Bitch

428 29 0
                                    

CHAPTER
ELEVEN

HAWAK-KAMAY PA rin kaming naglakad ni Akira papunta sa gitna ng field kung saan nakatayo si Macky ‘the addict’. At habang naglalakad kami, ramdam kong nakatingin pa rin sa'min ang mga estudyante. Mapabakla, mapatomboy, mapababae o mapalalaki man.

Ano ba ang big deal at nakatingin sila sa'min? Pare-pareha nga lang kaming mga babae na nakasuot ng Style B PE uniform, tapos kung makatingin sila sa'min ni Aki, parang isa kaming kriminal sa pagsuot ng SBPEU.

Pero ewan ko sa babaeng nasa tabi ko. Parang wala lang kasi sa kaniya ang mga tingin sa paligid at patuloy niya lang akong hinihila patungo sa Macky ‘the addict’ na yun.

"Hi, Mac!" Masayang bati ni Aki kay Macky.

"Hi, Gorgeous." Balik bati ni Macky sabay kindat kay Aki saka bumaling sa'kin. "And hi, Nerdy." Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. "You look sexy in your uniform and..." Tumigil ang tingin niya sa mukha ko. "...simple."

Bwisit na lalaking 'to! An'sarap iuntog sa semento ang ulo niya. Kainis! "Hi, A." Balik bati ko sa kaniya.

"A?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo, A. Short for Addict. Sa mga hikaw mo pa nga lang, malamang hindi ka magiging crush ng crush mo." Mataray na sagot ko sa kaniya. Hindi ko nga alam na may natitira pa palang katarayan sa'kin.

Natawa naman yung mga kasamahan niyang lalaki. "'Wag ka na kasing magsuot ng mga hikaw, bro. Baka yan ang dahilan kung bakit may ibang crush ang crush mo." Ani nung isa sabay tapik sa balikat niya.

"Tsh." He just rolled his eyes at inabutan kami ng white paper bracelets ni Aki. "Put that on your wrists then you can go and try some sports that you want." Aniya at umalis na kami ni Aki do'n.

Naglakad lang kami hanggang maabot kami sa gawi kung saan may mga babaeng nakahawak ng volleyball. Nakita kong napatingin sa gawi namin yung isa.

"Hey, Akira!" Tawag nung babae dahilan para mapatingin ang iba sa gawi namin ni Aki. "You know how to play volleyball, right?" Tanong nito nang makalapit kami sa gawi nila.

Tumango si Aki. "Oo, bakit?"

"Kulang kami ng player, come and join us." Sabat ng babaeng naka-tight ponytail.

"Okay." Aniya at hinawakan ang kamay ko. "Pero sa team kung nasaan ako, do'n din si Yssabelle."

Nakita ko namang biglang nag-iba ang reaksyon nung iba, habang yung nasa harapan namin ay nakangiti ng matamis. "As much as we like her to join us, isa nalang kasi ang kulang sa'min, and that will be you."

"Uhm..." Lumingon sa'kin si Aki at tiningnan ako, as if asking kung okay lang ba kung sasali siya at maiiwan akong mag-isa at nananood sa kanila.

Tumango lang ako at tumango sa direksyon ng mga benches. "Doon lang ako."

"Sure ka?" Parang nag-aalinlangan pa talaga siya.

"Mm." Tumango ulit ako. "Good luck." Ngumiti ako bago tumalikod para pumunta sa bench at umupo.

Hindi rin naman nagtagal, nagsimula na ang paglalaro nila. Kahit hindi naman ko naman masyadong kabisado ang laro, alam ko naman kung sino ang magaling sa paglalaro o hindi. And I can say that the both team were good at parehong hindi magpapatalo.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon