Chapter 11

38 2 0
                                    

•Ciara's POV•

Maaga ako nakapasok at naabutan kona si Tammy don infairness ang aga niya ngayon.

"Good morning Ms.Tamara Anika!" Bati ko sa kanya.

"Morning" bati din niya na mukhang wala sa mood as always,pero mas masayang mang inis kung may napipikon.

Binati din ni,Wynona si Tammy pero ganon lang din ang sagot "morning" kahit kailan talaga walang kagana-gana kausap  sa buhay yung babae nayon.

Naupo nalang ako at ganon din ang ginawa ni Wyn,  nag usap usap muna kami  habang  hinintay nalang namin dumating yung professor namin pero habang nakaupo kami at naguusap ay bigla nalang kaming natigil dahil sa ingay ng bunganga nung nagsasalita akala mong may mic sa bunganga ang sarap supalpalan ng papel.

Ay wow lang parang sila lang ang tao dito sa school ah.

Habang tumatagal palapit ng palapit dito sa room yung ingay may mic ba talaga sa bunganga yon at ganon nalang ang ingay at hindi nagtagal nakita kona yung nagsasalita na may mic sa bunganga.

Ponyeta sa lahat ba naman talaga ng mag iingay ito pa talagang si Calix,yung akala mo tahimik lang pero wild din pala.

Hindi nagtagal ay naupo na siya sa tabi ni Tammy at maya maya lang ay may kasunod na siyang lalaki tapos binatukan siya ng lakas yung sa sobrang lakas parang matatanggal na yung batok.

Tumayo ng maayos yung lalaking kasunod ni Calix,habang nakatingin ako sa kanya ay medyo natulala ako dahil sa gwapo ng itsura niya napaka-perfect niya para sa akin at lalong bumagay ang uniform namin sa kanya dahil siya ay maputi at may dalawang dimples.

Shet! I think im in love.

Hoy,Ciara baka bago lang yan! Na love at first sight kana naman.

Napairap nalang ako sa ere para akong tanga dito iba karisma nung palaki nayon tinamaan agad ako.

Lumapit ulit siya kay, Calix at sabay turo naman nito sa gawi ko.

Huh? Ako ba yung tinuro niya?

Ciara,wag kang masyado assumera di nakakaganda yan.

Eh nababaliw naba ako at parang laging humahatol yung isip ko sa mga naiisip ko.

"Hi Miss,pwede ba akong maupo dito?" Tanong niya pa sa akin.

"Okay sige,wala naman naka-upo dyan" sagot ko habang naka-ngiti.

"Sige Thanks!" Sagot niya at ngumiti pero yung ngiti nayon parang naging ngiwi. Awkward Moment.

Wait! Mamatay na yata ako dito na di-oras bakit ang gwapo niya sa malapitan.

Nung makaupo na siya ay tumingin sa gawi ko sabay wink, pero para kanino yon? Tumingin nalang ako sa likod ko at nakita kong nakangiti si Calix kaya sa tingin ko ay para kay Calix yung wink nayon.

Bat ba kase ang assumera ko?

Dumating na si Mr.Rivets at binati kami.Binati din namin siya at sinabi niya may announcement daw siya kaya naman nakinig nalang ako at ipinakilala niya ang bagong naming kaklase na katabi ko.

"Good morning to all of you" panimulang bati niya sa lahat. "I am Kezly Fuentes, I studied in Korea from first year high school and third year high school and I came back here to the Philippines to study here again." Pakilala niya sa aming lahat.

PaubayaWhere stories live. Discover now