Fifty: A Surprise
I WAS watching the sunrise from the balcony, nasa isang hotel kami ngayon ni Era. Hindi ko alam kung anong plano ni Sebastian at pinag-check in niya kami dito. He was abroad, nagpatawag daw ng biglang meeting ang Daddy niya. Almost one week na siyang wala and if I am not mistaken, bukas ay nandito na siya.
Anim na buwan na pala ang lumipas mula nung nagpropose siya sa akin and up until now ay nappangiti pa rin ako whenever I remember that night. Pero ayaw ko pa na magpakasal kami, I don't know why basta gusto ko fiancé muna kami.
As long as we live with each other at nandyan si Era okay na muna yon sa akin. Nauunawaan naman ni Sebastian and it's fine with him. I closed my eyes and feel the morning breeze. Then I remember the scene a few days after the proposal.
ITO na ang huling araw namin kina Nanay Azon dahil excited si Seabstian na lumipat na kami sa bahay namin. Mas safe daw kami dun at para makasama niya na kaming mag-ina.
Hindi alam nila Nanay ang nangyari sa amin ni Arthur two days ago, ang alam niya lang ay nakipaghiwalay na ako. Kahit close ni Nanay si Arthur ay hindi niya naman iyon minasama dahil alam niyang mas makakabuti sa anak ko ang isang buong pamilya.
Nasa kwarto ako nun nung kumatok si Nanay. "Hija may bisita ka." Nasabik ako bigla, ang aga naman ata ni Sebastian? Tulog pa nga ang anak niya e.
Pero bigla ding nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko si Arthur na may dalang bouquet ng roses. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya nung nakita niya ako. Ngayon lang ulit siya nagparamdam, hindi naman niya ako makontak dahil nasira nga ang phone ko at hindi niya alam ang bago kong numero.
Nanigas akong bigla sa kintatayuan ko nung nakita ko siya, I think nagkaphobia na ako sa kanya. Natakot akong bigla na para bang anumang oras ay uulitin niya sa akin ang ginawa niya.
"Hon, I am sorry about what happened, pagod lang ako and Naghalo-halo na ang selos ko at lahat na. It was not my intension." Mahina at malumanay na paliwanag niya. Lumingon ako sa paligid sa takot na baka may makarinig o baka gising si Era.
"Please give me a chance, pwede bang tayo na lang ulit? And let's fix this. Let's fight for our love, alam ko nabubulagan ka lang para sa buong pamilya niyo ni Era. But I can also make your family complete. So please Eunice give me a chance." Pagsusumamo niya na akala mo e kung sinong mabuting tao.
Pero hndi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Here, naiwan mo sa office ang singsing mo, di ba dapat suot mo ito? Nakabalik na ako let's plan our wedding. I know your excited, kaya nga pumayag ka agad diba." I am not excited at yong pagpayag ko sa kasal na iyon ang pinaka malaking pagkakamali sa buhay ko.
"No, wag mo akong lapitan." Utos ko sa kanya nung nakita kong papalapit siya. "Don't come near me." Ulit ko.
"Eunice I want us back, please give me a chance." Lumuhod pa siya. Anong ginagawa niya?
"Nay..." Mahinang tawag ko. "Nay..." Ulit ko ulit at sa pangalawang pagtawag kong iyon ay lumpit si Nanay.
"Anong problema Hija?" Alalang tanong niya.
"Paalisin niyo siya Nay, please, ayaw ko siyang makita." Naguguluhan man si Nanay ay pinapasok niya ako sa loob ng kwarto ko at hinarap si Arthur. Nangangatog pa ako pagpasok ko sa kwarto tumutulo pa ang luha ko.
Lumapit ako kay Era at niyakap siya. Tapos tinawagan ko si Sebastian. "Asan ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Why are you crying, shit malapit na ako. Wait me." Alalang sabi niya.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
General Fiction(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...