Tryouts

497 30 0
                                    

CHAPTER
TEN

IT'S THURSDAY and it's the club signing day. Half day lang ang klase namin at ngayong hapon ay ang pagpapalista namin sa club na gusto naming salihan. Pagkatapos nito ay ang meetings ng mga clubs at ng mga members na sumali dito.

"Uy, yung promise mo sa'kin, ah. 'Wag mong kalimutan." Aki nudged me on my shoulder with hers and I just rolled my eyes.

"Ano bang club ang sasalihan mo?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Tumingala naman siya at huminto sa paglalakad para umaktong nag-iisip. "Hmm... Nakasali na ako sa English Club, Homeroom, Science, Math... Ang hindi ko nalang nasalihan ay ang...Sports Club!" She exclaimed na ikinatigil ko.

What the heck?! Sports Club?! Kung tutuparin ko ang pangako ko sa kaniya—is she trying to kill me? Damn! Wala akong talent sa mga sports na yan.

"Sports Club?! Gusto mo ba akong patayin?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya.

"Geez! Low down your voice, gurl. Pinagtitinginan na tayo ng mga students." Aniya dahilan para ipalibot ko ang tingin sa paligid.

And sure enough, nakatingin na nga sa aminang mga tsismosa, tsismoso, tsismokla at tsismomboy na mga estudyante ng Miller's University. Tss.. An'dami talagang gossip maniacs ang Miller's.

"And FYI, hindi kita gustong patayin, 'no. Best friend kaya kita. 'Tsaka...ang OA mo, hindi ka naman mamamatay kung sasali ka sa sports club."

"Anong hindi?! Have you forgotten na may hika ako?"

She rolled her eyes. "Saka ka lang naman inaatake ng hika kapag nagiging OA ka. Basta, sa sports club tayo sasali. Sa gusto mo man o sa gusto mo, gets?" Aniya at hinila na ako papunta sa field kung saan magpapalista.

Actually, hindi ko na gets yung sinabi niya. May lahi siguro 'tong alien o sadyang may lumuwag na turnilyo sa utak niya kaya kahit ano-ano ang sinasabi. Tss.

Dinala niya ako sa linya ng mga sasali sa sports club, at talagang ako pa ang pinauna niya sa linya bago siya pumwesto sa likod ko. I rolled my eyes as I felt her eyes watching my every move. Making sure I won't escape, eh?

Nang maramdaman kong nasa iba ang tingin niya, kaagad kong sinundan ang tingin niya at nakitang si Miguel de Leon pala yun. Napangisi ako. Haha, time to escape, Bella. Pero bago  pa ako makahakbang, may humawak na sa collar ng uniform ko mula sa likod.

Grabeh talaga 'tong babaeng 'to. She's not really gonna let me escape from this one. Sabi ko na nga ba, hindi magandang ideya ang mangako sa bruhang 'to, e. Tsk.

Nakasimangot akong pumila sa linya kahit na kating-kati na akong tumakas mula dito sa bruha kong best friend. Remind me to scare her kung maging multo man ako sa pagsali sa club na ito.

Hindi ko namalayang ako na pala ang susunod kung hindi lang tumikhim ang nasa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at parang gusto kong tumakbo. Nakatakot kasi ng itsura ng nasa likod ng desk na nasa harapan ko.

I can tell that his height was like 5'10 even though he's sitting. At yung mukha niya, gwapo sana kung hindi lang may hikaw sa ilong niya at napakaseryoso pa niya na para bang any slight move mo lang, sisigawan ka na niya. May limang tatlong hikaw din siya sa kaliwang tenga at apat naman sa kanan. He's familiar though.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon