Annoying

394 23 16
                                    

CHAPTER
TWENTY-ONE

BIYERNES NA ngayon, at ngayon ang deadline ng project namin ni Bryan. Mabuti nalang talaga at nainis ako sa palakang yun at hindi ako natakot na hiwain ang tiyan niya dahil kung hindi, hindi kami makakapasa ng video kay Mrs. Conception. At baka bumaba pa ang grades namin ni Bryan kung pinairal ko pa ang pagiging childish ko kahapon.

"Juarez and Ramirez." Tawag ni Mrs. Conception kaya mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nakita kong gano'n din ang ginawa ni Bryan. "Come here."

Kinakabahan naman akong naglakad, kasabay ng kalmadong si Bryan, papunta sa harapan ng classroom kung nasaan nakapwesto ang teacher's desk.

"Are you both sure na hindi niyo pina-video edit ito at talagang kayo ang ginawa sa project niyo?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya habang nagpapalit-palit ang tingin sa'ming dalawa ni Bryan.

"Of course we did our project by ourselves, Ma'am. Hindi po kami nagpa-edit." Si Bryan ang sumagot.

"Not lying?" Nagdududa pa ring tanong nito.

Sabay naman kaming tumango ni Bryan. "Yes, Ma'am."

Binigyan niya pa kami ng nagdududang tingin, kapagkuwan ay bahagyang tumango bago may mabilis na isinulat sa record book niya at nag-angat ng tingin sa'min. "Okay, you're both exempted from my subject for this coming examination week." Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am pero kaagad ding bumalik ang pagiging kabado ko nang bumuka ang labi niya.

"But in one condition..." Nahigit ko ang hininga nang sinadya ni Ma'am na bitinin ang sasabihin niya. "Both of you should do a research about the most smallest frog in the whole world and pass it to me on Monday."

Aba't, adik siguro itong si Mrs. Conception sa mga palaka. Regaluhan ko nalang kaya ng palaka sa paparating na Christmas party? Baka bigyan pa ako ng 95.

SABADO NGAYON, at nagising ako dahil sa mga ingay sa labas ng kwarto ko. Nag-inat muna ako ng braso bago inaantok na naglakad papunta sa pinto habang kinukusot-kusot ko pa ang mga mata. Hindi ko na idinikit ang tenga sa pinto, para marinig ang sino mang halimaw na nag-iinay malapit sa kwarto ko, at mabilis na binuksan ito.

Para lang mamilog ang mata nang mamalayang pabagsak na ako sa sahig nang nakatihaya. Pero ang inaasahang pag-landing ng likod at pwet ko sa sahig ay hindi nangyari, bakit? May matipunong braso ang pumulupot sa bewang ko kaya imbes na bumagsak ang likod ko sa sahig, sa ibabaw ng isang hinayupak ako bumagsak.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang labi ko sa labi niya dahil sa impact ng pagbagsak naming dalawa. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla, gano'n din si Cooper na malalaki ang mga mata habang nakatingin sa mga mata ko at bahagyang humigpit ang braso na nakapulupot sa bewang ko.

Oh, my! Nakuha na nga niya ang first kiss ko, pati ba naman ang second kiss ko kinuha na rin niya?! Argh! Nakakainis 'tong lalaking 'to!

Mabilis ko siyang tinulak at umupo sa tiyan niya sabay sampal sa kaliwang pisngi niya bago dali-daling tumayo at tiningnan siya ng masama habang nakahawak siya sa pisngi kung saan ko siya sinampal.

"Why did you slap me?" Salubong ang mga kilay na tanong niya sa'kin habang itinukod ang isang kamay sa sahig para makatayo at ang isang kamay ay nasa pisngi pa rin.

The Badboys' Nerd: She's Falling (Story On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon