A/N: Enjoy reading ,hope you like it.Thank you!
•Wynona's POV•
Sumunod nalang kami kay Tammy, baka masapak pa kami ni Ciara. joke mabait yan,paubayers nga eh.
Dina kami nag-usap ni Ciara habang naglalakad pabalik ng room,at ilang saglit lang ay narating na namin ang room at nakita ko don si Tammy na naka-upo na, kaya naupo nalang din ako at sumunod naman si Ciara.
Himala tahimik yung non-stop ang bunganga at hindi mukhang parrot ngayon na apura kuda.
Lumapit ako kay Tammy at bumulong...
"Tammy galit kaba saken" umiling siya pero dipa den tumitingin saken. " Oyy! Tammy joke lang yon"sabi ko pero deadma si ate ghorl. "sorry na" paumanhin ko,at unti-unti na siyang humarap saken at tumawa.
Ayy hala nabaliw na yata,katakot siya mamsh.
"Okay lang yon" sabi niya sabay ngiti. "Para kang timang bumubulong kapa HAHAHAHAHA" sabi niya at tawa pa den ng tawa.
Ayy! shet ang lala na niya,dalin kona kaya sa mental?
"Seryoso nga ako ,sorry na nga" paumanhin ko.
"Okay nga lang yon para kang timang dyan" sabi niya habang naka ngiti na halatang nag pipigil pa den ng tawa.
Nagtataka nako sayo Tammy! Kaya nakunot na yung noo ko.
"Tammy bakit kaba tawa ng tawa?" Tanong ko
"Bawal ba?" Tanong niya den saken
"Hindi naman" sabi ko,pero iba talaga siya ngayon.
"Crush mona yon noh?"Tanong ko sa kanya at kaya inirapan niya ako.
Ayan nagtataray na naman si ate ghorl.
"How many times I repeat it to you, that his not my TYPE" pag didiin niya pa sa salitang TYPE, kaya nagulat ako.
Luh napapa-english na galit na nga siya.
"Okay im sorry"paumanhin ko,pero tumango lang siya.
Ayan wyn! Okay na kase kanina tinanong pa! Galit na naman sayo yan! Magso-sorry kana naman. Antanga mo kase!
Magso-sorry pa sana ako ulet pero dumating na yung professor namin,kaya dina natuloy at umayos nalang ako ng upo para makinig.
Nagsimula na mag discuss yung professor namin kaya nakinig nalang akong mabuti,mamaya nalang ulit ako magso-sorry sa kanya.
Discuss! Discuss! Discuss
After 1 hour natapos din mag discuss ang professor namin sa History, at sumunod na dumating yung isa pa namin professor para sa hapon na ito nag discuss lang siya at nag sulat sa board kaya kinuha ko ang notebook ko at sinulat ang mga sinusulat niya sa board. Paminsan-minsan tinitignan ko tong dalawa kong kaibigan pero seryoso parehas sa pakikinig kaya ganon nalang den ginawa ko.
Natapos na mag discuss lahat ng professor namin sa afternoon class kaya nag ayos na kami ng gamit upang maka-uwi na.
"Uuwi naba tayo,guys?" Tanong ni Ciara kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit may gusto ba kayong puntahan?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Uhmm! Wala naman" sagot nilang parehas,kaya naman tumango nalang ako bilang pag tanggap ng sagot nila.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...