Soccer

511 25 4
                                    

CHAPTER
EIGHTEEN

NASA FIELD kami ngayon. Kami means...kasama ang limang Hari ng Miller's campus at siyempre kaming dalawa ni Akira. Sino ang mga Hari na yun? Siyempre walang iba kun'di si Bryan, Ezekiel, Sean, Kaiser at Cooper na kaswal lang kung kumagat ng burger niya.

Kagatin ko din kaya labi niya? Kasing sarap din kaya ng burger na kinakagat niya—argh! Ano ba 'tong iniisip ko! Simula kasi nang nakawin ng gunggong na yun ang unang halik ko, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Pero 'wag kayong green minded, hindi gano'n ang tumatakbo sa isip ko no'ng mga nakaraang araw.

Pasulyap-sulyap pa ako sa kaniya, pero ang bwisit, parang wala lang. Parang wala lang sa kaniya yung ginawa niya no'ng Thursday night. Siguro dahil isa siyang bad boy, lahat ng ginagawa niya wala lang sa kaniya. Hindi na nga rin siguro ako magtataka kung marami na siyang napaiyak na mga babae.

Gusto kong kalimutan yung ginawa niyang pagnakaw ng first kiss ko. Pero shet lang, hindi ko malimutan na siya nga ang nakakuha sa unang halik ko. Ewan ko ba, pero baka may lason yung labi niya kaya hindi ko malimutan ang unang pagdampi nito sa labi ko.

O sadyang gano'n lang talaga ang epekto kasi nga first kiss ko yun. Bakit ko nga ba ginagawang big deal ang paghalik sa'kin ng bwisit yun? Kasi nga, yun ang first kiss ko! Aish! Baliw na siguro ako.

"Huy! Okay ka lang?" Napatingin ako kay Akira nang bumulong siya sa gilid ko. "Bakit may pasulyap-sulyap kay Cooper?" Dugtong niya na mas hininaan ang pangalan ni Cooper pero in-emphasize naman.

"Anong pasulyap-sulyap? Hindi kaya. Tahimik nga lang akong kumakain dito." Sabi ko sabay kagat ng burger ko—na hindi pa pala nabubuksan. Napasulyap ako kay Akira at nakitang nakataas ang isang kilay niya.

"Tahimik na kumakain, huh?" She said with sarcasm. Umirap nalang ako at kaswal na binuksan ang grilled cheese burger na binili pa namin sa pinakamalapit na Burger King sa labas ng campus.

Napatingin ako kay Ezekiel na biglang tumayo. "Girls, we'll play soccer. Wanna join us?" Tanong nito sa'ming dalawa ni Akira, at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala sila natapos kumain.

Nagtama ang paningin namin ni Cooper pero wala man lang emosyon sa mata ng loko. Walang kahit pagkinang man lang ng mata dahil sa may naiisip na kalokohan para mapahiya ako.

Nakakapanibago lang naman kasi. No'ng mga nakaraang b'wan simula no'ng unang araw ko as a senior and soon-to-be highschool graduate, palagi niya kasi akong pinapahiya, inaasar at iba pa.

Pero simula no'ng nakaraang linggo, parang ibang-iba na siya sa bad boy Cooper na nakilala ko. Ewan ko, pero parang hindi ko gusto ang pagiging stoic at emotionless niya ngayon.

Parang mas gusto ko nalang na bumalik siya sa pagiging bad boy niya. Bumalik sa pang-aasar sa'kin—pero 'wag sanang bumalik sa pagpapahiya sa'kin, ang swerte naman niya kung gano'n.

"Ria?"

"Huy! Tinatawag ka ni Ezekiel, o." Pagkalabit ni Akira sa tagiliran ko dahilan para makabalik ako sa reyalidad.

"Ha?" Lumingon ako kay Aki.

"Tinatanong ka niya kung sasali ka ba. Pero ako pass na muna ako, may gagawin pa kasi akong assignment." Aniya.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon