Fourth King

581 18 0
                                    

CHAPTER
FIVE

NAGISING AKO dahil sa tunog ng digital alarm clock na nakapatong sa side table ng kama ko. Bahagya kong minulat ang mata at dahil inaantok pa ako, ipinikit ko ulit ang mata ko at kinapa ang button ng orasan para manahimik na ito sa kakatunog.

Pumihit ako patagilid at niyakap ang unan ko. Pabalik na sana ako sa Dreamland ko kung wala lang sanang epal na unggoy na kumakalabog sa pinto ng kwarto.

"Hoy, pangit na nerd! Gumising ka na diyan! Kung hindi lang nag-insist si Dad na sabay tayong pumasok, nauna na ako sa'yo! Hoy! Gumising ka na!" Sigaw niya mula sa labas ng pinto ko habang panay ang pangangalabog do'n. Plano ba niyang sirain ang pinto ko? Aish!

Naiinis na minulat ko ang mata at napakasamang tiningnan ang pinto -as if yun si Sean. "Gising na 'ko, unggoy! 'Di na kailangang sirain yun pinto!" Siyempre binulong ko lang yung 'unggoy' dahil baka marinig pa niya, maging baliw na unggoy pa yun at sabunutan pa 'ko.

"E'di bumaba ka na para makakain ng breakfast! I don't wanna be late for my first day of class in St. Benedict so you better hurry!" Sigaw pa niya bago ko narinig ang yabag niyang papalayo.

Kainis talaga yung lalaking yun! Pwede naman niya akong gisingin ng maayos, hindi yung tinawag pa akong pangit na nerd! Hindi pa nga ako nakakabangon, sira na kaagad yung araw ko.

Inaninag ko ang makapal kong salamin na nakapatong sa side table at isinuot yun bago ako pumunta sa banyo para maligo at mag-toothbrush.

Pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush, nagbihis na ako ng uniform. Mabilis lang akong nagsuklay bago ako bumaba at pumunta sa dining hall kung saan nakita ko silang nakaupo sa kani-kanilang upuan habang naghihintay sa'kin.

"Morning, Papa." I kissed my father on his cheek -in which he returns with a slight smile and a quick 'morning, sweetie'- before I turned give Mom the same greetings. Pero siyempre, hindi ko na binati yung unggoy kong stepbrother. Ano siya? Sinuswerte?

Nang makaupo na ako ay kaagad kaming nagdasal with Mommy Shanna as our prayer leader.

Ganito talaga kami. Si Mom palagi yung nagli-lead ng prayer at kahit na matagal nagising ang isa sa amin, nakaugalian na namin ang maghintay para magkasabay pa rin kaming lahat kumain ng breakfast.

After we ate our breakfast, bumalik ako sa kwarto para kunin ang backpack ko at ilang mga libro na hindi kasya sa backpack.

Pagkatapos ay nagpaalam na kami kina Mommy at Papa. Nagpaalam din ako kay Ate Fe at sa iba pa naming mga katulong bago ako lumabas ng mansyon.

Sanay naman na talaga akong magpaalam sa mga katulong namin sa t'wing papasok ako sa school o kaya'y may lakad.

No'ng bata pa kasi ako, yun ang tinuturo sa'kin ni Mama no'ng buhay pa siya at dahil pinahahalagahan ko siya, sinusunod ko ang mga tinuturo niya dahil hindi naman yun makakasama sa'kin.

Do'n ako umupo sa shotgun seat sa tabi ni Mang Carding -siya ang palaging naghahatid sa'kin sa school- hindi dahil nasa likod si Sean kaya dito ako umupo, kun'di dahil dito naman na talaga ako umuupo sa t'wing hinahatid ako ni Mang Carding.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang mapasulyap paminsan-minsan kay Sean mula sa rearview mirror ng sasakyan. Nakaupo lang siya sa likod habang nakapikit ang mga mata at may suot na Bluetooth headphone -he's probably listening to some of his playlists.

Nakakapanibago na hindi niya ako ginugulo o inaasar. Siguro iniipon lang niya ang enerhiya niya para guluhin ako mamaya sa school.

Pero mabuti nga yan at hindi siya nakakairita kahit ngayon lang. Ang tinis pa naman ng boses niya, mas matinis pa sa boses ni Aki -well, mas matinis pa talaga yung boses ni Akira.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon