Forty Five: Era and Sebastian
"Era let's go." Aya ko kay Era, pagkababa namin ng jeep. This is the day. The day na ipapakilala ko na siya sa ama niya. Sana maintindihan ni Era.
"Mama, san tayo punta?" Kunot-noong anong niya.
"You'll know later, may papakilala si Mama sa 'yo." Sagot ko sa kanya sabay hawi sa kulot niyang buhok.
Napagkasunduan namin na sa mall magkita ni Sebastian. Dapat nga ay susunduin niya kami pero hindi ako pumayag, kaya ganito ang naging usapan.
Si Arthur kinausap ko siya kagabi, gusto niya nga sana na samahan kami. Pero sinabi ko na kaya ko na, kaya hiii ndi na siya nangulit. I am lucky that he was very understanding.
'Mall na kami. Text me if you're here, mag-iikot lang kami ni Era.' I texted Sebastian, at binalik ang cellphone sa bag ko.
"Mama, is it good on Eya?" Tanong niya na tinuro ang isang baby blue dress na nakita niya sa isang stall. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay nagring na ang phone ko.
I answered it immediately without looking who was the caller.
"Yes." Sagot ko, pero ang totoo si Era ang sinagot ko ng 'yes'
"Eunice?"
"Ow, Sebastian." Parang gulat pang tanong ko.
"Kanina pa rin akong nasa mall, where can I find you?" Tanong niya sa akin.
"Era wait." Saway ko kay Era nung nakita ko siyang lumakad papunta sa sumunod na stall. "Hello, yeah nasa department store kami, sa kids section." Sagot ko kay Sebastian.
"Okay, don't hang-up pa papunta na ako." He said, pero hindi na ako sumagot, sinundan ko lang si Era. I can hear Sebastian's breathing from the other line.
"Sa girls kayo no?" Tanong niya na nagpatawa sa akin, parang kinakabahan yong boses niya.
"Of course, babae ang anak mo." Tumatawa pa ring sagot ko.
"Yeah, sabi ko nga." He was already laughing on the other line. "Okay, I saw you bye." Paalam niya na bigla na lang akong binabaan. Bastos yon ah!
"Eunice!" Tawag niya sa akin na tumawag hindi lang ng atensyon ko kundi ng kababaihan sa lugar na iyon. Kumakaway-kaway pa siya habang palapit. Alam kong nakaagaw siya ng atensyon dahil lahat ng babae ay hinahabol siya ng tingin.
"Hi." Yon lang ang nasabi ko nung nakalapit siya hawak ko naman si Era sa kanang kamay ko.
"Mama..." Hinila ni Era ang kamay ko, napatingin ako maging si Sebastian sa kanya.
"Yes baby?"
"Eya's hungyi." Umupo ako para maging kapantay ko siya.
"Ow, where do you want to eat?" Tanong ko sa kanya.
"Jollibeeeeeee!!!" Tumitiling sagot niya.
"Okay, let's go then." Nagulat ako nung biglang bumaba si Sebastian at sinabi 'yon.
"Come on baby?" Aya niya kay Era, akala ko ay hindi siya sasama, pero nagpabuhat siya.
Nag-umpisa na kaming maglakad at nakita ko ang pagkadismaya ng maraming kababaihan. Sorry, may anak na siya e. I dont know, pero napangiti ako sa isiping iyon.
NANG makarating kami sa Jollibee ay tinanong ko kung anong gusto ni Sebastian. Nang makuha ko yon ay iniwan ko ang mag-ama to order.
Naka-upo si Era sa isang high chair nasa pang dalawahang tao lang kami kasi puno ang Jollibee. Burger and iced tea ang pinabili ni Sebastian akin ay palabok, fries and pineapple juice. Kay Era naman ay ang paborito niyang spaghetti, fries and strawberry sunday, water lang ang inumin niya kasi naiiyak siya kapag coke. Dahil ata sa spirit ng coke.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
Fiction générale(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...