Chapter 13

34 2 0
                                    

•Tammy's POV•

Tawa pa din ng tawa si Ate Tiffany,hanggang sa makababa kami sa dining area pero nahinto lang siya nung nakitang naka-ngiting, nakatingin sa amin si Mommy at Daddy nagka tinginan pa kami ni Ate at sabay na tumingin sa kanila ng may nagtataka look.

Sabay kaming lumapit sa kanila at yumakap at don ko lang na- realize na all this time ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa.

Parang ayaw mag sink in sa utak ko ng mga nangyayare dahil si, Ate Tiffany ay mas malapit kay, Mommy at ako naman ay mas malapit kay,Daddy.

Hindi kami ganito ka-okay ni,Ate Tiffany dahil nung nakaraan lang ay nagkasagutan kami.

Ngayon ay sabay kami na nagtatawanan at madalas na kami mag usap na parang walang nangyare gulo sa pagitan namin na dalawa.

Para sa akin kase hindi naman ako mahilig magtanim ng galit at minsan lang din ako sumagot dahil ayokong may taong galit sa akin at ayoko din ng may kaaway dahil hindi naman ako war freak na tao.

"Hi,Daddy!" Naka ngiting bati ko sa kanya. "Naka uwi na po pala kayo bakit po hindi kayo nagsabi?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre para surprise" natatawang sagot sa akin ni,Daddy.

Tuwing saturday kase day off niya kaya siya nakaka-uwi at tuwing linggo naman ay wala silang pasok kaya hanggang Sunday siya ng hapon dito.

Ganon lang ang schedule ng uwi niya at sunday naman ang balik niya sa manila doon sa isang bahay namin, pero friday pa lang ngayon kaya nagtataka ako kung bakit nandito na siya ngayon.

"Diba po, Daddy Saturday pa dapat ang uwi niyo?" Tanong ko sa kanya dahil curious nako kung bakit nandito na siya.

Tumingin pa siya kay, Mommy bago humarap ulit saken naka-ngiti siya pero halata mo sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Dad,may problema poba?" Tanong ko na naman sa kanya kahit hindi pa nasasagot yung una kong tanong.

Alam kong may problema pero hindi sila nagsasabi dahil kabisado kona si,Daddy minsan lang siya magsabi.Gusto niyang sinasarili ang mga problema.

"Walang problema, anak" naka ngiti niyang sabi pero unti-unti ng nang gigilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Tsk! Daddy,may problema kayo eh" pagpipilit ko. "Sabihin niyo napo sa akin para po makatulong ako." Pagpipilit ko ulit at doon ko lang napansin na may mga luha na palang pumapatak sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak kahit na wala naman dahilan para umiyak,pero kase naawa ako kila,Daddy pag nakikita ko silang ganito at parang wala akong kaalam alam sa mga nangyayari.

"Walang problema,Anak okay lang kami" naka ngiting sabi niya at pinunasan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

"Daddy naman eh! Puro po lagi niyo sinasabi na walang problema at okay lang kayo pero halata po sa mga mata niyo na hindi kayo okay." Kahit kase hindi nila sabihin halata mo sa mga mata nila pero bakit ang galing nila magtago?

PaubayaWhere stories live. Discover now