Forty: He Cares

52.3K 960 31
                                    

Forty: He Cares


DALAWANG linggo na ang nakalipas mula nung umuwi kami from Faye and Jasper's anniversary celebration.

Ewan ko pero, parang pakiramdam ko ay lumuwag ang dibdib ko nung naamin ko kay Sebastian ang tungkol kay Era. Lalo na nung kinuwento ko sa kanya 'yong mga naranasan ko kay Era.

At nung gabi din 'yon alam ko na masaya siya na hinayaan ko siyang magkaroon ng chance na makilala ang anak niya. Ang malaman ang mga pinagdaanan ko mula sa pagbubuntis, hanggang sa manganak at matuto si Era.

Kinabukasan naman nun, nung pauwi na kami ay hindi nagpahalata si Sebastian sa kahit kanino na may alam siya. Na anak niya si Era. Civil lang kami sa isa't isa.

Buti nga at hindi nagduda si Faye lalo na nung nag hi pa si Era kay Sebastian nung nakita niya ito.

Hindi naman na nangulit o gumawa ng kahit na anong paraan si Sebastian para magkita ulit sila ng anak niya. Hindi pa rin naman kami nagkikita kahit para sa trabaho. I dont know why but I was a bit disappointed.

Yes, I know na malinaw ang pagkakasabi ko sa kanya na ayoko pa siyang ipakilala kay Era, because I dont want to confuse my daughter. Pero bakit hindi siya pumalag? After all anak niya pa rin ang anak ko. And he has a right to my daughter.

Well maybe I was right. Hindi niya naman talaga balak na akuin ang responsibilidad niya bilang ama kay Era. Na-curious lang siguro siya. At tama akong paaasahin niya lang ang anak ko kung sakaling makilala siya ni Era.

"You're too serious hon?" Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko iyon.

"Naah. May naalala lang ako."

"So as of the moment busy si Sebastian, kaya hindi pa tayo nakakapagmeeting, pero sabi niya, by tomorrow daw ay pwede nang ituloy na pag-usapan ang project." Paliwanag ni Arthur.

Busy ba talaga? Or busy sa girlfriend niya. Shit ano ba itong pinag-iisip ko?

"Okay." Tipid na sagot ko.

"Hon are you okay? Parang kanina ka pa wala sa mood, gusto mo bang umuwi muna?" Umiling naman agad ako.

"Ayos lang naman ako ha." Pilit kong pinasigla ang boses ko.


THE next day ay maaga akong pinuntahan ni Arthur, maghapaon daw kaming magta-trabaho para sa project, darating na daw si Sebastian. Bakit ganun parang bigla akong na-excite? Mabilis na sinaway ko ang sarili ko and reminded myself about our status, niloko niya ako noon. At yong nangyari last week wala lang yon, nalaman lang niya na may anak siya hanggang doon lang yon.

Pinilit ko na lang yon alisin sa isip ko, because I felt like I am cheating with my boyfriend. Na walang ginawa kundi ang pasayahin ako.

Kami ang nauna sa conference room, nakakahiya naman kung ang kliyente namin ang mauna.

"Hon, okay ka lang ba? Bakit pakiramdam ko mula nung bumalik ka from your vacation masyado kang preoccupied." Puna niya sa akin na pumulupot ang kamay sa bewang ko at hinalikan ako sa noo at sa ilong at dumampi sa labi ko.

Nasa ganun kaming posisyon ng biglang may pumasok, napalingon kami sa tumikhim, pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko, lalo na nung nagtama ang mata namin ni Sebastian. Hindi ko nabasa sa mga mata niya kung ano ang reaksyon niya.

"Good morning Pare." Bati ni Arthur na nakipagkamay kay Sebastian na bumati naman pabalik.

"Good morning Sir." Bati ko sa kanya na nakipagkamay, wala sana akong balak na tumingin sa kanya pero napatingin ako sa mata niya nung pinisil niya ng marahan ang kamay ko. Kaya mabilis akong bumitaw.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon