Chapter 27

34 3 0
                                    

•Tammy's POV•

Nagising ako sa mga boses nila dahil parang nagtatalo pa at nagagalit tungkol sa nangyari sa akin pero hindi ko iminulat ang mga mata ko, hinayaan ko lang ang dalawang tenga ko na makinig sa mga sinasabi nila.

"Hindi ako papayag na walang mangyayari sa mga 'yon habang si Tammy, ay ganyan!" Ramdam mo sa tono ni Wyn, ang galit.

"Kalma hindi din naman kami papayag na ganon lang 'yon" boses ni Calix.

"Sa kabilang section lang daw yung mga babae na 'yon na s'yang may gawa ng  'yan kay Tamara" Rinig kong sabi ni Tristan sa kanila.

"Pag 'yong mga babae na 'yon ay nakita ko malalagas sa akin ang mga buhok non" boses na ni Ciara ang nagsasalita.

"Cia, hayaan mo na ang Dean, ang mag bigay ng punishment sa kanila" pagpapakalma ni Kezly.

Pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi nila kaya nung medyo natahimik ay unti- unti kong iminulat ang mga mata ko at may naramdaman akong kirot at nung maidilat ko na ng mabuti kulay puti na kisame ang bumungad sa akin. Actually kanina pa ako gising hirap na hirap lang talaga ako na imulat ang mata ko. Narinig ko pa ang mga boses ni Ciara at Wynona na nagagalit.


"A-anong. meron. nasa'n. ako?" Nauutal at pahinto hinto kong sabi, dahil may kirot din sa mga labi ko.

"Nandito ka sa clinic ng school. How are you?" Bungad agad sa'kin ni Calix, halata sa mukha n'ya ang sobrang pag alala.

"I-im okay" 'yon nalang ang naisagot ko kahit hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko dahil ayoko pa na mag alala sila sa akin.

"How's your feeling right now?" Tanong ni Ciara.

"Medyo masakit yung katawan ko"

"TF! Humanda talaga saken mga babae na yon" rinig kong sinabi ni Wyn, kaya napalingon ako sa kabilang side ng room na kung nasa'n ako ngayon nandon siya sa may isang sulok nakaupo at magkasalubong ang mga kilay.

Hindi ko akalain na mangyayari sa'kin 'to. Kung hindi lang nila ako napag tulungan ay kaya ko silang labanan.

Sobrang sakit ng idinulot nila sakin na 'to at sobrang panghihina ko ay hinimatay na ako. Paano nalang kung napatay nila ako?

"Ano bang nangyari kanina at napag tulungan ka?" Tristan, asked me.

"Hindi ba nagpaalam ako sa inyo na pupunta ako ng comfort room" tumango naman sila bilang pag sang-ayon. "Inabutan ko sila don pagpasok ko pa lang ay tinignan ni nila ako mula ulo hanggang paa hanggang sa tinanong nila ako kung ginayuma ko daw ba si Calix, at napalapit sa akin" Pag kwento ko at tinignan ko ang mga mukha pero hindi pa sila nagsalita mukhang nag hihintay ng kasunod kaya pinagpatuloy ko nalang. "Hindi ako sumagot at tinalukaran ko nalang sila pero hindi kopa naisasara ang pintuan ng isang cubicle ay may humablot na agad ng buhok ko nagpakilala pa ang isa siya daw si Tisha, ang queen ng campus na 'to ayon hanggang sa nagkasagutan na."

PaubayaWhere stories live. Discover now