•Kezly's POV•
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko kaya napabangon ako bigla at kailangan kona din pa lang gumayak dahil ito ang first day ko don sa bago kong school.
Sobrang tagal kong di naka-uwi dito sa Philippines, almost four years na den simula nung umalis ako dito sa Philippines para pumunta sa Korea.
Nauna na umalis noon sila Ate Kyra at yung bunso namin na kapatid na si Kyrie dahil si Ate Kyra don talaga nag-aaral sa Korea tapos isinama niya lang don si Kyrie dahil mabilis nila naayos yung papel ni Kyrie.Sumunod lang kami nila Mommy at Daddy sa Korea para ayusin yung mga company namin dahil kinulang kami sa mga trabahador kaya kailangan ayusin nila Mom and Dad yung company namin.
Sinama nila ako don sa Korea dahil wala daw akong makakasama dito sa Philippines, pero sabi ko dina ako sasama dahil ayokong iwan yung kaibigan kona si Calix pero ayaw nilang pumayag kaya wala din akong nagawa hanggang sa nagka- iyakan pa nga kami ni Calix dahil nagpaalam ako sa kanya para di niya ako hanapin.
Ilang taon akong nangulila sa kaibigan dahil siya yung kakampi ko sa lahat partner in crime kami non,pero nung umalis ako wala na akong nakakasama.
Sinama din ako nila Mom at Dad sa Korea sa kadahilanang ayaw daw nila ako maiwan dito kasama yung mga maid namin kaya don na rin ako nag-aral simula first year high school and third year high school.
Nag-enjoy naman ako don sa Korea pero iba yung saya dito sa Pilipinas lalo na pag nakakasama mo talaga yung mga taong mahalaga sayo lalo na yung kaibigan mo. Naging masaya din naman ako sa Korea dahil nakasama ko sila Mom and Dad.Iba din ang saya don sa Korea dahil iba't ibang tao ang nakakasalamuha namin.
Three days na ang nakakalipas simula nung maka-uwi kami dito at dito na din ako mag-aaral ng fourth year high school dahil sila Mom at Dad nalang ang babalik ng Korea para i-visit nalang yung company namin dahil naayos na nila yon bago kami umuwi dito at babalikan din nila yung bunso namin na kapatid na si Kyrie dahil naiwan pa siya kay Ate Kyra.
Three days din inaayos ni Mom yung mga papeles ko para makapasok ako sa Adrid University.
Three days na din ako dito pero hindi pa rin ako nagpapakita kay Calix miss na miss kona siya dahil simula nung umalis kami dito hindi na kami nakakapag- usap kahit sa social media hindi rin kami nakakapag- usap.
Gusto ko ng magpakita sa kanya pero gusto ko siya i-surprise sa pagdating ko nabilan ko din siya ng mga souvenir from Korea pa yon.Inalam ko din kung saan siya nag-aaral kaya don din ako nagpa-enroll kay Mom para magkita ulit kami at magkasama.Actually magkalapit lang yung Village namin pero diko pa siya pinupuntahan sa kanila dahil tinatamad pa ako.
~~~~~
"Mom papasok napo ako" paalam ko kay Mommy dahil nandon siya sa kitchen kausap yung mga Maid namin.
"Go Son, ingat ka sa pag-drive enjoy your first day" nakiting tugon ni Mommy,ngitian ko nalang siya at nagtuloy- tuloy nako lumabas ng pinto at dumiretso sa garage para kunin yung kotse ko. Oo may sarili na akong kotse bigay saken yon ni Dad nung birthday ko.Skl!
Nag drive na ako papunta don sa University na papasukan ko gumamit na din ako ng ways para di ako maligaw di naman pala siya ganon kalayo kaya okay lang din.
Pumasok na ako ng campus at naglakad sa hallway para hanapin yung section na sinabi ni Mom.
Habang naglalakad ako sa hallway may naka-bunggo ako na lalaki medyo nagulat ako pero hindi ako nagalit dahil alam kong di naman sinasadya yon.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...