Chapter 26

25 3 2
                                    

•Tammy's POV•

Nag paalam ako sa kanila pupunta muna ako ng comfort room atsaka kumakain pa naman sila kaya iniwan ko muna sila.

Nauna ako matapos sa kanila may mga kung ano- ano pa kase silang salita na sinabi.

Well, wala naman na bago don para kay Ciara at Wyn, yon lang ang lagi nilang gawain pag mag kasama laging nag babangayan.

Hindi ko naman sila masisi sa ginagawa nila baka doon sa paraan na 'yon nila naidadaan ang bonding.

Ako, minsan lang kase ako mag salita gusto ko nakikinig lang ako sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko. Nasanay ako maging tahimik ayaw ko din ng maingay pero nung makasama ko sila umingay na ang mundo ko.

Wala naman kaso sa akin 'yon kase alam kong kaya nila ako pakisamahan kahit na sobrang tahimik ko lang.

Medyo malapit lang yung comfort room sa cafeteria, pero ang feeling ko ang tagal ko bago makarating dito sa comfort room.

Pumasok ako sa loob at medyo madaming tao yung iba naglalagay ng lipstick at kung ano ano pa nagmu- mukha na silang manika sa sobrang kakapal ng mga make- up nila.

"Tisha, diba 'yan yung babae na kasama nung pogi sa hallway kanina" sabay turo pa sa akin nung babae na akala mo coloring book ang mukha sa sobrang kapal ng make-up.

"Ah! Yung malanding umagaw sa bebe Calix, ko" humarap siya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Makatitig naman 'tong babae na'to eh mas makinis pa nga binti ko sa mukha niya atsaka maka- bebe Calix, akala mo naman pagmamay- ari n'ya si Calix.

Lumapit sa akin yung isang may coloring book na mukha. "Hoy miss ginayuma mo ba 'yon, kaya napapalapit sa'yo."

Tf? Bakit ko naman gagayumahin si Calix? Feeling ko yung mga ulo ng babae na 'to akala mo manika, walang laman.

Hindi ko nalang sila sinagot o pinansin pa kaya pumasok nalang ako sa isang cubicle.

Hindi kopa naisasara ang pintuan ay may humila na sa buhok ko, kaya napahiyaw ako bigla medyo malakas kase ang pagkahila.

"Hoy! Wag kang tumatalikod pag kinakausap kapa" Tsk! Sino naman siya para igalang ko at kausapin.

"Bakit sino kaba?" Sa sobrang inis ko ay nasagot ko siya, kung kanina hindi ko sila pinansin ngayon hindi kona gagawin 'yon, masyado sila abusado para pag pasensyahan.

"Ah so hindi mopa ako kilala? Okay let me introduce myself to you." Hindi na ako sumagot pa at hinintay nalang ang walang kwenta n'yang sasabihin.

"I'm the Queen, of this campus" Tinignan ko lang s'ya ng parang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. "Lahat ng lalaking gusto ko, sa akin lang walang pwedeng dumikit o umagaw. Tandaan mo yan!"

PaubayaWhere stories live. Discover now