Twenty Six: Birthday & Phone Call

42.7K 879 22
                                    

Twenty Six: Birthday & TPhone Call

"MA'AM, ano pa ang maitutulong ko?" Napa-isip ako sa tanong na 'yon ni Ate Mabel. "Oh yes, here paki prepare itong ibang ingredients." It's my birthday today, kaya nagluto ako ng special, I even baked a cake.

"Ma'am ano po bang meron ngayon?" Tanong naman ni Ate Joy na katulong ko sa pagbe-bake. I just smiled at them, hindi ko na pinaalam na birthday ko. Kahit kay Sebastian ay hindi ko pinaalam na birthday ko. Mamayang dinner ko nalang siguro sasabihin. Speaking of Sebastian, he is currently working on the library.

Hindi kasi siya pumasok ngayon, I don't know why, pero mukhang busy siya maghapon dahil nung tanghalian lang siya lumabas ng library para mag-lunch. Hndi niya rin alam na naghahanda ako ng special for our dinner. I think sobrang importante ng ginagawa niya kaya halos hindi na siya lumabas doon. Hindi ko na rin siya inabala, maybe I will just call him once I'm done preparing our dinner.

Mga 6:30 na ata nung matapos kami sa pagluluto. Nagpahain na ako sa mga katulong. Then I took a shower, dahil medyo amoy kusina na ako sa pagpe-prepare para special dinner namin. I know gutom na 'yon sa sobrang subsob niya sa pagta-trabaho. He was very busy this week, hindi na nga lang 'yon pumasok sa opisina para tapusin nalang sa bahay yung gma ginagawa niya.

Kakatok na sana ako when I heard him talking in the phone mukhang galit siya. "What?" Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw niya mula sa maliit na siwang sa pinto ng library. "How was that happened? It can't be," I should not be listening to his conversation on the phone, pero parang may nag-eengganyo sa 'kin na huwag umalis at makinig sa usapan. Wala naman sigurong masama kung tungkol lang 'yon sa business.

"But how come that my divorce is not processed?" Napahigpit ang hawak ko sa seradura ng pinto sa narinig ko. 'Divorce?' Pakiramdam ko ay nanikip amg dibdib ko sa narinig ko. 'Ayos na naman kami.'

"I am already married to Eunice, and we are doing fine." Nang marinig ko ang pangalan ko ay lalo akong nagkainteres makinig. Parang may iba akong pakiramdam sa naririnig ko.

"No, if I am still married to Paige, it means that my marriage with Eunice is invalid." Sa narinig kong iyon, ay mabilis na tumulo ang luha ko sa pisngi ko at nabitiwan ko ang mahigpit na pagkakahawak ko sa pintuan na nagdulot ng ingay.

Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto, dahil sa narinig ko pero mukhang huli na ang lahat, narinig ata ni Sebastian na may tao sa labas. "Sino yan?" Tanong nito, na tinanaw ang pinto. "Wait Wilson, I'll call you later, or you call me later, you need to clarify everything."

Agad ko namang pinahid ang luha ko sa pisngi at nagkunwaring kakatok palang sa pinto. Halata ang gulat nito nang makita ako sa harap ng pinto. "Kanina ka pa ba d'yan?" Parang hindi ito mapakali sa tanong niya. "Did you heard me talking on the phone?" Parang namawis ito sa tanong niya sa atin. "Ha?" maang na tanong ko kahit narinig ko naman talaga ang pinag-usapan nila nung Wilson sa phone. Gusto kong manggaling sa kanya ang balitang 'yon, I want him to tell me that I am not his wife, that I am just his mistress all this time.

"Ah-ahm, nothing, did you come to call me for dinner?" Mukhang nakaluwag naman siya ng paghinga, sa pag-aakalang hindi ko narinig ang pakikipag-usap niya sa phone. Tumango lang ako. Tapos nagpatiuna na siya sa paglalakad, papunta sa kainan. If only he knew. At balak niya pa atang itago sa 'kin ang nalaman ko. Masakit, na nalaman ko 'yon, pero kung sasabihin niya naman 'yon sa akin at ipapaliwanag ng maayos ay mauunawaan ko naman ang sitwasyon.

What a birthday surprise? Oo sobrang nasurpresa ako sa nalaman ko. Na ang lalaking pinakasalan ko pala ay may asawang iba, that our marriage is void and null dahil hindi sila divorced nung una niyang asawa, what a news. At ang sakit nun para sa akin, una may asawa pala siya noon, pangalawa ay ang malaman na kabit lang pala ako sa relasyong ito. Yung ipinakasal ako ng ama ko sa lalaking may asawa pa pala. Tapos ngayon, natutunan ko na siyang mahalin.

"Hey, come on, let's eat." Tawag nito na nagpabalik sa 'kin sa katinuan, hindi pa kasi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Sumunod na rin ako, pero hindi ako kumikibo. Tahimik lang ako, hanggang sa makarating kami sa kainan. Nagulat pa nga siya sa hinain ko, tinanong niya pa kung sino ang may birthday pero hindi ko sinabi na ako ang may birthday, I just tell him that I just missed cooking kaya madami akong hinain, I even baked a cake too.

Pinilit kong kumain at makipag-usap sa kanya, kahit wala na ako sa mood. Binuksan ko rin ang wine na hinanda ko. Nag-cheers kami at nagulat siya nung inisang lagok ko lang ang laman noon. Gusto ko magpakalasing. Dahil masama ang loob ko. Bakit hindi niya masabi sa 'kin yung problema? Bakit pinipilit niyang ipakita sa akin na ayos lang ang lahat? Was he protecting me?

Kung sa ganitong paraan niya ako po-protektahan hindi ko 'yon matatanggap. I want him to explain it to me. I want him to tell me the problem, tatanggapin ko naman 'yon ng maluwag. Basta aminin niya sa akin ang lahat.

Pag-akyat sa kwarto ay inaya niya akong sumabay maligo, pero tumanggi lang ako. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard, pilit kong pinapakalma ang sarili ko, hangga't maaari ay ayokong umiyak. I need to be strong.

Natigilan ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ni Sebastian na nakapatong sa bedside table sa tabi ko. Tinitigan ko 'yon, parang iba ang pakiramdam ko sa tawag na 'yon. Nang hindi pa iyon tumigil ay tinignan ko ang pangalan ng caller.

'Wilson Calling'

Sa nakita ko ay naglakas loob ako at sinagot ko ang tawag kahit kinakabahan ako sa maari kong marinig. "Hay thank you for picking up your phone Bash." Narinig kong sabi nung Wilson,  na sa tono palang ng pananalita ay halatang english native.

"Paige just show up at the office yesterday, asking for you, she told me that she didn't sign the divorce papers we requested to her six years ago, and the one she gave us back was a fake divorce paper. And when indeed, when Iverified your divorce petition, it was never been processed by the court. I'm sorry to tell you this but your divorce is really void, you are still married to Paige, and your wedding a couple of months ago with Eunice was invalid." Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko, totoo ngang may asawa siya, kasal pa siya dito at hindi nga totoo ang naging kasal namin.

"And one thing more, she even brought a kid age 5 or 6 she is telling me that it's yours, I think you need to come back here to..." Napahigpit ang hawak ko sa phone ni Sebastian. Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko at nabingi ako habang unti-unti kong tinatanggal sa tenga ko ang hawak kong cellphone.

"Babe, can you give me a towel please," in-off ko ang tawag at nagmamadaling binalik ang cellphone sa side table. Tinanggal ko ang bara sa lalamunan ko at sumagot. "Wait." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit gusto ko nang mag break down sa mga nalaman ko. I think that Wilson is his secretary in US.

Dalawang rebelasyon ang nalaman ko sa loob ng isang araw. I think I need to stop this, kailangan ko nang tigilan ang kahibangan ko kay Sebastian. If he is still married, I need to set him free. I will leave him so that he can take care of her real wife and their child, 'yon naman ang gusto niya ang magkaanak. He already have one. I don't want to be a mistress anymore?

Bakit ganun? Is this already my karma after what I've done to Raffy and Lara? Bakait ang bilis naman ata? God! History repeats itself. I end up like my Mom. I also fell in love with a married man, without me knowing that he is already married. But in my case I thought I was married to him, but it turned out na kasal pa pala siya at may nauna pa siyang asawa. Gaano kasaklap ang buhay ko? Wala na ba talaga akong chance na sumaya?

"Babe." Napatakbo ako palapit sa banyo nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Sebastian. Inabot ko sa kanya ang tuwalya at tulalang napa-upo sa kama. At nang makita ko siyang lumabas sa banyo ay may naisip ako.

I will do it one last time and I will set him free.

--

Thanks for reading!

Vote and comment! What can yous say about this chapter?

It's part of the plot so sorry to hurt you guys.. muaaaaaah! :)

tweet #AAHbyBluekisses

Yung next update mamayang gabi :)

~Leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon