Nominated

449 16 0
                                    

CHAPTER
TWELVE

TWO DAYS na ang lumipas simula noong nag-tryouts sa campus field. At sa loob ng dalawang araw na yun, naging tahimik ang buhay ko, na ipinagpapasalamat ko. There's also no sign of the Kings na ipinagpapasalamat ko rin.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa classroom. Napakurap-kurap ako nang makitang nakatingin sa akin ang lahat ng taong nasa loob ng classroom. Oh...kay. Bakit sila nakatingin sa'kin? Hindi naman ako na-late, ah.

Sinulyapan ko ang wrist watch ko at nakitang may five minutes pa ang natitira bago magsisimula ang klase. Sinulyapan ko rin ang wall clock na nasa itaas ng white board at nakitang parehas lang ang oras nito sa wrist watch ko. So...ano ang tinitingin-tingin nila?

Napakamot nalang ako sa ulo at naglakad na papunta sa bakanteng upuan sa likod. While walking, I can still feel their stares at me hanggang sa nakaupo na ako sa upuan ko ay nakatingin pa rin sila sa akin.

Okay, this is awkward. And I wish na kaklase ko nalang si Akira ngayon dahil ang awkward talaga ng paligid. Lahat sila tahimik lang na nagmamasid sa'kin hanggang sa bumukas ang pinto ng room at pumasok doon ang teacher namin na si Mrs. Concepcion.

Pinanood namin siya na ilapag ang dalang bag sa ibabaw ng kaniyang desk at mag-angat ng tingin. Nagulat ako nang diretso sa direksyon ko ang mata niya nang mag-angat kami ng tingin.

"We're—" naputol ang pagtangka niyang pagsasalita nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang limang mga unggoy. Napairap nalang ako. Tsk. Palagi nalang silang interruptions sa lahat.

Pero ang pagpasok ng lima ay parang wala lang kay Mrs. Concepcion. She just waited for the five bad boys to sit on their chairs, which is the chairs around me.

Ang nakaupo sa kanan ko ay ang unggoy kong stepbrother, sa kaliwa ko naman ay yung bwisit na nanghalik sa pisngi ko nang walang pasabi. Sa likod ni Sean ay si Bryan, sa likod ni Ezekiel ay ang mokong na si Kaiser, at ang nasa likod ko ay walang iba kun'di ang lider nila na isang hinayupak.

"Okay, class. Two weeks from now is the upcoming search for Mister and Miss Campus. So, I want you to pick the most suitable pair to represent our section. And because I know na lahat kayo ay may iba't-ibang nasa isip, kaya idadaan natin ang pagpili ng pares sa pamamagitan ng nomination." Mahabang lintaya ni Mrs. Concepcion.

"Ms. President, kindly write down the names of the nominated and let your classmates vote." Pagtawag ni Mrs. Concepcion sa Classroom President namin na kaagad namang tumalima.

"The nomination for the Miss Campus starts now!" Malakas na ani Kuania. Kaagad na nagtaas ng kamay ang mga kaklase ko maliban sa'kin at sa limang lalaking nakaupo malapit sa akin. "Stephanie."

Tumayo si Stephanie, isa sa mga alipores ni Mojeeka —na nakalimutan kong banggitin na kaklase ko rin. "I nominate Mojeeka Lavigne to represent our section for Miss Campus." Nakangiting aniya.

Nakita kong nag-apiran si Stephanie at Mojeeka saka mataray na tumingin sa gawi ko. O? Ano ang problema ng dalawang yan? Kung makatingin akala mo nanghahamon. Tsk.

"Ava."

"I nominate Elisha Baguio."

"Kenneth."

"I nominate Rolaine Alcantara."

"Kyla."

"I nominate Deighn Co."

"Jack."

"I nominate Yssabella Ramirez."

Muntik na akong mabilaukan sa sariling laway nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit para i-nominate. Aangal sana ako kaso nagpatuloy lang sila sa pag-nominate at mukhang wala namang papansin sa'kin kung aangal ako.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon