Eleven: Her Conscience
NAIWAN akong tulala at nakatitig sa pintong nilabasan ni Raffy at nang wala nang malay na si Lara. Masakit ang anit ko dahil sa pagkakasabunot sa akin ni Lara kanina. But what I've done to her is much painful than this headache. Napatingin ako sa may pinto kung saan ko siya naitulak. There is some spots of blood, napahawak ako sa bibig ko at naluha.
"God, what have I done?" Lalo akong nanghina, hindi ko naman talaga yun intensiyong mangyari, hindi ko siya balak itulak, pinrotektahan ko lang ang sarili ko. Napapikit ako ng mariin nang makita ko ang sakit na gumuhit sa mukha niya nung napa-upo siya sa sahig. Paano kung sa'kin nangyari yun. Kawawa naman yung inosenteng sanggol sa tiyan niya na dinamay ko dahil sa sarili kong kagustuhan.
Mabagal ang mga hakbang na bumalik ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko. Hinang-hinang sumakay ako ng elevator, at lumabas ng building na 'yon.
Agad kong pinara ang pinaka-unang taxi na nakita ko. Tulala ako buong biyahe, hindi mawala sa isip ko ang sakit sa mukha ni Lara nung nakita ko siyang nakaupo sa sahig. Tulala lang ako hanggang makarating ako sa hotel room na tinutuluyan ko.
Naupo agad ako sa kama, niyakap ko ang mga binti ko. At nagpatuloy sa pag-iyak. Nagsisisi na ako sa kagagahang ginawa ko. Ginulo ko ang payapang pamilya. Ang sama-sama ko, at alam kong may balik ang nagawa kong ito.
HINDI ko inaasahan na sasagot si Raffy sa tawag ko ngayon, I tried to call him several times after that incident two days have past. At sising-sisi na ako sa ginawa ko, sa mga kalokohang pumasok sa isip ko, kaya nangyari ang mga bagay na iyon.
"What do you want Eunice?" Galit na bungad nito. "Masaya ka na ba na sinira mo ang pamilya ko?" tanong niya uli, hindi ko makapagsalita dahil sa tanong niya. Halatang-halata ang galit niya. "Ano magsalita ka, are happy to destroy my family? Naniwala dapat ako sa asawa ko e, I should not have trust you, from the very start."
"I'm sorry..." Yun lang ang nagawa kong sabihin, I heard him chuckle on the other line. "Sorry, wala nang magagawa 'yang sorry mo." Galit pa ding sabi niya. "Ho-how's the baby?" Mahinang tanong ko, 'yon kasi talaga ang bumabagabag sa kunsensya ko.
"Now you're concern, hindi mo yun naisip nung tinulak mo ang asawa ko." Gigil na sigaw niya mula sa kabilang linya, "S-sorry Raffy." Helpless na sabi ko, "Buhay ang anak ko," nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. "But she already left me, wala na ang asawa't anak ko. I love her, you don't know how much I love my wife..." He's crying, and it breaks me, tumulo ang luha sa magkabilang pisngi ko.
"I'm really sorry Raffy, hindi ko 'yon sinadya, I am just selfish and heartless para planuhing bawiin ka." Maluha-luhang sabi ko, hindi siya sumagot, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "If I could just bring back time, para lang mabago ko ang pagkakamaling ginawa ko." I said habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"I'm sorry, promise hindi mo na ako makikitang muli." I said at binaba na rin ang tawag. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko, kung may nangyari sa anak niya, pero I already destroyed their family, may nakuha ba ako? Naging masaya ba ako? Hindi.
Nag-ayos na ako ng gamit at nag-check out na ako sa hotel na tinutuluyan ko. I decided to visit Faye, dun muna ako mag-stay, habang pinaplano ko kung anong nais kong mangyari sa buhay ko. Napatingin ako sa orasan ko, it's already one in the afternoon, at alas-tres ang flight ko papuntang Cebu.
SINALUBONG agad ako ng masayang si Faye nung nakita niya akong palabas ng airport. "How are you girl? I've missed you." Salubong niya sa'kin na niyakap ako ng mahigpit. I hug her back at napahagulhol nalang ako, na alam kong ikinagulat niya. "Hey, anong problema? Bakit ka umiiyak." Hindi ako kumibo, ngayon niya lang kasi ako nakitang ganito.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
General Fiction(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...