One: The Girl

235K 2.6K 41
                                    

WRITTEN BY: bluekisses

© September 20, 2014

This story is One Side Story of One Night Mistake, the story of Eunice Saavedra... Ngayon palang sinasabi ko na, na medyo mature ang theme ng story, if you still want to continue.. Enjoy Reading!

One: The Girl

10 years ago...

DAHAN DAHAN akong bumaba sa hagdan ng bahay namin, mahirap na baka mahuli pa ako ng mga katulong ni Lolo, dahan dahan kong binuksan ang pintuan sa likod kung saan ako pwedeng dumaan na walang makakakita. May nadiskubre na kasi akong daanan na hindi ako mahuhuli ng guard sa main gate.

Napatingin ako sa relo ko ilang minuto nalang ay mag 12 na ng madaling araw, tahimik na tahimik na ang mansyon, masyado kasing mahigpit ang Lolo, at 9 o'clock kailangan tulog na ang lahat.

Binilisan ko na ang lakad ko nung malapit na ako sa bakod, pero natigilan ako sa narinig kong kaluskos, napaupo ako at nagtago sa likod ng mga halaman sa garden.

Nag-iikot pala ang guard naming pag gan'tong oras. Mga dalawang minuto lang siguro ay bumalik na ito sa pwesto nya, kaya tumayo na ako at dumiretso na sa puno ng mangga, medyo may kataasan din yun pero, dun lang ako pwedeng umakyat para makalabas ako sa bakod.

Inuna ko na ang backpack ko na may lamang, mga damit, pera, cellphone, also my biological father's contact and address, I want to see him.

Hindi ko na kasi kaya dito kay Lolo, yes I grew up with him pero hindi ko naranasan na may pakialam sya sa'kin. Yes, kumpleto lahat ng kailangan ko, I have money, material things, pero hindi naman yun ang kailangan ko, I need love, pagmamahal mula sa magulang. And I'm escaping to find my father.

Thank God! At ligtas akong nakababa, mabuti't hindi ako nahuli ng guard, kung hindi lagot na naman ako. Nang makuha ko na ang dala kong backpack ay binilisan ko na ang lakad ko.

Nakalabas ni din ako sa subdivision at hindi biro ang nilakad ko, kasi may kalayuan din sa entrance ang mansyon ng mga Saavedra. Yes I will walk away to the house, where I spent half of my life. As if hahanapin naman ako ni Lolo, wala naman syang pakialam sa'kin, parang sa araw araw nga ay kulang nalang ay palayasin nya ako, para hindi kami magkita.

Naglakad lakad lang ako, hanggang sa napagod ako at napa-upo ako sa park na nadaanan ko, medyo malayo layo na rin yun sa subdivision. Hinihingal na napaupo ako sa bench ng park, ako nalang ang tao dito, dahil madaling araw na.

Nung isang Linggo ko lang nalaman kung ano ang tunay na pangalan ng tatay ko, he's address is around Manila, kaya nga naglakas loob ako na lumayas, kasi umaasa akong makikita ko sya. Hindi ko pa alam kung saan at paano ko talga makakausap ang tatay ko, ilang ulit na kasi akong tumatawag sa kanya pero hindi pa sya sumasagot.

Naisip ko tuloy kung masaya kaya ako kung buhay pa ang Mama ko? Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko ng maalala ko si Mama.

I am Eunice Saavedra, bunga ng pagkakamali. Lumaki ako na iniisip ko kung bakit pa ako nabuhay sa mundong ito, kung bakit pumatol si Mama sa lalaking may asawa na at nagpabuntis sya, na syang naging dahilan ng pagtakwil sa kanya ng ama nya.

Hindi ko alam kung ano ba ang tunay na kwento ang alam ko lang ay nakipagrelasyon ang Mama ko sa lalaking matanda sa kanya ng sampung taon, halos kakatapos lang nang Mama ko nun sa pag aaral sa kolehiyo nang sumama sya kay Manuel Rivera, na nasa business industry na kinabibilangan ng Lolo.

NUNG una ay inilihim ng Mama ko sa Lolo ang tunay nilang relasyon, hanggang sa nalaman iyon ng Lolo, hindi na sya pinalabas hanggang sumapit ang araw ng graduation nya, lingid sa kaalaman ng Lolo ay palihim na nagpapalitan ng sulat ang mga magulang ko, at may plano silang tumakas ng gabing iyon.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon