Seven: Wedding Day

57.8K 1K 11
                                    

Seven: Wedding Day

NAKATINGIN ako sa harap ng salamin, my face is almost perfect. Maganda ang pagkaka-ayos sa akin ng beautician na binigay sa'kin. It's my wedding day, pero wala man lang mababakas na excitement sa mukha ko.

"You're beautiful Madame," ngiting-ngiting puri sa'kin ng blonde na beautician. Ngumiti ako ng mapait, "What's wrong? It's your wedding day! You should be happy, you'll be marrying a perfect husband--handsome, rich... He is every woman's dream." Napangiti nalang ako sa sinabi niya, kung sana ganun ang sitwasyon. Kung sana ay totoo ang kasal na ito. Baka hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"It is not what you think, this wedding is not a fairytale, it's not an ordinary love story," I saw the shock in her eyes. "It's just a business marriage." natahimik siya sa sinabi ko. "I'm so sorry Madame, I d-don't know." She said apologetically.

"It is fine." Tipid na sagot ko na napabuntong-hininga at pinilit ngumiti sa kanya. "I'm really sorry," pahabol pa niya. "I should wear my gown now, it's getting late," pag-iba ko ng usapan.

Kahit halata ang pagkapahiya niya ay tinulungan niya na akong isuot ang gown. It is a simple white body-hugging tube gown na nakabuka sa bandang baba. This gown is wasn't really my choice. Dahil hindi ako namili ng gown ko. It's his personal choice, because I wasn't giving a damn opinion about this wedding. I let him decide for everything. Hinayaan ko siyang magplano, at sumama lang ako sa mga appointments na kailangan ako.

Sa loob ng isang buwan ay inasikaso namin ang kasal para mamadali na, sa loob din ng isang buwan ay inayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin, plantsado na din ang mga plano ko. And I'm ready to work on my plans later after this ceremony.

Nakarinig ako ng bahagyang pagkatok, kasunod noon ay ang pagbukas pinto at ang pagsilip ng wedding organizer na hi-nire ni Sebastian. "Eunice, I'll give you five. Your wedding is about to start."

"I'm almost done Della," I said pinning my pearl earrings to my ear. "If that's so, let's go," lumapit na ako sa kanya at inalalayan niya ako. We took the elevator since this is a garden wedding at kailangan namin pumunta sa garden ng this hotel for the wedding.

Marami nang tao na naka-upo sa ilang hilera ng upuan na nakahanda doon. Most of them were business delegates whose names I don't know. The hell I care. The entourage is ready waiting for me. I met my Dad's serious gaze as soon as I reach the entrance of the red carpeted aisle.

People are now looking at my direction they all got excited. At hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paghanga sa mga mukha nila. Bago kami mag-umpisang lumakad ay lumapit sa'kin si Jane my maid of honor, she is the manager that Faye choose the moment she left her position. "Eunice sigurado ka na ba sa plano mo?" Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Don't worry, I'll take care of everything," she assure as she kiss me on my cheek. "You're always gorgeous." Puri niya pa bago siya pumwesto sa harap ko sa pila.

She and Faye is the only person who knows about my plans. Kaya tinulungan nila ako. Nag-umpisa na ang wedding march at nag-umpisa na din lumakad ang lahat. My Dad is the one who is escorting me. "I'm really very sorry, Anak, I'm really sorry na wala akong nagawang paraan at kailangan pa tayong humantong sa ganito." Hindi ako sumagot sa sinabi niya, we are already walking on the aisle.

"Pero salamat talaga, I don't know how I can pay you..." Malungkot na dugtong niya pa. "If you need something, if you need my help don't hesitate to ask me. If really don't want this marriage, if you want to be out of this marriage, just let me know... I'll do everything for you, I will sacrifice everything." Tuloy-tuloy na pahayag niya, but I don't believe his words at least wont trust his words anymore, he'd betrayed me once at hindi na ako papayag ng isa pa.

Iniwasan kong tignan sya at kibuin siya kaya tumingin ako sa harap and there I saw the serious face of Sebastian, the one who will be my husband in papers. He's eyes is on me and I can see the admiration from those sexy blue eyes of him, beside him was his Dad.

Magsisinungaling ako kung hindi ko aamining magandang lalaki talaga siya, his messy curly brown hair is now on clean cut, na lalong nagbigay ng definition sa perpekto niyang mukhang. But for me, his messy curls is better than his clean cut. Ipinilig ko ng bahagya ang ulo ko nang ma-realize ko ang mga iniisip ko. God, hindi ko dapat yun iniisip at hindi ko dapat siya tinitigan dahil ngumingiti na siya sa'kin.

Hindi ko dapat siya tignan at baka isipin niya pang type ko siya. No that would never happen, I would never let myself fall for him. Kahit sabihin pang gwapo siya, na bagay sa kanya ang suot niyang black tuxedo, na bagay sa kanya ang kahit anong isuot niya, na masarap talaga siyang humalik sa ilang beses niya akong ninakawan nito at sa ilang beses na muntik na akong bumigay, na asawa ko na siya mamaya. At kung gugustuhin ko ay araw-araw ko siyang makikita.

'Gosh Eunice what were you thinking? Are out your mind?' Saway ko sa sarili ko, bago pa magbago ang isip ko at hindi matuloy ang isang buwan kong pinlano. Oo na aaminin kong attracted ako sa kanya, sinong babae ba ang hindi? But that doesn't change my mind. I'll still stick to my plans.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi namalayan na nasa harap na kami at inaabot na ni Papa ang kamay ko kay Sebastian. "I trust my daughter to you." Seryosong sabi ni Papa. "For your business." Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. It's really for the business.

Nang maka-alis si Papa at paharap na kami sa altar ay bumulong siya sa'kin. "I always knew tha you will look gorgeous on that." Mahinang bulong niya sa'kin na nagpatayo sa mga balahibo at nagpa-init ng pisngi ko. "Don't get too excited my soon to be wife, we'll the whole night Sweetheart." He said, naramdaman niya siguro ang tense ko, sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. 'In your dreams' sagot ko sa isip ko.

AFTER the wedding we proceed to the reception, which is also held at this hotel. Nagkaroon ng konting ceremony at halos hindi na ako mapakali. Bukod sa kinakabahan ako sa gagawin ko ay pa-ulit ulit pa siya kung makahalik sa'kin, sobra nga yung kiss niya sa'kin sa kasal na muntik muntikan na akong bumigay, tapos ngayon ni hindi niya ako binibitawan. His hands are always around my waist. Sh*t baka hindi ko magawa ang plano ko, kung hindi niya ako hihiwalayan man lang kahit saglit.

The guest are greeting us their best wishes, if only they knew. Picture here and picture there. At nakaka-irita talaga ang pagiging clingy niya, he always kiss me on my neck, my ears my head. Gosh, I feel uncomfortable.

"Eunice, you should change on your dress, so that you can move comfortably." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Della, that's my cue. Sasama pa sana siya, but I insist that Jane and I could manage.

Bumalik kami ni Jane sa room na ginagamit ko, I change my wedding gown, but instead of the peach dress, I wore a piece of jeans, my black cardigan and my boots. At dahan-dahan kaming lumabas ni Jane ng kwarto. Doon kami dumaan sa lugar na sigurado kaming walang makakakita sa'min. She also change into casual clothes, para hindi mahalatang tatakas kami.

Halos hindi ako humihinga ng maayos hanggang sa makalabas kami ng hotel, pumunta agad kami sa sasakyan ni Jane, kagabi pa naka-ready ang mga gamit ko sa compartment niya, nagdala lang ako ng mga importante at kakailanganin ko tapos nag-iwan pa ako sa bahay ni Papa, para hindi siya makahalata.

Nag-drive na si Jane patungo sa airport. Yes, sa airport, I'm escaping.

---

Thanks!

-leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon