Chapter 23

26 1 0
                                    

•Tammy's POV•

Pagkatapos nila mag paalam ay umalis na nga sila para mag laro ng basketball si, Ciara at Wyn, naman ay hindi na din nag tagal at umuwi na den. Ako, naman ay pinapunta ni Mom, sa bahay ni Tita Trina, na kapatid niya pinapadala niya sa akin yung binake niyang cupcakes.

Pumayag akong dalhin yon dahil matagal na din naman akong hindi nadalaw kila Tita Trina, at namimiss kona din naman yung pinsan kong si Tanya, matagal na kase kaming hindi nag kikita at nagkakausap simula nung lumipat na kami ng bahay.

"Mom, hindi na po ba kayo sasama kila, Tita Trina?" Tanong ko kay Mom, bago umalis.

"Hindi na. Pakisabi nalang sa Tita Trina, mo na pupunta ako don sa Friday" habilin niya sa akin na tinguan ko naman.

"Sige po aalis na po ako" paalam ko.

"Sige anak, mag iingat ka. Ikamusta mo nalang ako sa kanila" naka ngiting sabi ni Mom, kaya nginitian ko nalang din at lumabas na ng bahay.

Paglabas ko ng bahay ay naglakad na ako palabas ng village para mag hanap ng taxi medyo malayo din kase ang bahay nila kumpara sa bahay nila Wyn, na kalapit lang namin.

Nung may mag daan na taxi ay pinara ko agad at sinabi ang address ng bahay nila, Tita Trina, saglit lang naman ang byahe kaya okay lang.

Pagkababa ko ng Taxi ay bumungad sa akin si Tanya, na pinsan ko habang kausap ang childhood best friend ko na si Zyrille, namiss ko silang dalawa. It's been a years simula ng magkita kami.

"Uyy! Tamara lika pasok ka" Bungad sa akin ni Tanya. Nilingon ko muna si Zyrille, bago ako pumasok at nakita ko siyang nakatingin din sa akin pero mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Hindi ko alam Kung anong mali bakit naging cold bigla s'ya sa akin yung mga tingin pa lang niya ang cold. Ganon ba talaga pag matagal ng hindi nagkakasama? May magbabago ba dapat talaga?

I know we have a different kind of friendship kase may bago siya at meron din naman ako, pero dapat bang mag iba ang trato mo sa dating kaibigan na nasasandalan at nasasabihin mo ng problema mo?

"Sige Tanya, uwi na muna ako baka hinahanap nako ni Mommy" Paalam niya kay Tanya, at lumakad na paalis tinignan niya muna ako, ngi-ngitian ko na sana siya kaso nag iwas ulit siya ng tingin. Hindi ko alam kung anong mali bakit naging ganon bigla.

Mag kaibigan kaming tatlo dati ni Tanya at Zyrille, nung nakatira pa kami sa lugar na ito.  Ito yung kinagisnan at kinalakihan kong lugar na kasama sila kaya hindi ko sila kayang kalimutan kahit wala kaming komunikasyon araw- araw,  pero bakit parang pag dating sa akin, nakalimutan na ako ni, Zyrille.

Siguro ay may sama s'ya, ng loob sa akin dahil iniwan ko sila at nilisan ko ang lugar na ito. Naiintindihan ko naman kung ganon nga yung dahilan non. Maari pa naman akong bumawi kung sakaling kakausapin niya ulit ako.

Hindi ko kase ugali mag first move kahit kanino kahit na gusto ko sila kausapin hindi ko magawa dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko yon ay napapahiya ako. Kaya ko naman mag adjust for them, just to make them happy. Kaya ko isantabi yung mga bagay nayon para sa kanila.

"Ingat" sabi ni Tanya.

"Tanya, eto nga pala yung cupcakes pinabibigay ni, Mom" sabay abot ko sa kanya ng cupcakes.

PaubayaWhere stories live. Discover now