Congrats

525 28 6
                                    

S&M // Rihanna
♫ Shape Of You // Ed Sheeran

CHAPTER
SEVENTEEN

NAKTULALA LANG ako sa kawalan habang hawak-hawak ang photo album kung saan nandoon ang mga pictures naming pamilya noong buhay pa ang Mama ko. Ang mga nakangiti at puno ng masasayang alaala na litrato naming tatlo.

Natauhan lang ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok mula do'n si Papa na nakangiti pero mukhang galing pa sa trabaho dahil naka-dress shirt at slacks pa rin siya. At ang necktie niya ay nakasabit lang sa leeg niya.

"Anak..." Ngumiti si Papa ng malungkot nang makita ang hawak kong photo album. "Nami-miss mo na ang Mama?" Tanong ni Papa sa akin habang may malungkot na ngiti sa labi.

Tumango ako at bumaba ang tingin sa hawak kong photo album kung saan ang cover nito ay tatlong Polar bear na napapalibutan ng mga kulay pula at rosas na puso. Ang dalawang Polar bear ay malaki at ang isa naman ay maliit na pinapagitnaan ng dalawa.

Nakangiti ang mga ito at para silang masaya na kompleto sila. Katulad nalang noong buo pa kaming pamilya. Noong hindi pa nawala si Mama. Yung parang kaming tatlo lang sa mundo at walang makakatibag sa pagmamahalan ng mga magulang ko at ang pagmamahal nila sa'kin.

Naramdaman kong niyakap ako ni Papa mula sa gilid at hinalikan ang ulo ko. "Alam kong masaya na ang Mama mo sa kung nasaan man siya. Pero kahit ako ay nami-miss na rin siya..." Rinig ko ang lungkot sa boses ni Papa.

Sumandal ako sa dibdib niya at niyakap din siya patagilid habang hawak ko pa rin ang album gamit ang isa kong kamay.

"Ang Mama mo ang unang mahal ko... Si Dahlia ang dahilan kung bakit ako nagtino, kung bakit ako naging successful sa buhay. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkasundo kami ng Lolo Marciano mo." Aniya habang inaalala ang mga naging karanasan nila ni Mama.

"Parang walang silbi ang buhay ko noon nang mawala ang kambal kong si Martina. Siya lang ang nagbibigay says sa'kin sa mundo. Siya lang ang nagiging rason kung bakit masaya ako noon. Pero nang na-kidnapped siya noong labing-anim na taon gulang pa lang kami at ilang araw ay nabalitaan kong ginahasa siya ng mga hayop na gangsters na yun, parang bigla akong nakakita ng pula.

"Nalaman kong kilala ng Lolo Marciano mo kung sino ang mga yun pero nanatiling tikom ang bibig niya na ikinagalit ko. Nag-rebelde ako at sumali sa gang pinamumunuan ng isa sa mga gumahasa sa Tita Martina mo. Sa unang kita ko pa lang sa kaniya, gusto ko na siyang patayin. Pero parang may pumipigil sa'kin na hindi ko alam kung ano.

"Naging magulo ang buhay ko noon. Basag-ulo dito, basag-ulo doon. Inom dito, inom doon. Sigarilyo dito, sigarilyo doon. Pero lahat ng mga gawaing yun ay unting-unting naglalaho nang makita ko ang isang babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko...at ang babaeng yun ay ang Mama Dahlia mo.

"Lagi ko siyang inaasar at pinapahiya noon, pero palagi niya lang akong tinitingnan ng masam na ikinatuwa ko sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa nalaman kong may hinahangaan siyang lalaki at doon ko lang napagtanto na mahal ko na siya.

"Nasaktan ako sa nalaman pero hindi ko yun pinahalata. Hindi ko na siya inaasar sa mga panahong yun at bumalik nalang sa dating gawi ko. Ang makipagbasag-ulo, ang mga bisyo at ang pagplano sa paghihiganti ko sa mga taong gumahasa sa kapatid ko.

"Pero nagulat nalang ako nang bigla akong komprontahin ng Mama mo at sinabing, “Bakit hindi mo na ako inaasar, ha?! May iba ka na bang napiling pagtripan?!”. Natawa ako no'n dahil ang ganda niyang tingnan kapag galit, pero muli akong nagulat nang halikan ako ng Mama mo sa pisngi sabay sabing mahal niya ako.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon