Fifteen: Living in Hell
"Mam pasensya na po sa abala kakaalis lang po ni Sir Basty, nagbilin po siya na gisingin na daw po kayo para kumain." Bungad sa'kin ng katulong na kumatok sa kwarto. "Okay, sige bababa na din ako." Pagkasabi ko nun ay umalis na ang katulong sinara ko muli ang pinto at sumalampak sa kama. Ano kayang nakain nun at pinatawag pa ako sa katulong?
Two weeks have passed, gan'to lang ka-boring ang araw-araw ko sa nakalipas na dalawang linggo. Nakatambay sa kwarto, magbabasa ng libro, manood ng TV, not my usual routine, kaya nabo-bored ako.
If you are curious about my relationship with my husband. Well walang nagbago, napaka-civil namin sa isa't isa at napakabihira din namin magkita kahit nakatira lang kami sa isang bahay. Hndi kami nagkikita kasi nung nagising siya nung sumunod na araw after that incident ay iniutos niya sa katulong na ilipat sa kabila ang kwarto ko, but the room is just across his, kaya hindi malabong magkita kami kung sakali.
Pero napaka-imposible pa rin namin magkita dahil sa umaga paggising ko ay nakaalis na siya which is perfect, sa gabi naman, alam kong gabing-gabi na siyang umuuwi, kung hindi nga ako nagkakamali ay halos madaling araw na siya kung umuwi, I don't know what he's doing. Baka nambababae?
Something clench on my stomach sa naisip ko. God! Pake ko ba kung mambabae siya! Edi mambabae siya hanggang gusto niya. Kung ganun naman pala ang gagawin niya, bakit hindi man lang niya ako payagan lumbas ng bahay. Nakakainip sa bahay niya. para akong preso dito.
Wala akong makausap. Yung dalawang kasama naman dito sa bahay, binihira lang makipag-usap kasi alam kong naiilang sila, so I always end up, bored sa loob ng kwarto ko. Ayoko naman magswimming, dahil hindi ko feel. Hindi ko naman pwedeng abalahin si Jane dahil syempre she's abroad at magkaiba ang oras namin. I already told her my situation, nag-alala nga siya pero sabi ko okay lang ako. Then last week I try to contact Faye, pero voicemail lang ang sumagot sa'kin. Saying they are out of town. Hindi ko na siya inabala, dahil baka problemahin niya ako. At hindi niya ma-enjoy ang out of town niya.
AFTER kong magshower ay bumaba na rin ako para kumain ng breakfast. May nakahain nang fried rice at egg and bacon. "Ay Mam buti po at bumaba na kayo, kasi lumalamig na po ang pagkain, kanina pa po yan niluto ni Sir." Sabi ni Ate Joy ba o Ate Maris, medyo nalilito pa kasi ako sa kanila. "Niluto ni Sebastian?" Hindi makapaniwalang tanong ko, napalingon pa nga ako kay Ate para masiguro na tama ang pagkarinig ko.
"Opo Mam, mag-aalas singko na po kasi umuwi si Sir, tapos naligo na po agad, at nagluto, tapos umalis din ng mga 6:30. Nagulat nga din po kami e." Napatango-tango nalang ako sa sinabi ni Ate. Marunong pala siyang magluto, that's good. Pero teka 5am na siya umuwi? Ano naman kayang pinagkaka-abalahan ng isang yun? "Hindi na siya natulog Ate?" Medyo iba ang tingin ni Ate dahil sa tanong ko. "I mean late na siyang umuwi tapos maaga din siyang umalis." Pagka-klaro ko sa tanong ko, I'm not concern about him, kung yun ang laman ng tingin na iyon ni Ate. "At pinatawag niya ba talaga ako to eat this breakfast?" Parang hindi lang talaga ako naniniwala.
"Yes Mam, ipapatawag nga po sana niya kayo, kaninang alas-sais kaya lang baka tulog pa daw kayo, kaya mag-isa nalang po siyang kumain." Sa narinig ko ay napaisip ako. Hindi nga siguro siya ganun kasama o may nakain lang. "Mam, may kailangan pa ba kayo?" Tanong ni Ate na nagpawala sa iniisip ko. "Ah, wala na tatawagin ko nalang kayo, pag may kailangan ako. Salamat."
Kumain na ako, tapos balik ulit ng kwarto, nabasa ko na ata lahat ng books na dala ko, kaya wala din akong magawa. Napatingin ako sa orasan, at nanlumo nang makitang 10am palang. Ano naman kaya ang pwede kong pagkaabalahan? Bake? Oh I miss baking?
Bumababa ako sa kusina, at nagtanong kina Ate kung asan ang mga gamit na pwede kong magamit. And luckily, kumpleto ang mga gamit sa kitchen ni Sebastian. At puno ang cupboard niya ng ingredients na pwede kong gamitin. Nagtanong pa sila Ate kung may kailangan ako, pero sinabi ko na kaya ko na, kaya lumabas na sila ng kusina, dahil may iba pa silang gagawin. Kinuha na rin pala nila ang mga gamit ko, dahil maglalaba daw si Ate Maris.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
General Fiction(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...