Kiss

521 17 1
                                    

CHAPTER
NINE

"O? ANO ang iniisip mo at parang ang lalim naman?" Napalingon ako kay Aki nang magsalita siya sa tabi ko. Hindi ko namalayang lunch na pala at naglalakad na kami sa hallway papunta sa tambayan namin -ang puno ng acacia.

Preoccupied kasi ako kakaisip sa kung bakit hindi man lang ako ininis ni Ezekiel. Dati naman, sa t'wing nagkakasalubong kami sa hallway o sa kahit saan, palagi niya akong iniinis, tapos ngayon... Haist...

I sighed. "Wala...gutom lang ako." As if on cue, tumunog din ang tiyan ko na ikinatigil ko sa paglalakad.

Mahina namang napatawa si Aki. "Mukha nga. Tunog pa lang ng tiyan mo, nagsasabi na ng totoo." Natatawang aniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nang makarating sa ilalim ng puno ay kaagad kaming umupo sa bench at inilapag ang mga backpack namin sa tabi.

"Malapit na pala ang club signing... Saang club ka sasali?" Kapagkuwan ay tanong ni Aki habang kumakain kami ng lunch.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot. "Ewan... Siguro sa English club pa rin." Kibit-balikat kong sagot.

"Na naman?" Kunot ang noong tanong niya. "Akala ko ba nag-promise ka sa'kin na lilipat ka na sa sasalihan kong club ngayong taon?" Nakangusong aniya na ikinailing-iling ko.

Para siyang batang nagpapa-cute, e hindi naman siya mukhang bata. Mukhang ten years older na nga yung mukha niya sa edad niya ngayon-joke!

Kumunot ang noo ko at umaktong hindi ko na naalala ang promise o sa kaniya. "Huh? Nag-promise ba ako sa'yo noon? Ba't hindi ko maalala?" Tumingala pa talaga ako at humawak sa baba ko.

"Yah! Nag-promise ka kaya sa'kin! 'Wag mo sabihing nagka-Alzheimer ka na? Sa edad mong yan?!" Grabeh naman 'tong bruha na 'to.

Porke't umakto lang ako na hindi naaalala ang promise ko sa kaniya noon, nagka-Alzheimers na kaagad? Lakas din ng topak nitong babaeng 'to, e.

"Gaga! Wala akong Alzheimers, 'no!" I exclaimed at binatukan siya.

Kaagad naman siyang napahawak sa batok niya at ngumuso na naman. "Aray naman, Yssay! An'sakit nun, ah!" Tsk. Para namang nasaktan talaga ang bruha.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Heh! Ang hina nga lang-"

"-kyaah! Ang gwapo ni Ez!"

"Shit! Feeling ko lumuwag ang garter ng panty ko, girl!"

"Yuck! Magpalit ka nga ng panty do'n! Nakakadiri ka!"

"Bryan, ang gwapo mo!"

"Kaiser! Ang pogi mo!"

"Sobrang gwapo mo, Sean!"

"Ang hot mo Cooper!"

Muntik na akong mabilaukan sa sariling laway ko nang marinig ang sigaw ng babae tungkol kay Cooper. Seriously? Hot? As in, mainit? Baka pwede na tayong magprito ng isda sa mukha niya kung gano'n nga.

Ang ingay naman ng mga babaeng yun. Akala mo mga hot Hollywood actors yung dumaan sa open corridor, mga kapwa estudyante lang naman pala. Tsk.

"Nakabalik na pala si Ezekiel. Ano na ang gagawin mo ngayon? Paano kung i-bully ka niya ulit?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Akira sa'kin.

Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Paano nga ba kung i-bully ulit ako ni Ezekiel? Mananahimik nalang din ba ako katulad ng pananahimik ko sa pagbu-bully ni Cooper sa'kin? Aish!

"Ewan ko." Nagkibit-balikat lang ako at wala sa sariling napasulyap sa gawi na nilalakaran ng lima.

Nagulat ako nang makita si Cooper na masama ang tingin sa'kin, si Sean at Bryan na blangko lang ang mga tingin, si Kaiser na nakangisi at ang panghuli ay si Ezekiel na nakangiti sa gawi ko.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon