Thirty Four: My Era

45.1K 880 70
                                    

Thirty Four: My Era

"MAMA." Kahit medyo tulala pa ako dahil sa ginawang confession ni Arthur kanina sa sasakyan niya ay hind ko mapigilan ang mapangiti. She was my source of energy, siya ang naging lakas ko sa mga nakalipas na taon.

"How's my baby?" Kamusta ko sa kanya nung mabuhat ko siya. "Eya is fine Mama," she said Era's fine, medyo bulol kasi si Era. She's just two pero ang bibo at ang daldal. "Ay you tied Mama?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Nahihirapan talaga siya sa sound ng R, may R pa naman sa name niya. Kaya yung Era niya niya ay naging Eya.

"No baby okay lang si Mama. Kakain na ba tayo? Gutom na si Mama e." Tapos pinupog ko na siya ng halik sa leeg habang papunta kami sa kusina, hindi tuloy siya tumigil sa paghagikhik. "O kayong mag-ina kumain na."

"Yey, chichen." Excited na sigaw ni Era nung makita ang chicken sa lamesa. That was her favorite.

Si Era lang ang pinakamagandang bagay na nangyari sa 'kin nung mga panahong iniwan ko si Sebastian. I can say na masaya na ako kahit nag-iwan siya ng remembrance. At first oo, inaamin kong natakot ako. May time pa nga nagdalawang isip ako kung babalik ba ako para ipaalam sa kanya. Pero pinili kong kayanin mag-isa.

Kasi sa totoo lang umasa akong hahanapin niya ako. I know he has a power to do that, pero hindi niya ako hinanap. Siguro nga nabulagan lang ako at ako lang talaga ang tunay na nahulog sa 'min. But enough with him, I've already moved on. Right now I am happy with my daughter.

At hindi ko malilimutan lahat ng pinagdaanan ko mula nung pinagbuntis ko si Era hanggang sa itabi siya sa 'kin ng nurse after I gave birth to her.

NAPAHAWAK na naman ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng contraction, kabuwanan ko na, I am going to be a mother to a baby girl. Grabe talaga ang naging hirap ko sa pagbubuntis at pakiramdam ko maging sa panganganak ko, buti nalang at hindi ako pinabayaan nila Nanay Azon.

Mahirap dahil nagtatrabaho ako nung mga panahong naglilihi ako, mabuti nga't binigyan ako ng konsiderasyon sa office dahil sa kalagayan ko. Knowing na bago lang ako sa trabaho. Pero nagsikap ako kahit mahirap talaga. Siyempre iniisip ko pa rin ang anak ko. Kahit nga may pera ako mula sa kinita ng shop ko ay hindi ko maaring iasa lahat dun, I also need a source of income.

Sobarang pihikan ko talaga nung mga unang buwan ko sa pagbubuntis, madalas akong may morning sickness kaya pinayagan nila akong half day, tanghali ako napasok.

May isa pa nga akong kasamahan na napaglihian ko, at nagsuffer din siya kagaya ko. Totoo pala yung ganun, akala ko kasi nung una joke lang 'yun.

"Nanay Azon, iba na po ito, kailangan na po natin pumunta ng ospital." Iba na kasi talaga yung nararamdaman ko, parang humihilab na ang tiyan ko. "Teka hija." Tinawag niya ang dalawa niyang pamangkin para ihanda na ang gamit namin ng baby, tapos nagpatulong siya sa kapitbahay naming trycicle driver para maisakay kami papunta sa clinic kung saan ako manganganak.

I thought pagdating namin dun ay papahigain na ako ng Doctor para paanakin ako, pero inabot pa ata ako ng kalahating araw sa pagla-labor, halos maiyak na ako sa tindi ng contractions. "Kaya mo 'yan Hija." pampapalakas sa 'kin ni Nanay Azon. Malaki talaga ang papasalamat ko na nandito si Nanay Azon, malaki ang pasasalamat ko na sa kanya ako pumunta, dahil kung nagkataong pumunta nalang ako kung saan, baka hindi ko ito kinaya.

Tatayo, maglalakad, uupo, pinapakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Halos maiyak na nga ako sa sobrang hirap. Aaminin ko na sa mga panahon ito, iniisip ko si Sebastian. I am hoping na sana nandito siya sa tabi ko, pero wala naman siya.

At bago nga matapos ang araw na iyon ay pumutok na ang panubigan ko, agad akong inalalayan ng nurse na nakaduty at mabilis na ipinatawag ang Doktora.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon