Twelve: He's Here

50.2K 1K 27
                                    

Twelve: He's Here

SA LOOB ng isang linggong pag-set ko ng iba't ibang meeting sa mga prospective partner, ay wala pa akong napipili na maging business partner. Kasabay din ng mga business meeting ko ay ang pag-aasikaso ng mga requirements to open a branch of Eunice's Sweet Shop dito sa Pilipinas.

"Manong diyan nalang po." Pagpara ko sa taxi nung tumapat kami sa tapat ng gate ng apartment na kasalukuyang tinutuluyan ko, I got this small studio type apartment, pagbalik ko galing sa Cebu, this apartment cost 10,000 a month, which is for me ay okay na. Tahimik kasi dito at may mga limang yunit lang.

Bukod sa mabait na ang may-ari ay napaka-ideal ng lugar, nasa mismong vicinity pa rin siya ng Manila, at yung pagiging tahimik nga ay dahil karaniwan sa nangungupahan sa iba pang mga yunit ay mga single na nagta-trabaho, o kaya couple na nag-uumpisa palang, hindi kasi sila tumatanggap ng renter na may bata.

Pagod na pagod akong umupo sa sofa pagpasok ko ng bahay. Isa pang kagandahan dito ay may ready nang set ng dining table, pati ang maliit na sala set, may kama na rin kaya bumili nalang ako ng foam at refrigerator, dahil yun lang naman ang mga kakailanganin ko.

Chi-neck ko nalang ang mga plano ko para bukas bago ako matulog dahil naka-kain na rin naman ako ng dinner sa labas. May isa akong kakausapin, tapos may schedule din ako para sa process ng pagbubukas ko ng branch ng shop. Sana talaga ay ma-aprubahan na yon at makapag-start na ako ng operation, nakakita na rin ako ng potential na place na pwede kong pagtayuan ng branch kaya approval nalang ang inaantay ko.

MAAGA akong nagising kahit after lunch pa naman ang schedule ko for my branch application, nasanay na lang talaga siguro ako na maagang magising. I decided to take a walk, gusto ko rin naman kasing mag-ikot ikot muna dito sa Village para maging familiar ako sa lugar actually yung nirerentahan kong apartment ay nasa isang exclusive village, medyo nasa bukana lang kami since that is an apartment and most of the house inside are big and considered mansion.

Naka-upo ako sa park ng village nung makita kong nagbukas ang isang gate, lumabas dun ang isang sasakyan. Naisara na ang gate nung bigla iyong tumigil, tapos bumaba ang sakay nito mula sa likod, parang nakaramdam naman ako ng kaba nung makita ko ang nakatalikod na lalaki, he has a messy curly hair, I know that it's not him pero, I wont take the risk na makita niya ako, kung sakaling siya nga ito mabilis na bumalik ako sa apartment, halos hinihingal pa nga ako nang makarating ako sa bahay, lakad takbo ang ginawa ko sa takot na madaanan ako nung sasakyan.

Kasalukuyang umiinom ako ng tubig ng makatanggap ako ng tawag. Napangiti ako ng makita ang nakaregister na number, matagal ko na rin hinihintay ang tawag na ito, mula nung nakabalik ako galing sa Cebu. I answered it at nakipag-usap sa tumawag. Masaya ako nung binaba ko ang tawag.

Nagmamadali akong naligo at nag-ayos, matapos akong mag-ayos ay lumabas ako ng Village at tumawag ng taxi, eto ang hirap sa'kin, gustuhin ko mang bumili ng sasakyan ay hindi naman ako marunong mag-drive, hindi ko na kasi yun nagawa sa US, dahil nasanay akong may driver. Kaya nagsisisi din ako.

At exactly 9 ay nakarating na ako sa pupuntahan, walang pinagbago, ganun pa rin ang bahay, the house where I spend almost half of my life. Nag-doorbell ako at bumukas ang gate, mukhang bago na ang katulong kaya hindi ako nakilala, pero nakakagulat na wala nang guard.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nung katulong, "I'm Eunice Saavedra, kausap ko yung sekretarya ni Lolo kanina at pinapapunta ako dito." Sagot ko sa tanong niya. "Ay tuloy po kayo Mam, kanina pa po kayo inaantay ni Mam Sally."

Pumasok na ako, walang pinagbago ang bahay, pero kapansin-pansin, amg kawalan nito ng sigla, yung parang lifeless, kasi yung mga halamang dating buhay na buhay ay wala nang buhay ngayon, madumi ang paligid, basta malayo siya sa dati, parang napabayaan ang Mansion ng Saavedra.

Kagaya ng dati ay malungkot ang kanahayan, napaka-tahimik, ni wala kang maririnig na ingay. "Mam, lumanas po kasi saglit si Mam Sally, pero nagbilin po siya na paakyatin na kayo sa kwarto ni Sir." Sabi sa'kin ng katulong na nasa likod ko pala. "Okay, salamat." Pagkasabi ko nun ay nagpaalam na siya sa akin, samantalang ako ay umakyat na papunta sa kwarto ng Lolo.

Kumatok ako sa pinto pero walang sumagot, kaya pumasok ako, naabutan ko ang tulog na si Lolo, gusto kong maiyak, dahil sa nakikita ko, my god! What happened to him, wala na yung striktong si Manuel Saavedra ang kaharap ko ngayon ay ang kawawang matanda,ang payat niya at parang mahina na. Patulo na ang luha ko nung dumilat siya, napatingin siya sa akin. May mapait na ngiti ang sumilay labi.

"Ikaw na ba yan Eunice?" Tuluyang bumagsak ang luha ko dahil sa narinig ko. Tumango ako at lumapit sa kanya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at niyakap ako. "I'm sorry Hija," naiyak na ako ng tuluyan sa narinig ko. "I'm sorry din Lolo, ang sama kong apo." Paghingi ko din ng tawag, "Shh, tahan Hija." Matagal kami sa ganung posisyon waring binabawi namin lahat nung mga hindi magandang ala-ala na mayroon kami.

Malakas pa naman si Lolo, pero wala na yung tikas niya noon. Naikwento sa'kin ni Lolo lahat ng nangyari sa mga panahong nawala ako, isa na nga doon ay ang pagbenta niya ng lahat ng shares niya sa kumpanya, na pinanghinayangan ko, ang sabi niya ay masyado na daw siyang matanda para hawakan pa ang mga iyon.

Mga dalawang oras din ako nag-stay dun, dumating din ang sekretarya ni Lolo'ng si Sally, na nagsabi sa'kin ng kalagayan niya, mayroon daw si Lolo'ng liver cancer, nalungkot ako sa kaalamang iyon, pero sabi ni Sally, hindi niya daw pababayaan si Lolo, dahil malaki ang utang na loob niya dito.

Nagpaalam na din ako at nangakong bibisita kahit once a week. Umalis ako doon na hindi makapaniwala sa mga nalaman ko, naawa ako bigla sa Lolo ko.

ALAS-TRES na ng hapon narito na ako ako sa isang coffee shop, para sa isang business meeting. Kanina ay naging maayos naman ang naging appointment ko sa pinag-aaply-an ko para sa branch ng Eunice Sweet Shop dito, konti nalang siguro at maaaprubahan na nila iyon.

Maya-maya ay dumating na ang kausap ko, so far ay maayos ang pag-uusap namin, nung nakapag-discuss na kami ay nag-excuse ako to use the CR. Nagtanong ako sa waitress kung saan ang CR, then dumiretso na ako. After I pee, ay medyo nag-retouch lang ako ng make-up at lumbas na ng CR. Pero palabas palang ako ng CR ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Dad, I'm with Mister Smith, yes and we're talking about the business." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Shit! It's him, agad akong napa-atras at muling sinara ang CR. Kinakabahan ako, nandito na siya, baka makita niya ako. Kahit kabado ay nagmamadali akong bumalik sa table, at nagpaalam na sa kausap ko. Kung anu-ano nang dahilan ang sinabi ko para makapagpaalam.

Nagmamadali akong nag-iwan ng bill para sa kinain namin at mabilis ang mga hakbang na dumiretso sa pinto. At nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko nang may malaking kamay ang humawak sa braso ko.

"And I was right it's you my Wife, nice to see you."

---

Ayan na! Sana nagustuhan niyo! Guys andun ako mamaya sa Pop Fic Fest sa Trinoma, March 1... See you later guys! :)

-Leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon