I was about to walk further inside the campus when someone poured a bucket full of icy cold water on me, making me gasped in surprise at sa biglaang pakiramdam ng nagyeyelong tubig sa balat ko.

"Told ya!"

"OMG! That was ridiculous!"

"I pity her! Hahaha!"

"Nakuhanan niyo ba ng video?"

"Yup. And we're on live! Ang dami ngang reacts, o! Hahaha!"

Halo-halo ang mga malalakas na tawanan ng mga estudyante na bahagyang ikinaikot ng paningin ko. Sa lakas ba naman ng tawanan at hiyawan nila.

Kahit na nanginginig sa lamig na nararamdaman, pinilit ko pa rin ang sarili na mag-angat ng tingin para makumpirma kung sino ang hinayupak na nagbuhos sa'kin ng nagyeyelong tubig na yun.

At tama nga ako ng hinala dahil ang hinayupak na sinasabi ko ay walang iba kun'di ang bwisit na Cooper Alegre na yun.

Nakangisi siya habang nakatingin sa'kin. Ano pa nga ba ang pinagbago? Palagi naman siyang nakangisi sa t'wing napapahiya niya ako.

Si Kaiser ay nakangisi rin habang si Sean at Bryan naman ay nakatingin lang sa akin gamit ang blangkong ekspresyon.

"Yssay?" Rinig ko ang pamilyar na boses ni Akira mula sa likod ko kaya nanginginig na lumingon ako sa kaniya. "Oh, my God. Yssay! Ano ang nangyari sa'yo?!" Gulat na aniya bago mabilis na pumunta sa gawi ko.

"N-Nothing..." Nauutal na bulong ko dahil pakiramdam ko nanghihina ako sa lamig nararamdaman.

"Oh, my God! Ang lamig mo! Patay! Shit! Lagot ako kay Tito nito!" Parang nagpa-panic na aniya at sumulyap sa direksyon nung apat bago ako hinila paalis do'n at papunta sa girls locker room.

Wala na akong nagawa kun'di ang magpahila sa kaniya dahil talagang nanghihina na ako at parang anytime mawawalan na ako ng lakas para makatayo mag-isa.

Nang makapasok kami sa locker room, kaagad niya akong pinaupo sa bench at tinulungan akong hubarin ang blazers, mahabang medyas at sapatos ko.

Hinalungkat niya ang bag ko para hanapin ang susi ng locker ko and when she finally found it, mabilis niyang binuksan ang locker at kumuha ng extra uniform ko do'n and hand it to me.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon