Eight: The Bride's Escape
SAKAY ng eroplanong pabalik sa Pilipinas ay tumanaw ako sa baba. I felt sadness. Kahit papaano ay mami-miss ko ang US. I'd live here for almost 5 years. Marami na rin akong nabuong memory, and I also have my business there, but I know Jane will take care of my shop. Siya na muna kasi ang mamahala ng lahat, si Faye naman ang tutulong sa'kin sa Pilipinas, but I'm afraid if she can pick me up on the airport.
Sa Bohol kasi naka-base si Faye at ang asawa niya, kaya baka sa susunod na araw niya pa ako mapuntahan, kukuha nalang muna siguro ako ng mauupahan para hindi ako mahirapan.
Planado ang ginawa kong pagtakas, I even pay a good money, para lang hindi nila ma-trace ang pag-alis ko. Pero hindi ko pa alam kung ano ang naghihintay sa akin sa Pilipinas. Pero eto lang ang alam kong paraan para makatakas.
"PLEASE fasten your seatbelt we were about to take-off in a few minutes." Narinig kong announce ng isang stewardess ng eroplano. I'm home.
Nang makababa ako sa eroplano ay nag-stay muna ako sa waiting area to call on someone, susubukan ko lang, if he is willing to pick me up. "Hello?" Narinig kong may sumagot sa kabilang linya. "Raffy it's me, I'm on the airport, can you pick me up?"
Hindi ko sigurado kung papayag siya, kaya nagulat ako ng um-oo siya at sinabing darating siya within an hour. Nakuha ko lang ang number niya sa personal email na ginagamit niya, kaya hindi ko nga din sure na sasagot siya at ayun nga ang pumayag siya. Maybe it's our chance to talk. Or baka matulungan niya ako, hindi ko ika-kaila na espesyal pa rin siya sa'kin at mayroon pa rin siyang lugar sa puso ko.
RAFFY is still Raffy, he is still the man I loved 10 years ago. Na parang walang nagbago sa kanya sa nakalipas na limang taon, knowing that he is 32. He smiled at me as soon as he saw me waving at him and recognize me, kaya lumapit siya agad sa'kin.
Mahigpit na yakap agad ang sinalubong ko sa kanya, I missed him so much. But he doesn't hugged me back. Kaya bumitaw na ako. "I missed you Raffy." I said at him, ngumiti siya, pero hindi yun umabot sa mga mata niya.
Hindi ba siya masayang nakita niya ako? Siguro nga may galit pa rin siya sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. "How are you Eunice?" He ask me instead, "I guess living abroad suit you." With a grin on his face.
I just smiled. "So where are heading now?" He ask, nung makuha niya na ang maleta ko. "Can we have a drink, before I check in to a hotel?" He nodded and led the way to where his car is parked.
Nung pareho na kaming nasa loob ng sasakyan ay nagsalita ako, I hate the silence between us. "So how's life on you?" I asked, na naglipat ng atensyon ni Raffy sa'kin mula sa kalsada. He smiled, a smile that reach to his eyes, he seems happy. "I'm married." Napanganga ako sa narinig ko. 'I'm married too...' Pero ayokong sabihin yon, I want it to be a secret.
"And a will be a father in a few months." Mas lalo akong natigilan sa narinig ko. "A--ah, that's good. Congratulations." Para akong nanlumo sa narinig ko, I hope hindi niya nahalata ang disappointment sa boses ko. Akala ko pa naman...
"Thank you," he said na bumalik na ulit ang atensyon sa pagda-drive. "Raffy, about what I've done to you in past-I'm sorry." Hindi siya sumagot, pero naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak niya sa steering wheel. "At pinagsisisihan ko na iniwan kita." 'But I guess, I was too late.' Hindi ko sinabi iyon.
"Wala na yun, let's forget about our past and let's deal with the present." He said na parang wala nalang talaga para sa kanya yung pinagsamahan namin, which I still cherish until now.
Nangumusta siya about sa mga whereabouts ko for the past 5 years, I tell him everything except only to last part of my stay in US. At wala akong plano ipa-alam sa kanya na kasal na rin ako, because of my father. Ayokong sabihin, maybe not now, sa susunod na siguro. Atsaka wala lang naman ang kasal na 'yon, it's just a marriage for convenience.
DINALA ako ni Raffy sa isang bar na meron ding resto, baka daw nagutom ako sa haba ng byahe ko. Raffy is still as caring as he is before. That made me fall in love to him.
After we eat ay dumiretso kami sa bar, where we can drink. "So how you end up being married? Atsaka kelan ka pa ba kinasal? Kwento ka." A small smile formed in his lips, para siyang na-excite.
He shot his glass before he start talking. Parang nag-go-glow ang mata niya habang nagku-kwento siya. Pero nagulat ako sa nalaman ko, he just married the girl because of a one night stand, dahil nalaman niya na nabuntis niya ang babae, who turn out to be his business partner's daughter. Pero hindi niya sinabi kung ano na ang nararamdaman niya sa asawa niya. Basta, as of now, ay sinusubukan daw nila na i-work ang relationship.
Nag-inom pa kami at nag-catch up about sa buhay buhay namin, grabe na-miss ko talaga si Raffy, my Raffy. Masyado na palang malayo ang narating ni Joyce sa modeling, she's in Paris, kasama niya dun si Tita Janice. Sayang nga daw e, kasi kakauwi lang pala nila last week.
Napatingin ako sa oras, gosh it's almost 11 pm, gabing-gabi na, napahaba ata ang kwentuhan namin. Nakita ko si Raffy na kinuha ang phone niya. "Sh*t patay na ang phone ko." Nagulat ako sa biglang pagtayo niya. Tapos tumingin siya sa relo niya. "It's getting late, we need to go, I know that you also need to rest, baka hinahanap na rin ako ng asawa ko, dead batt na pala." He said na nagbayad na ng bill tapos lumabas na kami.
Hinatid ako ni Raffy sa isang hotel at tinulungan ako mag-check in, tapos binigay niya sa'kin ang contact niya sa bahay at office, tawagan ko lang siya kung may kailangan ako. Nung nagpa-alam siya ay hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya. Para siyang biglang nailang. "Thank you Raffy, I had fun." I said as I smile widely at him. "Me too, I have to go, Bye Eunice." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya.
Nailang siya does it means he still has something for me? Hindi. Posible, knowing how much he loved me way back then. Napa-upo ako sa kama at nag-isip. I know that he is married pero hindi niya naman talaga mahal yung babae, she is just his one night stand, baka naman...
Tapos may pumasok ang isip ko, Raffy is the answer. I can use him.
---
Thanks for reading!-leyn
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
General Fiction(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...