Palaka

479 22 5
                                    

CHAPTER
TWENTY

MUNTIK NA akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang may tumabi sa akin dito sa bench. Napalingon ako at nakitang si Sean pala ang unggoy na yun, kaya pala kung makatabi wagas. E, an'dami pa namang space.

Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kaniya dahil naka-focus na ang atensyon niya sa kinakain. Naging ganito na ang routine namin since last two weeks at naiirita na talaga ako sa kaniya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkagat ng sandwich habang nagbabasa sa textbooks na kailangang i-review para sa nalalapit na examination.

"Yssabella." Napaangat ako ng tingin nang may tinawag sa'kin at nakitang si Bryan pala yun.

"H-Ha?" Nauutal na sambit ko. Paano ba naman, siya yung crush ko sa kanilang lima at minsan lang siya kung magsalita kaya naman nauutal ako ngayong kinakausap niya ako.

"Should I come to your house tonight or you'll come to my pad?" Tanong niya na ikinagulat at ikinakurap ko. Ano raw ang sinabi niya?

"And why's that, Bryan?" Mukhang nakuha din ng tanong ni Bryan ang atensyon ni Sean.

Bryan shrugged. "We're partners in our Science project and it'll due tomorrow afternoon, so I think we should work on it tonight para matapos na before deadline."

Ibinuka ni Sean ang bibig at akmang magsasalita nang unahan ko siya. "Ay! May project nga pala tayo sa Science! Sorry, Bryan, ah? Nakalimutan ko kasi na bukas na pala ang deadline. Sige, walang problema. Sa bahay nalang para mabilis tayong matapos dahil nando'n na rin naman ang mga kakailanganin natin."

Tumango si Bryan. "I thought about that, too." Inayos niya ang salamin niya bago tumingin sa'kin ng deretso. "See you later, then." Sabi niya at bahagyang ngumiti.

Napatulala naman ako sa mukha niya. Ang gwapo... May sumipa sa paa ko mula sa ilalim ng mesa na ikinabalik ko sa reyalidad. "A-Ah, s-sige! K-Kita nalang tayo mamaya." Bahagya din akong ngumiti kahit na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

Tumango ulit si Bryan bago tumalikod at naglakad palayo habang bitbit ang makapal na Science book na ngayon ko lang napansin. Haist... Ang sipag niya talagang mag-aral, kaya nga siya ang natatanging crush ko sa lima, e.

"Nginingiti-ngiti mo diyan?" Napalingon ako kay Sean na nagtanong at nakitang magkasalubong ang mga kilay niya. Angry Bird lang ang peg?

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ibalik nalang ang atensyon sa textbooks. Bahala siya diyan.

SA ACTIVITY room na kami dumeretso ni Bryan pagdating namin sa bahay. Sa likod ng mansyon ito kaya kailangan pa naming maglakad mula sa main door papunta sa kitchen kung saan may pinto para sa bakuran.

Mas mabuti nang do'n dumaan dahil yun lang ang short cut, kesa naman lilibot pa kami sa mansyon, siguro aabutin pa kami ng umaga makarating lang do'n. Kung bakit ba naman kasi nagpatayo sila Mama at Papa ng mansyon.

"So...pa'no natin gagawin 'to? Sure ba talaga si Ma'am na ito ang ibigay na project natin?" Nakangiwi kong tanong kay Bryan.

Paano ba naman kasi 'tong project namin, kailangang operahan ang kawawang palaka at kukunin ang puso nito saka ilalagay sa isang garapon. And the worse part is, kailangan tumitibok pa rin ang puso nito.

At kailangan pang kunan ng video ang gagawin naming project. Pa'no kung magtatalon ako dahil hindi ko kaya ang hiwain ang tiyan ng palaka at kunin ang puso nito?

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon