Last King

481 18 0
                                    

CHAPTER
EIGHT

"GIRLS, NARINIG niyo ba?" Nakapila ako ngayon dito sa canteen para bumili ng morning snacks nang biglang magsalita ang babaeng nasa unahan ko. Nakita kong napalingon sa kaniya ang dalawang babae nasa unahan naman niya.

"Ang alin, girl?" Tanong sa kaniya nung babaeng nauna. Hindi na sana ako makikinig sa mga tsismisan ng mga gossipers na 'to nang marinig ko ang sagot ng pangatlong babae -yung babaeng nauna sa'kin.

"I heard na babalik na si Ezekiel mula US." Sagot niya na nagpatigil sa'kin. Sinong Ezekiel kaya ang pinag-uusapan ng mga 'to?

"Oh, yeah! I saw his post, telling that 'I'm going home'!" Sabi nung ikalawang babae.

"I bet he's more handsome than he is back then." Nakangiting sabi nung babaeng nauna.

"Me too." Pagsang-ayon ng ikalawa.

"Maswerte siguro ang taon na 'to, girls. Napansin niyo ba? This year magri-reunited ang mga Hari!" Nanlaki ang nga mata ko sa narinig na sabi ng ikatlong babae. Don't tell me-

"Yeah! At si baby Ezekiel Montefalco nalang ang kulang sa kanilang apat para ma-complete na talaga sila! I can't wait to see him!" Kita ko kung gaano kasaya yung babaeng nauna.

Halata sa malapad na ngiti niya at sa tili pa lang niya. Pero kabaligtaran ang nararamdaman ko ngayon. I'm not happy nor excited to see that guy.

Sa loob ng isang taon na nag-aaral ako dito, I can say that I've been in hell. It was one of my torturous year in my life. Palagi niya akong binu-bully noon, pero not in the public places.

'Tsaka, hindi naman ako nasasaktan sa mga pambu-bully niya, hindi katulad ngayon kay Alegre. Pero hindi pa rin ako masaya na babalik yung lalaking yun dahil panigurado, sasabog na ang ulo ko kapag pinagsama-sama na silang lahat.

"Ano ang sa'yo, hija?" I was snapped out of my thoughts when I heard the lady behind the counter, asked me. I think she's in her early or mid fifties.

"Uhm...isang ham sandwich, fresh lumpia, cheeseburger, empanada, orange juice, Coke in can at dalawang tubig, po." Ngumiti ako sa kaniya na sinuklian din naman niya ng isang mabait na ngiti.

"Yun lang ba, hija?" Tumango ako. "Maghintay ka lang sandali." Aniya at iniwan ako para kunin ang orders ko.

"Yssay." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may umakbay sa'kin. Lumingon ako para samaan ng tingin si Aki na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya while laughing her heart out.

Pinagtitinginan na nga siya ng mga estudyante at canteen staff na malapit sa'min na para bang isa siyang baliw na nakatakas sa isang mental institution.

I looked at her blankly. "Ha-ha. Nakakatawa." Kaagad siyang tumayo ng tuwid at ngumuso na ikinairap ko. Sheesh, nagpapa-cute pa ang Gaga. An'sarap batukan.

"Ito naman, ayaw akong patawanin." Umirap lang ulit ako. "Anyways, narinig mo ba?" Hindi. Wala ako narinig.

"What?" Bored na tanong ko.

"The last King para makompleto na ang mga Hari, Ezekiel Montefalco is coming from US. Narinig ko ding dito siya ulit mag-aaral." Aniya na ikinainis ko.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon