Thirty Nine: An Explanation

51.4K 1K 82
                                    

Thirty Nine: An Explanation

NALUSOT ko ulit ang pangatlong araw, now we are on our fourth day on this resort, isang araw nalang.

Pabalik na ako sa room, kumuha kasi ako ng lunch for Era.

Tulog siya nung iniwan ko siya, mas maigi nga na lagi siyang natutulog para hindi ako mahirapan, enjoy niya pa rin ang jacuzzi, buti talaga at hindi siya nagsawa.

Oh my god, naiwan ko atang naka-awang yung pinto. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto, ang pangamba ko ay baka umiyak si Era tapos makita siya nila Sebastian. Paranoid na naman ako, e nandun nga sila sa baba, nauna akong umakyat.

Nakarating ako sa kwarto, nakabukas na iyon, kinakabahan ako. Pumasok agad ako sa loob.

"Era? Baby ko? Era?" Pero walang sumasagot. Sinilip ko na lahat ng pwede niyang taguan pero wala. Nagmamadali akong bumalik kina Faye,mmaluha-luha na ako. Saan naman kaya nagsusuot ang batang 'yon?

Sobarang kinakabahan ako. Andun pa silang lahat. "Faye..."

"O anong problema?" Nag-aalalang tanong nito, "Faye si Era, nakita mo si Era?" Aligagang tanong ko, wala na akong pake kung marinig nila ako. Nawawala yung anak ko. Feeling ko maghihysterical na ako.

"Jas, humingi ka ng tulong sa management," utos ni Faye kay Jasper. "Calm down mahahanap natin siya."

"Wait, anong nagyayari? Who is Era? Who is missing?" naguguluhang tanong ni Syd.

"Yung anak ko, I need to find her." Tumakbo na ako, wala akong pakialam kung malaman na nila, mas importanteng mahanap ko ang anak ko. Bago ako umalis ay napansin ko pa ang confusion sa mukha ni Sebastian dahil sa confession ko. Masyado siguro siya nagulantang sa revelation ko.

Pumunta ako sa kiddie pool kung saan kami madalas ni Era, oh my god! I need to find her. Tinatawag ko pa siya habang naglalalkad ako. Wala akong pakialam kahit magmukha akong tanga dito, anak ko 'yong nawawala.

Naisip kong pumunta sa beach, naglalakad ako sa initan ng buhangin. But I don't care, the only thing I am thinking was to find my daughter.

I know Era want to go to the beach, kaya susubukan ko. Naku, baka pumunta siya sa kabilang side, may katabing resort kasi ito, kapatid daw ng may-ari nito yung sa kabila.

Medyo malapit na ako sa beach nang matanaw ko ang isang babae, she is carrying a child, lumapit pa ako at nakumpirma kong si Era 'yon.

"Era..." lumingon sa 'kin ang babae, pati si Era, she's quite familiar, binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makalapit ako sa kanila.

"Mama," nagkukumawag na si Era, ibinaba ito ng babae. Si Era naman ay tumakbo sa 'kin, binuhat ko agad siya. "Mama, that Tita, help me." sabi ni Era sa 'kin. She looks like as if she's going to cry at any moment.

"Then we should say our thanks to that Tita." Sabi ko sa kanya na tumingin na sa babae, pero natigilan ako nang makilala ko yung babae. "Thank-"

Pareho kaming natigilan nung nagkaharap kami. I know her, si Lara ang tumulong sa anak ko. Itinuloy ko ang pasasalamat ko.

"Thank you," mahinang sabi ko. "No problem, ingatan mo lang ang bata, baka mawala." pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya.

Eto na ata yung hinihingi kong pagkakataon sa Diyos ang makahingi ako ng tawad. Pahakbang palang siya nang sinubukan ko siyang tawagin.

"La-ra" kinakabahan ako nung tinawag ko siya, tinitimbang ko kung tama ba o hindi.

"Yes?" lumingon siya sa 'kin.

Yumuko ako bago nagsalita. "How are you?" mahinang tanong ko, 'yon lang kasi ang naisip kong sabihin.

"I mean, kamusta kayo ni..." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin, naiilang ako.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon