Worried

673 25 2
                                    

CHAPTER
THREE

SUMAKIT ANG ulo ko dahil sa nakakbinging ingay -idagdag mo pa na natamaan ako ng baseball sa ulo- at naramdaman kong parang may mainit na likido ang naglandas mula sa noo ko pababa sa ilong na mas nagpasakit sa ulo ko.

At kahit nakapikit ay alam ko na kaagad kung ano yun. And the images of dead bodies pooled with their own blood appeared in my head, I almost lost consciousness.

"Aww! Kawawa naman siya! Hahaha!"

"Hahaha! Karapat-dapat lang yan sa isang katulad niyang pangit!"

"Banggain ba naman si Cooper! Hahaha! Yan tuloy napala mo! "

"Oh, my God!" Narinig ko ang boses ni Aki na mukhang nagulat sa biglaang nangyari. "Yssay! Dumudugo ang noo mo! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

At kung nasa ibang sitwasyon lang ako ngayon, babatukan ko talaga siya. Sabi na nga niyang dumudugo yung noo ko, tatanungin pa kung okay ako? Ano tingin niya sa lagay ko ngayon? Okay lang? Okay din 'to mag-isip ang best friend ko, e. Sarap batukan.

"Excuse me!" Rinig ko ang boses ng isang lalaki papaunta sa gawi ko. "Shit! Your head is bleeding! We need to take you to the clinic immediately." Naramdaman kong may bumuhat sa'kin na nagpatigil sa tawanan ng lahat.

Sa sakit ng ulo ko ay hindi na ako nakapalag kaya hinayaan ko nalang ang nagbubuhat sa'kin na buhatin ako dalhin sa clinic.

Nang maramdaman kong tumigil ay alam ko nang nasa clinic na kami. Paanong hindi ko alam e parehong-pareho ang amoy ng clinic at hospital. Napakabaho ng mga gamot at ang lamig ng kwarto, para kang mamamatay. Basta, nakaka-suffocate.

"Oh, my! Ano ang nangyari sa kaniya?!" Rinig kong tanong ng nurse at halata sa boses niya na nag-aalala siya.

"She was hit by a baseball." Sagot ng lalaking buhat-buhat ako. Nasaan na ba yun si Aki? Bakit parang hindi ko maramdamang nasa paligid siya?

"Sige, ihiga mo na siya sa kama at gagamutin ko siya." Hindi sumagoy ang nagbubuhat sa'kin, sa halip ay naramdaman kong naglakad siya at inilapag ako sa isang malambot pero malamig na kama.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at marahang hinawakan ang kamay ko. Siguro ito yung nurse, ang lambot at ang lamig ng kamay e.

Mas lalong sumakit ang ulo ko Kaya hindi ko mapigilang mapapikit ng mariin. Hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman sa sobrang sakit na nararamdaman.

"MABUTI NALANG at nadala mo kaagad si Yssabella dito, hijo." Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mommy.

Pagdilat ko ay ang nakakasilaw na ilaw ang agad na bumungad sa'kin dahilan para mapapikit ako ulit.

"No, it's okay, Ma'am. It's my friend's fault anyway." Sagot ng pamilyar na boses na sa pagkakatanda ko ay ito yung nagdala sa'kin dito sa clinic.

Sa totoo lang, hindi ko siya kilala. Oo nga't parang naririnig ko ang boses niya sa kung saan, pero hindi pa ako sigurado dahil hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko pa kasi maidilat ang mga mata ko dahil nasisilaw pa rin ako.

I slowly open my eyes again and let it adjust from the blinding light. Nang makapag-adjust na ang mata ko ay inilibot ko ang paningin sa paligid at tama nga talaga ako kanina, nasa clinic ako ng school.

Inilibot ko ulit ang paningin hanggang sa dumapo yun sa isang pigura ng lalaking nakatalikod sa gawi ko. Teka, kilala ko 'to e. Sino nga ba 'to?

"Oh thank, God you're awake, Yssabella." Rinig kong sabi ni Mommy na parang nakahinga ng maluwag pero nanatiling nasa lalaking nakatalikod ang paningin ko. Napakapamilyar niya talaga e.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon