Stepbrother

618 21 1
                                    

CHAPTER
FOUR

Ma. Yssabella's PoV

NAGISING AKO dahil sa sunod-sunod pero mahihinang katok na nagmumula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Humikab na muna ako bago inaantok na naglalakad papunta sa pinto.

Dahan-dahan ko yung binuksan at bumungad sa'kin si Ate Fe na nakangiti -isa siya sa mahigit isang dosenang kasambahay namin dito sa mansyon at siya ang nagsisilbing mayordoma.

"Good morning, Miss Bella. Pinapagising po kayo ni Sir Martin at Ma'am Shanna para sabay kayong kumain." Magalang na aniya na ikinanguso ko.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ate Fe...sinabi ko naman po sa inyo na 'wag mo na isali yang Miss-Miss na yan. Napakapormal at hindi bagay sa'kin. 'Tsaka isa pa, hindi naman na kayo iba sa'min."

"Oo na, sige na. Maghilamos ka na at magbihis para makakain na kayo, mga ilang minuto na silang naghihintay sa'yo."

"Sige po, Ate Fe, salamat sa paggising sa'kin." Niyakap ko siya at natatawang niyakap naman niya ako pabalik.

"Ikaw talagang, bata ka. Kumilos ka na at baka mainip ang mga magulang mo, pati na rin ang kapatid mo." Aniya habang sinusuklay ang daliri sa buhok ko, kapagkuwan ay humiwalay na siya sa yakap.

"Sige po, susunod din po ako agad."

"Bilisan mo." Hinalikan niya ang noo ko bago humakbang palabas ng kwarto ko.

Ilang taon na ring naninilbihan si Ate Fe sa'min kaya gano'n kami ka-close. Siya na ang Nanny ko simula no'ng baby pa ako —buhay pa si Mama no'n— kaya sobrang kabisado na niya ang mga galaw ko lalong-lalo na sa t'wing naglalambing ako.

Pagkaalis ni Ate Fe ay isinarado ko naang pinto at tumungo sa banyo para maghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ng face towel at isinuot ulit ang makapal kong salamin.

Lumabas na ako ng banyo at dumeretso sa walk-in closet para magbihis. After changing my clothes, I walked out of my room and into the dining hall kung saan naghihintay si Papa, Mommy and my annoying stepbrother.

Hindi pa man ako nakakapasok sa dining hall, rinig na rinig ko na ang boses nilang tatlo ang naririnig ko. Natahimik lang sila nang mapansing nakapasok na ako sa dining hall.

"O? An'yari sa noo mo?" Nakakunot ang noong tanong sa'kin ni Sean.

"Wala." Maikli kong sagot dahil ayokong masira ang umaga ko.

"Anong wala? Tinubuan nga ng sungay ng isang pangiti na unicorn, o!" Tumatawang aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit na unggoy na 'to!

"Sean." Maotoridad na sambit ni Mom sa pangalan niya, pero ang unggoy, hindi nakinig.

"No, Mom it's just that...mas lalong pumangit ang pangit niyang mukha!" At tumawa na naman siya. Bwisit na orangutan!

"Sean, nasa hapag tayo." Maotoridad saad ni Papa na nagpatahimik sa kaniya.

"Sorry, Dad." Nakayukong paghingi niya ng paumanhin. Ha! Buti nga sa'yo, unggoy!

I sat down on the seat across from his and stuck my tongue out at him. Sinamaan niya ako ng tingin at sinipa ang paa ko sa ilalim ng lamesa, dahilan para samaan ko rin siya ng tingin pero ang unggoy, ngumisi lang ng nang-aasar.

Pero hindi ko yun pinalampas dahil ginantihan ko rin siya ng sipa sa paa na ginantihan din naman niya kaya ang ending, naggantihan kami ng sipa habang ang sama ng tingin sa isa't-isa.

Napatigil lang kami nang sawayin kami ni Mommy dahil magdadasal na. Pagkatapos naming magdasal ay nag-umpisa na kaming kumain at habang kumakain, panay naman ang kwento ni Sean aa pagiging MVP niya sa basketball league ng school nila.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon