Twenty Eight: Dozen of Tears

42.9K 941 17
                                    

Twenty Eight: Dozens of Tears


NAGISING ako sa mumunting halik na gumagapapang mula sa ulo ko pababa sa leeg ko. Napa-unat ako ng katawan at nagdilat ng mata. The moment I opened my eyes, I met a set of perfect blue eyes. It was Sebastian who is kissing and watching me sleep. "Good morning my Baby." Mabining bati niya sa 'kin, with his sexy morning bedroom voice, the one I used to every morning.


'Morning' I mouthed and smiled at him, pero agad ding mapawi iyon nang maalala ko ang mga pangyayari kahapon. "Anong oras na?" Hindi mapakaling tanong ko sa kanya. "9 am." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Kung 9 na bakit hindi pa rin siya umaalis? Wala ba siyang planong pumasok? Paano naman ang mga plano ko para sa araw na ito?


"Hindi ka papasok?" Malamig na tanong ko sa kanya, na tumayo na sa kama, ayoko sanang makipaglambingan sa kanya, dahil hangga't maaari ayoko nang ma-attach sa kanya. And what happened last night will be our last too.


"Hmmm, I'm not yet sure, ikaw ba gusto mo ba akong pumasok?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Nalintikan na! Nadadama niya ba ang plano kong gawin?


Nang hindi ako kumibo ay lumapit pa siya sa 'kin. "What do you think Ba-" naputol iyon sa biglang pagtunog ng cellphone niya, matutuwa ba ako, because I was saved by the bell? O dapat matakot akong si Wilson ang tumatawag? At malaman ni Sebastian na nasagot ko ang tawag kagabi. "Oh yes, Jiro," nakahinga naman ako nang malaman kong hindi si Wilson ang kausap niya. "Urgent?" Napatingin ulit ako sa kanya sa pagtaas ng boses niya.


"Okay, I'll be there." Tapos binaba niya ang tawag. Sinabi niya sa 'kin na may urgent business trip daw, pero kung nagkataon daw hindi na siya papasok, because he wanted to spend his day with me. Nagkunwari akong nalungkot sa biglaang business trip niya, pero sa puso ko, I am celebrating, kasi mukhang nakikisama sa 'kin ang pagkakataon, he will be away for two days at magagawa ko yung plano ko ngayon na mismo.


Naligo na siya at nagbihis, inayos ko naman ang mga gamit na dadalhin niya. Nagkape lang siya bago umalis. Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan I kissed him on his lips and hugged him tight for one last time. I love this man, I will miss him. "Hey, para namang hindi na tayo magkikita muli sa dating ng pagpapaalam mo, don't worry, I'll be back as soon as I can, I'll be just away for two days. Prepare dinner for me when I got back, okay?" Pinilit kong tumango kahit alam kong kasinungalingan iyon.


Mabilis ang mga kilos na bumalik ako sa kwarto at iniligpit ko ang mga gamit ko. I put it all on my luggage. Iniwan ko ang mga bagay na hindi ko pag-aari, kinuha ko lang ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay hinanda ko na ang sarili, palabas na sana ako ng kwarto ng makapa ko ang kwintas ko.


Nagdalawang isip ako kung tatanggalin ko ba ito, o hindi. Kung hindi ko ito iiwan ito sana ang matitira kong ala-ala sa kanya kung sakali. Pero I need to get rid of him, I need to forget him. Kaya mabigat man sa kalooban ko ay tinanggal ko ang suot kong kwintas at inilapag sa bedside table.


Pagkababa ko sa hagdan ay nakasalubong ko ang katulong. "Ma'am saan po kayo pupunta?" Hindi ko iyon sinagot sa halip ay nagpasalamat ako. "Salamat sa inyo Ate, pero kailangan ko na umalis, wag niyo nang itawag sa Sir niyo ha, baka mag-isip pa siya habang nasa trabaho siya, ako na ang magsasabi sa kanya." Paki-usap ko sa kanila at nagbakasali na nasa akin ang loyalidad nila.


"I have to go, paalam ko na lumabas na ng bahay, bakas din ang gulat ng guard ng bahay ng makita ako. "Manong paki tawag naman ako ng taxi." Nagdadalawang isip pa sana siya, pero ginawa niya pa rin ang utos ko.


Maya-maya lang ay dumating na ang taxi, nagpasalamat ako sa guard nang maisakay na ang mga gamit ko sa taxi. Sumakay na din ako sa taxi at sinabi ang address ng bahay ni Lolo. Habang sakay ng taxi ay hindi ko mapigilan ang maluha. Iniwan ko ang taong mahal ko. Pero sa loob-loob ko ay tama naman ang naging desisyon ko. Kasi kung hindi ako aalis at ipagpapatuloy ko ang relasyon ko sa kanya. Ay para ko na rin sinisira ang pamilya na dapat ay buo sana.



AKALA ko ay ang nalaman ko kahapon at ang pag-iwan ko ay Sebastian lang ang masakit, dahil mas masakit pa pala ang maabutan ko sa bahay ni Lolo. Ito na ba ang karma ko sa mga pinaggagawa ko?"


"Ma'am, tatawagan ko na po sana kayo," salubong agad sa akin ng nurse ni Lolo. "Ba-bakit?" Nag-aalalang tanong ko, sa loob-loob ko ay kinakabahan ako, pero nilakasan ko ang loob ko. "Ma'am umakyat nalang po tayo." Mabilis pa sa inaakala na nakarating ako sa kwarto. "Hi-ja..." Hirap na hirap na tawag sa 'kin ni Lolo, pagkakita niya sa 'kin. "Lolo." Naiiyak nang bulong ko, "Dadalhin na kita sa ospital, tatawag na ako ng ambulansiya." Kinakabahan nang sabi ko.

Pero umiling-iling lang siya. "No- h-hin-di k-o na k-aya." Hirap na hirap na pakiusap nito. Ginagap ko agad ang kanyang kamay, medyo malamig iyon. "Be hap-py, a-po yo-u de-ser-ved that." Kasabay nang pagluha ko ay ang paghigit ni Lolo ng malalim na hininga at ang pagpikit niya ng payapa. "Lolo." Paulit-ulit kong tawag pero hindi na siya sumagot.


Umiyak lang ako nang umiyak, hanggang sa dumating si Ate Sally. Nagpatulong na ako sa kanya na ipasikaso ang mga papel ni Lolo. Nakatawag na din ako sa punerarya, I decided na ipa-cremate si Lolo, mamayang gabi din. Nagpatulong na din ako sa nurse, and when she asked me about Sebastian, I told her that he is on a business trip at ayoko siyang abalahin.


Nung gabi ngang iyon ay hinatid namin si Lolo sa huling hantungan, ako, si Ate Sally, yung Nurse at katulong lang ni Lolo ang nasa loob habang kine-cremate siya. Binayaran ko na ang mga tauhan ni Lolo for their service and help.


Kinabukasan ay kinausap ko ang lawyer, I found out na nalugi na pala ang Lolo, as in lahat, maging ang bahay niya ay kukunin na ng Banko, sa dami niyang pagkakautang. I don't know na ganoon ang sitwasyon. Hindi sa naghahabol ako sa kayamanan niya. Nanghihinayang lang talaga ako sa naipundar niya.


Nang araw ding iyon ay tinawagan ko si Jane, and tell her about my plans, sumang-ayon naman siya sa inutos ko at sinabing ide-deposit niya sa account ko lahat ng hinihingi ko, I also gave her a share for the help she given me, throughout the months she handed my shop. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong loyal na handang tumulong sa 'kin.


Pinatay ko na ang phone ko para hindi na ako ma-contact ni Sebastian, laking pasasalamat ko din na wala siyang tawag o text man lang mula kahapon, maaaring busy siya sa trabaho.


Isinara ko na ang bahay ni Lolo, ngayon ang huling araw na iiyak ako, because tomorrow, mag-iiba na ang mundo ko, I would no longer be the fragile Eunice, na sumusunod pang sa agos ng buhay.


I need to be strong, now that I am already alone. Ako nalang mag-isa.



(to be continued...)

--


Thanks for reading!

Vote and Comment! Please!

Sa mga may twitter ihashtag niyo lang ang #AAHbyBluekisses. Ire-retweet ko!


Next update?? Later, still working on it. Excited na ba kayo sa next update, I'm sure magugulat kayo sa next chapter, make a guess pips!



~Leyn




All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon