Three Kings

1.6K 75 3
                                    

CHAPTER
ONE

Ma. Yssabella's PoV

ABALA AKO sa pagbabasa sa notebook na naglalaman ng assignment ko na kailangan nang ipasa ngayon, nang bumangga ako sa isang matigas na pader dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Nabitawan ko ang mga dala at mariing ipinikit ang mata sa sakit na nararamdaman sa pang-upo ko. "Ouch." Mahinang sambit ko.

Nag-angat ako ng tingin at napakurap-kurap sa nakita. Oh...kay, hindi pala pader. Kun'di isang lalaki na mala-Greek god sa kagwapuhan.

Napataas ang kilay ko nang pagpagan niya ang damit sa harapan, as if nagpapagpag siya ng alikabok e wala namang alikabok ang damit niya.

Nakasuot siya ng panlalaking uniform ng school namin pero nakabukas lahat ng butones ng polo niya dahilan para makita ang white V-neck shirt niya na hapit na hapit sa matipunong katawan niya.

He looked up and our eyes met. At parang matutunaw ako sa kulay kayumanggi na mga mata niya. Kumikinang yun at hindi ko mapigilang mapatitig do'n.

Pero napakurap-kurap ako nang maramdaman kong parang may binubuhos na malamig at basang bagay sa ulo ko.

Do'n ko nalang na-realize na tubig pala yun nang tumama yun sa'king mata at naglandas pababa sa bibig hanggang sa blusa at skirt ng uniform ko.

Parang sandaling nag-slow motion ang lahat at bigla nalang bumalik sa normal nang marinig kong tumawa ng malakas ang mga estudyante na nasa hallway.

Napasinghap ako nang mamalayan kong basa na ang uniform ko at napatingin ako sa mga gamit ko na nagkalat sa sahig. At parang gusto ko nalang umiyak nang makita ang pinaghirapan kong assignment sa Math na nabasa.

Kaagad na bumalik ang tingin ko sa lalaking nakabangga sa'kin, at ngayon ko lang napansin na may dalawa pala siyang kasama at pare-pareho pa silang may mga ngisi sa labi.

"Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo, nerd." Nakangising aniya bago ako nilampasan kasunod ng dalawa niyang kaibigan na umiiling habang nakangisi pa din.

Bakit parang ang OA naman 'ata niya masyado? Aksidente ko lang naman siyang nabangga, pero buhusan ba naman ako ng tubig sa ulo?

Nakayuko lang ako habang nakangising nagbubulungan yung mga estudyante sa paligid, lalong-lalo na yung mga fan girls at fan gays ng tatlong yun.

"Dapat lang yan sa kaniya, banggain ba naman si Cooper ko." I heard a gay scoffed.

"Yeah. Dapat lang talaga yan sa kaniya, wala siyang karapatan para banggain ang Cooper my loves ko." Rinig kong sabi naman ng isa pang bakla.

"Anong my loves mo? Bebeh ko kaya siya!"

"Anong bebeh mo? Akin kaya siya!"

"Tumigil nga kayo mga bakla!" Rinig kong singit naman ng isang babae. "Akin lang si baby Cooper, kaya wala na kayong pag-asa sa kaniya. Libre naman sila Bryan at Kaiser kaya sila nalang ang angkinin niyo!"

"Oo nga, 'no? Sa'kin nalang si Bebeh Kaiser."

"Sa'kin nalang din si Bryan my loves."

Napailing nalang ako sa mga naririnig kong mga bulungan -kung bulungan pa nga ba ang tawag do'n dahil narinig ko- ng mga fans ng tatlo at pinulot ang -thankfully- hindi nabasang libro at ang -unfortunately- nabasang notebook na naglalaman ng assignment ko sa Math.

Bakit ba kasi nagkataong sa kandungan ko pa bumagsak 'tong notebook ko? Yan tuloy, nabasa.

Kailangan ko na ang magdasal dahil napaka-terror pa naman ng Math professor namin. Tumayo na ako at umalis na do'n. Buti nalang at hindi nabasa ang sahig dahil kung hindi, ako pa ang magma-mop.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon