2 | Mr. & Ms. Campus

468 19 0
                                    

♫ When I Look At You // Miley Cyrus
♫ I'm Yours // Jason Mraz
Señorita // Camilla Cabello & Shawn Mendes

CHAPTER
SIXTEEN

INALALAYAN AKO ni Ezekiel nang maglakad na kami pabalik sa backstage, pero yung mga babaeng freshmen todo hiyawan at tili pa rin. Napailing nalang ako dahil sa mga batang yun. Sigurado akong paglaki nila, certified fan girls na ang mga yun sa mga crush nila. Paano ko nalaman? Ganiyan kasi si Akira noon. Tingnan niyo, grabeh na kung maka-fan girl kay Miguel.

Nang makabalik na kami sa backstage, kaagad akong hinila ni Aki papunta do'n sa kwarto kung saan naghahanda at nagbibihis ang mga babaeng kandidata para sa susunod na rampa.

Tinanggal ni Akira ang mga hikaw ko sa tenga pati na rin ang kwintas. Pinalitan niya yun ng malaking gintong pabilog na hikaw at ilang bracelets na gawa sa maliliit na lubid o sa pagkakaalam ko ay cord ang tawag ng mga yun at mga iba't-ibang klase at kulay ng beads.

Ni-retouched niya rin ang make-up at hinayaang bumagsak ang buhok ko mula sa pagkaka-bun nito kaya naging wavy na ito at parang inayos talaga para maging gano'n. Isinuot niya rin sa ulo ko ang isang itim na cowgirl hat.

May kinuha rin siyang pares ng denim ripped shorts at three-fourth sleeves red checkered polo, isang black tube at black cycling saka isang pares ng cowgirl boots na kulay brown.

Tulad kanina, itinulak ako ni Aki papasok sa fitting room. Pero hindi katulad kanina, pumasok din siya sa kwarto at tinulungan ako sa pagbukas ng zipper sa likod.

Nang matapos ay lumabas siya at hinayaan na akong magpalit. Una kong isinuot ang cycling at tube, isinunod kong isuot ay ang shorts at checkered saka huli kong isinuot ay ang cowgirl boots.

Mukha na akong taga-Western America dahil sa suot ko ngayon. Para talaga akong cowgirl at ang kulang nalang ay belt, latigo at baril. Nagtaka nga rin ako kung bakit ito ang pinili ni Aki na sports attire ko, pero ang sinabi niya sa'kin para daw maiba at unique.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang maunahan ako ni Aki at hinila na naman ako palabas habang dala-dala ang recyclable gown at stilettos na hinubad ko.

"Bilisan mong maglakad, Yssay. Double time tayo." Aniya habang nagmamadaling inilapag ang gown sa upuan na nasa harapan ng mesa namin at kumuha ng isang latigo na gawa sa lubid at isang belt na pwedeng paglagyan ng baril bago niya ako hinila papunta sa pila.

Nagtaka ako dahil hindi naman ito ang pinilahan namin kanina, pero nawala na rin yun sa isip ko nang makitang siyam na kandidata nalang ang natitira bago ako ang susunod na rarampa.

"Here, wear this." Iniabot sa'kin ni Akira ang sinturon na dala niya kanina na mabilis ko namang isinuot. "Tapos hawakan mo lang 'to." Dugtong niya sabay abot sa'kin ng latigo. "Habang magpo-posing ka mamaya, dapat umakto ka rin na parang nagla-latigo ka."

Gusto kong matawa. Para kasing sineseryoso niya talaga ang pagiging Designer slash Trainor slash Maid. Napakaseryoso niya kasi at parang hindi siya mapakali hangga't hindi ako nakakatapak sa stage at maayos na nagrampa do'n.

"Yes, Ma'am. Aayusin ko talaga ang pag-posing para hindi ka na ma-stress diyan." Nakangising sabi ko sa kaniya na ikinapamewang niya.

"Aba, dapat lang!" Aniya at akmang may sasabihin pa nang suwayin siya nung babaeng nakasuot ng headphone na may mic at may hawak na clipboard at sign-pen. Ang sabi nito, and I quote, "Bawal na ang mga hindi candidates dito, kaya chupeh na!"

Napairap naman si Aki at alam kong gusto niyang kalbuhin si Ate girl, kinakalbo na nga niya siguro sa isipan niya ang babae, pero pinili nalang niyang umalis na muna sa backstage at mukhang nagpunta na siya sa harapan para makita akong rumampa.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon