•Tammy's POV•Hindi ko akalain na kaya ko makisabay sa mga biro niya pero kanina ay napikon talaga ako sa biro niya alam kong simple lang iyon pero napikon ako.
Nakakahiya yung ginawa ko pero ako na din kusang lumapit sa kanya kase nung nilingon ko kanina hindi mapalagay at panay ang buntong hininga.
Kung ano anong banat ang sinasabi pero hindi kona itatanggi na kinikilig ako kahit papano. Sayang kase effort. Ay huwao!
"Sama ng ugali pinag tulungan niyo pa talaga ko hano" sabi niya sabay pout ang cute niya akala mo bata.
"Corny mo kase, bro" sagot sa kanya ni, Kezly habang tumatawa.
"Epal" sagot ni, Calix, pero tinawanan lang siya nila.
"Tara na nga sa bahay" sabi ko sa kanila.
Hindi na sila sumagot at sunod- sunod nalang na tumayo.
"Tamara" tawag sa akin ni Calix, nung naglalakad na kami palabas ng park.
"Uhm! Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Yung nag bukas ng gate sa amin kanina, kapatid mo daw 'yon sabi ni, Ciara" Tsk! Akala ko naman kung ano yon si, Ate lang pala.
"Ah si Ate Tiffany" sabi ko. "Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman na curious lang ako kase diba hindi ko naman siya na meet kahapon" sagot niya sa akin. Si Daddy at Mommy, nga lang pala ang na meet niya kahapon atsaka wala naman si Ate, kaya hindi niya talaga makikilala.
"Ah oo may work kase siya six p.m na ang uwi kaya hindi mo naabutan" sabi ko sa kanya.
" Kanina naman pinag buksan lang niya kami ng gate at pinapasok pero hindi kona muli siyang nakita." Sabi niya. Ah! So Ate, pala ang nagpapasok sa kanila dito.
"Gym kase punta non pag weekend, Madalang lang mag stay da bahay yon" sagot ko. Talagang hindi niya na makikita si Ate, dahil pag ganitong weekend imbis na mag pahinga siya sa Gym, ang punta niya.
Wala siyang pahinga sa sarili niya at parang ayaw niya din napipirmi ng bahay.
"Dalawa lang kayo mag kapatid?" Tanong niya sa akin. Hindi naman halata na intresado siya sa buhay ko.
"Oo. Ikaw ba may kapatid kapa?" Balik tanong ko sa kanya.
"Ah wala nag- iisa lang akong anak ni Mom at Dad" sagot niya sa akin.
YOU ARE READING
Paubaya
RandomHello! Ako si Tamara. Isa sa mga pangarap ko ang piliin. Sounds funny, right? Wala eh, buong buhay ko hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. Palagi kasi akong nagpapa-ubaya, palagi kong iniisip yung mararamdaman nila kaysa sa sarili ko. Pero siguro gano...