Forty Eight: Fixing Things
NAPATINGIN ako sa cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama. Hindi ko pa pala tinitignan yon mula nung dumating kami dito. I even turned it off. At panigurado akong marami nang text dun si Arthur.
Patapos na ang bakasyon namin. Mamaya lang ay aalis na rin kami dito. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko, bukas ang alam kong uwi ni Arthur at ngayon pa lang ay pinananalangin ko nang maging maayos ang lahat. Na hindi ako mahirapan makipag-usap sa kanya. At nang makapagsorry na rin ako.
Gumalaw ako para maabot ang cellphone ko pero biglang humigpit ang yakap sa akin ni Sebastian. He snuggled on my neck. Umungol pa siya, kaya hindi ko na tinuloy ang plano ko. Bahala na nga, bumalik ako sa paghiga at niyakap siyang muli. At bumalik sa pagtulog madilim pa kasi sa labas.
NAGULAT ako nang maramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko. Nagluluto ako ng breakfast namin ngayon, tulog pa naman si Era. "Akala ko iniwan mo na ako." Bulong niya sa tenga ko. Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon. Ang sexy kaya ng boses niya yong tipong parang gugustuhin mo na lang na bumalik sa kwarto at magstay dun maghapon kasama siya.
Shit anong iniisip ko! We're no longer a starting couple, may anak na kaya kami for god sake.
Umikot ako at hinarap siya, medyo lumiyad pa ako para hindi dumampi ang labi ko sa kanya. "Sabi ko naman di'ba hindi kita iiwan." Malambing na paalala ko sa kanya.
"Pero kinakabahan ako, hindi mo alam kung paano ako nabaliw nung umuwi ako sa bahay natin at wala ka dun. And now that I have you, hindi ako papayag na mangyari ulit iyon." May diin ang bawat salitang lumabas sa kanya.
"Opo, hindi na po mauulit." Idinikit ko pa sa kanya ang noo ko at tumitig sa mga mata niya.
"Mahal na mahal kita Mama."
"Mahal na mahal na mahal kita Daddy." Pareho kaming ngumiti at nagdampi sandali ang mga labi namin. Alam ko din kung gaano ko siya kamahal dahil nararamdaman ko yon sa bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing kasama ko siya.
Lalaliman niya pa sana ang halik pero ako na ang umiwas kasi nagluluto pa ako. Napanguso na naman siya sa ginawa ko, at hindi ko mapigilan ang matawa.
"Check on your daughter, matatapos na ako dito." Utos ko sa kanya, bahagya ko pa siyang tinulak para puntahan niya na ang anak niya. Mahirap na, baka wala kaming maging breakfast na tatlo kung bumigay ako sa kanya.
"Oo na po sinusulit ko lang naman ang huling araw natin dito." Padabog niya pang sabi bago tuluyang pumunta sa anak niya.
Bumalik na ako sa niluluto ko, nakapagsangag na ako. I also prepared bacon, hotdog and egg. Hinain ko na agad yon at inantay ang dalawang dumating, for sure Era is already awake.
Saktong tapos ko naman ay lumabas na ang dalawa. "Good morning Mama!" Salubong ni Era sa akin.
"Good morning sweetie." Bati ko na lumapit sa kanila para halikan si Era. On the process ay napatingin ako kay Sebastian na nakatingin sa akin at naka-pout. Pero nilayo ko na ang mukha ko sa kanila, nagfocus ako kay Era.
"Si Daddy walang morning kiss?" Dun ako napabaling sa kanya. Napangiti ako.
"Era, kiss Daddy daw oh." Nang-aasar na sabi ko, alam ko naman kasi na sa akin siya nagpapakiss.
At dahil masunurin ang anak namin ay kiniss niya ang Daddy niya. Pero ang loko ay nanatiling naka-pout tapos bumulong sa anak niya, nangunot ang noo ko, dahil sa ginawa niya.
"Mama, kiss Daddy." Request ni Era, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Baby, ayaw ni Mama." Parang batang sumbong niya sa anak niya.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
Сучасна проза(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...