Date?

275 18 14
                                    

Dedicated to: kiraaamoon, maxinne_xyl, PRIMALYN88, Alishavluee, at sa lahat ng readers na nag-comment.

CHAPTER
TWENTY-TWO

EXAMINATION WEEK ngayong linggo at Monday pa lang ngayon. Kaming mga seniors (grade 11 and 12), from 7:30 a.m. to 9:35 a.m. ang exam. One subject per hour, and five minutes break before mag-start ang ikalawang subject. Sa mga grade 9 and 10 naman, 9:50 a.m. to 11:55 a.m., habang sa mga grade 7 and 8 ay 1:00 p.m. to 3:05 p.m..

Sa araw na 'to, English Literature at Science ang subject na sasagutan namin. At dahil exempted na ako sa Science, isang subject nalang ang sasagutan ko. Mabuti nalang talaga at nakapasa kami ni Bry last Monday, muntik ko pa namang makalimutan ang tungkol do'n.

Kung hindi lang sana sila sa bahay nag-hangout buong weekend, hindi ko sana nakalimutan. Nakakainis kasi sila, lalong-lalo na yung Alegre at yung Montefalco na mga yun. Kung hindi mabilis mag-type si Bryan, malamang hindi namin mapapasa ang research on time.

"Haist... Bakit ba kasi do'n pa 'ko sa section B, sana do'n nalang ako sa section A para exempted din ako sa Science." Rinig kong sambit ni Aki sa tabi ko. 6:58 a.m. pa kasi ngayon kaya may time pa kami para tumambay dito sa tambayan namin para mag-last-minute review.

"Psh. Hindi naman lahat ng section A exempted. Yung nakatapos lang sa tasks nila yung pina-exempted ni Ma'am." Sabi ko sa kaniya at nag-review ulit.

Nagbuntong-hininga siya at itinukod ang mga palad sa likod. "At least may chance ako na ma-exempted. Baka nagkataon pa na tayo ang nagka-partner, e'di exempted na sana ako."

"E pa'no ka ba naman kasi, kahit pwedeng sa section A ka rin, mas pinili mo pa yung long-time crush mo kesa sa'king best friend mo." Umirap ako sa hangin at bumalik sa pagbabasa.

"Sorry na. Kung hindi lang naman kasi naging section B si Miguel, sa section A pa rin sana ako."

PAGKATAPOS NG English subject, lumabas na ako ng room at dumeretso sa tambayan namin. Naisipan ko nalang na dito na muna tumambay habang maghihintay kay Akira. Gusto niya raw kasi sanang magpasama sa'kin sa cemetery para dalawin ang namayapa niyang grandparents.

Ngayon kasi ang death anniversary ng mga ito at naisipan niyang isama ako. Bata pa lang daw noon si Akira nang namayapa ang Lolo at Lola niya sa mother side, habang ang grandparents naman niya a father side ay hindi niya pa nakilala at hindi rin naman daw nababanggit ng parents niya ang tungkol sa mga yun.

Habang naghihintay sa tambayan, naramdaman kong may tumabi sa'kin. Lumingon ako at nakitang si Bryan pala.

"Here." Sambit niya sabay abot sa'kin ng isang paper bag na may tatak Taco Bell.

"Nako, sa'yo nalang yan. Busog pa ako." Pagtanggi ko, pero pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay tumunog naman ang tiyan ko. Narinig ko namang natawa 'tong katabi ko habang ako naman ay namumula na ang magkabilang pisngi.

"Busog ka pala..." Rinig ko ang pagbibiro sa tono niya dahilan para mas pamulahan pa ako.

E sino ba naman kasi ang hindi tutunog ang tiyan kung gano'n kabango yung laman ng paper bag? Mukhang bagong luto pa nga, e.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon