Forty Two: No More Chance

43.9K 784 40
                                    

Forty Two: No More Chance


"COME on Baby, let's go." Yaya ko kay Era matapos ko siyang bihisan.

"Eya's excited Mama." Sigaw ni Era bago kami tuluyang makalabas ng kwarto.

"Bye, Lola, bye Titas." Excited na paalam niya sa tatlo, humalik pa siya sa tatlo. Kaya mahal-mahal nila si Era e.

"Papa Ayt..." Malakas na irit ni Era, nung makita niya si Arthur na nakaupo sa sofa.

Okay na kami mula sa awkward na pangyayari nung nagdate kami. Naunawaan niya naman daw, tapos ako sinaway ko ang sarili ko. I know walang masama na gawin namin ang ganung bagay because he was my boyfriend. Pero kasi alam ko sa isip ko na may ibang dahilan.

"Hi my Princess, are you excited?" naglalambing na tanong ni Arthur kay Era na kinarga pa ang huli.

"Yes Papa Ayt." masayang-masayang sagot ni Era, napangiti tuloy ako, napakabibo talaga ng anak ko.

"Let's go then. Asan na ba si Mama?" Luminga-linga siya at ngumiti ng makita ako. "Andito pala si Mama, Princess e. Tara paalam muna tayo kina Lola." patuloy ni Arthur na lumapit sa akin.

"Mama," lumapit naman ako kay Era nung tinawag niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko, pumunta nga kami kina Nanay Azon at nagpaalam.

"Mag-iingat kayo ha." bilin pa ni Nanay, nahinatid pa kami sa gate, "Alam niyo, para na kayong tunay na pamilya." sabi nito na nagpatigil sa akin.

Si Arthur naman ay halata ang tuwa. Ako ay nakukunsensya, kasi hinahayaan ko si Era mapalapit sa iba, samantalang hindi ko siya binibigyan ng chance na makasama o makilala man lang ang tunay niyang ama.

"O sige na po Nay una na kami." paalam ko na humalik na kay Nanay.

Si Arthur ang nag-imbita para sa bonding na ito, gusto niya daw kasi bumawi kay Era nung hindi niya ito nabilhan nung minions.

Umupo na ako sa passenger seat nilagay naman ni Art si Era sa backseat.

"Are you alrigt there baby?" tanong ko kay Era, ngumiti naman siya at nag-thumbs up.

Sa sky ranch kami dinala ni Arthur, sabi ko kasi ay huwag na kaming pumunta sa malayo, kasi may pasok pa kinabukasan.


"YEY! Mama, Eya will ride there?" excited na tanong ni Era nung makita niy ang mga rides na kita mula parking.

"Yes baby, later." sagot ko na hinalikan siya sa noo. Hindi naman sinasadya na may napansin ang mata ko. "Sebastian..." wala sa sarili na nasabi ko, pero mukhang ako lang ang nakarinig. Feeling ko kasi ay nakita ko siya.

"Tara na Hon, bili na tayo ng ticket." Wala pa rin ako sa sarili nung inakay ako ni Arthur. Buhat niya ulit si Era. Habang nasa pila ay linga ako ng linga. Mahigit isang linggo siyang nawala. Ni ha ni ho wala. Kaya imposibleng makita ko siya dito. Tsaka ano naman ang gagawin niya dito?

Kaya inalis ko na lang siya sa isip at pinilit ibalik ang atensyon sa anak at boyfriend ko.

"Mommy gusto ko dun." Tinuro ni Era yong anchors away. Natawa ako, kasi ang extreme ng gusto niya e hindi naman siya pwede dun.

"Baby hindi ka pwede dun e, you're too young to ride that, mahihilo ka." Paliwanag ko na pinipigilan ang matawa. Naka-pout naman siya dahil sa sinabi ko.

"When you turned 10 or 12 I'll let you." Sabi ko sa kanya.

"Eya's two." Nag-iisip na sagot niya.

"Yes, but soon you'll be three. Then four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve." I said counting with her little fingers.

"If I'm twelve Mama, Papa Ayt and Eya will yide theye Mama?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Para hindi na mangulit.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon