Forty One: Disappointed
GUILTY ako, kumbaga sa isang paglilitis ang hatol sa akin ay guilty. I am now riding my boyfriend's car at nag-effort siyang daanan ako para isabay papasok. Samantalang ako eto paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang pagtataksil na ginawa ko sa kanya kagabi.
I committed a crime, well kahit naman halik lang 'yon ay krimen iyong matuturing dahil niloko ko pa rin ang boyfriend ko. I felt guilty kasi alam ko sa sarili ko hindi 'yon bastang halik lang.
That kiss was something, I also wanted. Na tumugon ako sa halik na ibinigay sa akin ng ex ko. Because I am still in love with him. And that kiss awaken all my senses at ginising ako ng halik na iyon sa mga kasinungalingang ipinipilit ko sa sarili ko.
I cheated on Arthur with his business partner, my ex and my daughter's father. Pero hindi niya alam 'yon, because I chose to hide it from him.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at tinakpan ko iyon.
"Masakit ba ang ulo mo Hon?" D'un ako natauhan, lalo na nung pinisil niya ang kamay ko na nakapatong sa lap ko. "What's wrong? Kanina ka pa tahimik, nagtatampo ka ba sa 'kin?" Malumanay na usisa niya.
"No!" Mabilis na sagot ko ayaw kong isipin niya na may sama ako ng loob sa kanya, lalo na't ang totoo ay ako ang may kasalanan sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Sebastian kaso magiging kumplikado. Lalo na't sama-sama kaming nagta-trabaho.
Gusto kong sabihin sa kanya dahil gusto kong malaman kung paano niya 'yon tatanggapin. Pero natatakot ako. Paano kung tanungin niya ako kung may nararamdaman pa ako sa ama ni Era? Anong isasagot ko?
Mahirap kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko na ilihim ang tungkol d'un. Baka ikasira pa 'yon ng project kung nagkataon. Hindi ko rin naman alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Sebastian kung para saan ang halik na 'yon.
Basta pagkatapos ng halik na 'yon ay pareho kaming naghahabol ng hiningan at nagtitigan. As if satisfied na kami na nagtititigan lang kami. At hindi pa matatapos 'yon kung hindi pa tumawag si Era.
Kaya ayon nagmamadali akong bumaba ng kotse niya na tanging 'thank you' lang ang nasabi. At hndi ko pa alam kung para saan ang 'thank you' na 'yon
"E anong problema?" Malumanay pa ring tanong niya. Ewan ko ba kung sobrang bait niya lang o ganyan lang siyang maglambing?
"Wala may naalala lang ako na nalimutan ko gawin kagabi." Pagsisinungaling ko na lang.
"Okay, nabili mo ba 'yong pinapabili ni Era?" Pag-iiba niya naman ng usapan.
"Ah yeah, nakaabot pa ka--ako sa mall kagabi." Napatingin siya sa akin, my gosh! Muntik na akong madulas.
"That's good to hear Hon." Kumento niya lang.
"You know Hon, I was just curious of what happened to you and Era's father, I am just wondering kung bakit ka niya iniwan. I-I am not forcing you to tell me the story because I don't have the right. I am just your boyfriend at personal ang bagay na iyon. Napapaisip lang ako kung bakit niya nagawang iwan ang napaka-perpektong banaeng katulad mo." Lumingon siya sa akin at hinawi ang buhok ko.
Ako naman ay hindi makakibo. May nalalaman ba siya?
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at pinisil iyon. "I'm sorry Arthur, I cannot tell it to you. I mean not now, I am not yet ready to talk about it. So I hope you'll understand." Malumanay na paliwanag ko.
"Of course okay lang." He said na hinalikan ang kamay ko at nagpatuloy na sa pagmamameho. I dont know kung may himig tampo ba 'yon pero sana naman ay naunawaan niya talaga.
BINABASA MO ANG
All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)
General Fiction(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot judge me, just because of that. I have my reasons... Alam kong mali ang ginawa ko, and I think this...