Cupcake

494 19 3
                                    

CHAPTER
SEVEN

LUMIPAS ANG araw at weekend na. At kung tatanungin niyo ako kung ano ang nangyari sa'kin sa mga nagdaang araw? Well as usual, pinapahiya pa rin ako ng hinayupak na yun.

Pero wala na akong pakialam dahil ayikong pumatol sa kaniya at dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n kababaw. And besides, kaya ko pa naman ang pagpapahiya niya sa'kin e, kaya mananahimik nalang muna ako.

'Tsaka ayaw ko ng gulo at alam kong mas gugulo pa ang buhay ko kung papatulan ko siya. Masisira pa ang pangalan ko sa school at ayaw ko namang ma-expell kapag nagkataon.

Napabalik ako sa realidad at napatingin sa pinto nang marinig kong may kumakatok do'n. Marahan lang ang paraan ng pagkatok nito kaya alam kong hindi ito ang stepbrother kong unggoy.

"Pasok." Mahinang sambit ko -pero sapat na para marinig ng taong nasa kabilang side ng pinto- bago ipinikit ulit ang mga mata at nagtalukbong ng kumot.

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto at naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko pero hindi ako gumalaw at nanatili lang sa pwesto ko.

"Belle...may lakad kami ng Papa mo. Okay ka lang ba dito?" Napamulat ako at hinawi ang kumot para makita si Mommy na parang nag-aalalang nakatingin sa'kin.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Okay naman po ako." Okay naman talaga ako, sanay naman na kasi ako. "'Tsaka nandiyan naman si Ate Fe." Dugtong ko.

Every Saturday kasi, si Ate Fe lang ang maiiwan na kasambahay dito sa'min. Yung iba kasi, every weekend ang day off.

At dahil kailangan ni Ate Fe ng pera at malayo-layo din ang bahay nila, every Sunday lang ang day off niya -para may extra pay- at minsan lang sa isang b'wan siya umuuwi sa kanila.

Nagbuntong-hininga siya. "Wala si Fe ngayon. Nagpaalam siyang uuwi sa probinsya kaninang umaga dahil may emergency sa kanila at nakaalis na siya kani-kanina lang, kaya kayong dalawa nalang ni Sean ang maiiwan dito. Okay lang ba yun sa'yo?"

Napasimangot ako. Hindi, hindi okay sa'kin. Baka pagtripan na naman ako ng unggoy na yun at gawan na naman ng prank. 'Tsaka sira na nga ang weekdays ko, pati ba naman weekends sisirain niya?

"Okay naman, po." Pilit ang ngiting sagot ko -kahit hindi naman talaga ako sang-ayon.

"Sige, aalis na kami. Magluto ka nalang ng breakfast mo, okay? Hindi ka na namin tinirhan ng luto ni Fe dahil baka lumamig nalang at hindi ka pa bumabangon." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Okay, po." Ganiyan si Mommy, ayaw niyang lumalamig ang pagkain. Gusto niya na bagong luto talaga ang nakahain sa mesa, lalong-lalo na kapag agahan.

Ngumiti siya at dumukwang para halikan ako sa noo bago umayos ng tayo at naglakad na palabas ng kwarto ko. Aish! Kung mamalasin ka nga naman.

Nang makita kong tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto ko at naakalayo ay kaagad akong nagtalukbong ulit ng kumot at ipinikit ang mga mata para matulog.

Sa isiping nando'n ngayon sa baba si Sean, parang ayaw kong lumabas dahil hindi pa nga ako tuluyang nagigising, sira na kaagad ang araw ko. Pagkalipas lang ng ilang minuto at nakatulog na ako. Hindi pa din naman ako nagugutom kaya mamaya na ako kakain.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon