Practice

470 15 1
                                    

CHAPTER
FOURTEEN

"EZEKIEL MONTEFALCO and Yssabella Ramirez, pinapatawag kayo ni Ms. Zamora sa auditorium." Biglang sabi ni Kuania na nagpatigil sa'kin sa pagsusulat sa notebook ko at nag-angat ng tingin.

It is still 1:15 p.m. nang mapasulyap ako sa wrist watch ko. Bakit kaya kami pinapatawag? Akala ko ba mamaya pang mga 2:30 p.m. magsisimula ang practice?

Yes. Practice. Wala na akong ibang choice kun'di ang mag-participate sa lintek na paligsahan na 'to. Kasi naman, e! Hindi ko hiyang ang sumali sa mga ganitong kaganapan. And I should blame Jack for dragging me into this.

Nagpakawala ako ng hininga bago tumayo at isinuot sa paa ang four-inches heels na binili ni Mom para sa'kin bago naglakad sa desk ng MAPEH teacher namin para magpaalam. Hindi pa man ako nagsasalita ay iwinasiwas na niya ang kamay niya na para bang isa kaming langaw na itinataboy niya.

Wala sa sariling nagkibit-balikat nalang ako at naglakad papunta sa auditorium. At habang naglalakad ay may naramdaman akong braso na pumatong sa balikat ko.

Kaagad akong napalingon sa may-ari nito at kaagad na nainis nang makita kung sino ito. "Tatanggalin mo yang braso mo o babalian kita ng buto." Banta ko sa kaniya.

"I'd like to see you try, babe." Nakangiting aniya sabay kindat.

Aba! Minamaliit niya ba ang kakayahan ko? Alam ko kaya kung pa'no mag taekwondo. Red belter 'ata ako diyan! Well, he would like to see me try? I will show him then.

Hinawakan ko ang kamay niya at sa isang iglap ay nakadapa na siya sa sahig at nakaupo na ako sa likod niya habang pinilipit ko ang braso niya dahilan para mapadaing at mapamura siya.

"Ow! Fuck! Shit! Ow! Ouch!" Sunod-sunod na daing at mura niya bago itinaas ang isa niyang kamay. "Okay, okay! I surrender! Just let go of my arm! It fucking hurts—ow! Shit!"

Binigyang diin ko ang pagpilipit sa braso niya bago tuluyang binitawan yun saka tumayo na. Habang nagpapagpag ng alikabok sa uniform ay nakita ko sa gilid ng mata na panay pa rin ang daing at mura niya habang nakahawak sa braso niya at nakangiwi.

Tsk. Overacting much. Hindi ko nga masyadong nilakasan ang pagpilipit sa braso niya, pero kung makamura siya akala mo nabalian talaga siya. Too much for being OA.

Inirapan ko siya bago nagpatuloy na sa paglalakad. Kung gusto niyang buong hapon siyang magmura at dumaing, then so be it.

"Hey, Ria! Aren't you gonna help me?" Tawag niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Magdusa siya diyan, kagagawan niya yan e.

Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa'kin at napairap nalang ako. Nakakainis na talaga 'tong lalaking 'to. An'sarap sapakin. At ano ang akala niya? Nakalimutan ko na ang ginawa niyang paghalik sa pisngi ko ng walang paalam? Ha!

"Ey, that hurts, you know." Do I look like I care, you know. Tsk. "But you look hot awhile ago, anyway." Kita ko sa gilid ng mata ang pagkindat niya sa'kin.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Is he trying to flirt with me? Kung gano'n nga, sasapakin ko na talaga siya.

Hindi rin naman nagtagal ay narating namin ang auditorium na ipanagpapasalamat ko. Walking with this jerk is one hell of a crazy torture. Puro kasi mga sweet talks ang pinagsasabi niya, yung parang lumalandi talaga siya kumbaga.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon