Baseball

898 37 2
                                    

CHAPTER
TWO

LUNCH TIME na at nandito kami ngayon sa paboritong tambayan namin ni Aki, ang ilalim ng puno ng malaking akasya. Ito na yung naging paboritong tambayan naming dalawa simula no'ng maging magkaibigan na kami.

Bukod sa tahimik dito at walang gulo, dito rin kami nagkakilala at naging magkaibigang dalawa. Siguro kaya namin 'to naging paboritong tambayan dahil parang mahalaga na rin sa'min ang lugar na 'to.

Noong ako pa lang mag-isa dito, sa malaking sanga ako palaging tumatambay, pero no'ng maging magkaibigan na kami, dito na kami sa bench umuupo dahil hindi naman siya marunong umakyat.

'Tsaka ang sabi niya, may fear of heights daw siya, e hindi naman masyadong mataas ang sanga na inuupuan ko.

"Manonood ka ng baseball practice mamaya?" Napalingon ako kay Aki nang magsalita siya.

Nilunok ko muna ang nginunguya kong veggie burger saka ko siya kinunutan ng noo. "Bakit?"

Umirap siya sa ere. "Duh. Nakalimutan mo na bang kasali si Miguel sa baseball team?"

Ah, oo nga pala. Si Miguel de Leon, ang longtime crush ni Aki simula pa daw no'ng freshman year niya. Ang gwapo daw kasi at napaka-gentleman kuno.

Ilang beses ko nang nakita si Miguel at mukha tama nga si Akira, may itsura nga siya. 'Tsaka mukhang mabait naman siya at magalang sa mga mas nakakatanda sa kaniya at mga babae.

Tumaas ang dalawang makakapal kong kilay. "Pupunta ka?"

"Of course! 'Tsaka gusto ko sumama ka, ayoko namang mag-isang manood do'n." Ngumuso siya pagkatapos ay uminom ng Sprite.

Kahit saan talaga siya magpunta, gusto niya na palagi akong kasama. Mabuti nalang din at pumapayag si Mommy at Papa na isama ako ni Aki sa kahit na anong lakad niya, pero may limit din naman.

Katulad nalang sa palaging paalala ni Papa sa tuwing paalis na kami ni Aki sa bahay na, "You should be home by nine p.m. sharp."

"Anong oras magsisimula at matatapos ang laro?" Tanong ko sa kaniya sabay kagat sa burger ko.

"Hmm..." Hinawakan niya ang baba gamit ang hinlalaki at hintuturo niya habang nakatingala sa langit, tila inaalala. "Ang narinig ko kanina, mga 4 to 6 p.m. ang practice nila mamaya."

Ngumuso ako at tumingin sa kawalan. "Ite-text ko muna sina Papa at Mommy..." Sambit ko at wala sa sariling napatingin sa open corridor nang maramdaman ko na parang may nakatingin sa'kin mula do'n.

At tama nga ako dahil nang mapatingin ako sa gawing yun ay nakita kong nakatayo at nakatingin sa gawi namin ni Aki si Cooper na ikinatigil ko.

Kumunot ang noo ko. Ba't siya nakatingin sa amin ni Aki? Sa'min nga ba siya nakatingin? Ipinalibot ko ang tingin sa paligid at nakitang wala namang ibang tao malapit dito sa akasya kun'di kaming dalawa lang ni Aki.

Kaya salubong ang kilay na ibinalik ko sa kaniya ang tingin. Bakit ba kasi siya nakatingin sa gawi namin? Ang creep niya, ah.

Nakita niya siguro na nakatingin ako sa kaniya dahil bigla siyang ngumisi. Kakaiba ang ngisi niya habang nakatingin deretso sa mata ko at kahit na malayo ay nakita ko pa rin ang pagkindat niya bago tumalikod at umalis.

Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Ba't niya 'ko kinindatan? Siguro yun ang palatandaan na maghihiganti yung lalaking yun. Haist, napakabading niya pala kung gano'n.

"Hoy, Yssay!" Napakurap-kurap ako nang biglang hipan ni Aki ang tungki ng ilong ko.

"Mm? Ano nga yung sinasabi mo?" Tanong ko na nagpairap sa kaniya.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon