Unggoy

633 15 14
                                    

CHAPTER
NINETEEN

NAG-INAT AKO ng katawan nang matapos ako sa pagsusulat ng formula para sa ire-review ko sa paparating na exam. One week nalang kasi bago kami mag-exam, at kailangan naiintindihan ko na ang lahat ng lessons namin bago ang examination day.

Bahagya akong napaigtad nang may bumato sa'kin ng lukot na papel mula sa likuran. Pinulot ko ang papel na nahulog sa sahig malapit sa'kin at binuklat.

You look ugly when you do that.

Lumingon ako at nakitang nakangisi sa'kin si Cooper. Nang-aasar na naman 'tong lalaking 'to. Yep. Balik na naman siya sa pang-aasar sa'kin, pero hindi na naman niya ako pinahiya pa...sa ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin bago muling umupo sa kinauupuan ko ngayon-ngayon lang. Kainis! Akala naman niya ang gwapo niya! Well...gwapo naman talaga siya pero slight lang. Ang pangit kaya ng ugali niya! At nakakabawas sa kagwapuhan ang kapangitan ng ugali ng isang lalaki.

"Class dismiss." Sabi ng Math teacher namin kasabay ng pagtunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase para sa umagang ito. At ang mga kaklase ko naman, biglang tumayo mula sa pagkakatulog at mabilis na naglabasan habang naghihiyawan.

Okay din sila, ah. Nakasukbit na ang mga bag habang natutulog sa klase, tapos 'pag sinabing class dismiss, biglang tatayo at lalabas na habang malakas na naghihiyawan. Ni-hindi man lang nag-copy sa formula na nasa whiteboard.

Problema na din naman nila yan kung hindi sila makakasagot sa exams. Pakialam ko ba kung hindi sila mag-study.

Bumuga ako ng hangin at akmang kukunin na ang backpack ko para isukbit sa balikat nang may naunang kumuha nito. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Sean yun.

Isinukbit niya sa sariling balikat ang backpack ko habang nakasukbit din sa kaparehong balikat ang sa kaniya, kaya ang ending, siya na ang nagdala sa bag naming dalawa.

"Let's go." Maikling sabi niya at nauna nang naglakad palabas ng room. Nakita ko pang nakatingin din sa kaniya ang apat, pero hindi ko nalang yun pinansin dahil kaagad ko na siyang sinundan.

Ano ang sumanib dito at out of the blue niyang binitbit ang bag ko? Eh, may time pa nga na ako ang nagbitbit ng bag niya, tapos ngayon... Hindi kaya prank lang 'to? Baka itatapon niya ang bag ko sa garbage bin na puno ng well, garbage din.

Pero subukan lang niya at isusumbong ko siya kay Papa. Pinaghirapan ko pa naman ang mga notes ko na nasa loob ng backpack ko.

Narating namin ang field nang hindi man lang nagkikibuan. Ang dating tambayan lang namin ni Akira, ngayon ay naging tambayan na rin ng lima. Ewan ko nga sa kanila at dito na rin sila nakikitambay. Basta isang araw, sumasabay na silang lima na kumain ng lunch sa amin ni Aki.

Umupo si Sean sa bench na nasa ilalim ng puno. Hindi lang yun ordinaryong bench na inuupuan naming dalawa ni Aki noon, ngayon ay may picnic table na na kasya para sa walong tao.

Nagtaka nga kami ni Akira dahil bigla nalang may picnic table pagkatapos no'ng unang tambay ng lima dito. Tinanong ko pa yang si Cooper, dahil siyempre siya ang pamangkin ng President ng Miller's so may possibility na siya ang nagpalagay, pero tangin kibit-balikat lang ang tinugon niya.

Akmang uupo na ako sa tabi ni Akira na kaharap lang ni Sean nang hawakan niya ako sa braso at hinila paupo sa tabi niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaupo nalang din ako sa tabi niya.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon